Homestretch
Dear Mouse,
Ilang tulog na lang, eleksiyon na.
Si Da King ay may pinagbago na rin. Mahigit dalawang parirala na rin ang nasasabi niya. Sama-sama tayo. Hindi na rin siya nang-uumbag. Ang kaniyang misis na lang.
Si Ate Glow ay panay ang glow. Nasa kaniya lahat ang resources. Pati si Ai Ai, si Nora at si Boy Abunda. Huwag kalimutan si Kris.
Si Eddie G. ay nalaglag nang tuluyan. Magpipiloto na lang raw siya...ng lumang chopper na binili niya. raw.
Si Eddie Villanueva ay nagpakita ng lakas sa Makati rally. Lumabas ang kaniyang mga tagasunod.
Mabuti man ang pakay niya ay may mga balakid siya sa pangarap niyang mgaging Presidente---ang Iglesia, ang El Shaddai members at ang Catholic Church.
May mga pasubali ako sa mga taong nagtatag ng religious organization at pumasok sa pulitika. Hindi sapat ang pakay at ang mabuting puso para manalo sa isang puwesto na ipinalalagay na napaka mahalaga na kahit siguro kaluluwa ay ipagbibili .
Kinilabutan ako ng makita ko si Ecleo na nasa wheelchair at halos ayaw ipahipo ng kaniyang mga alagad. Nang ifinocus ang mukha niya, hindi ko mawari kung iyon ba ay ngiti sa cameraman o ngiting parang nagsasabing, see what my followers will do for me?
Si Ping Lacson ay isa pa ring misteryo sa akin. Saan siya kumukuha ng pera para sa kaniyang kampanya. Ang larawang nakikita ko sa kaniya ay isang boksingero. Duguan na ay siya pa ang humihiyaw na lalaban ka pa ba.
Si Roco ay isa sanang tao na maaring gumawa ng lahat para sa bayan para siya ay makapag-iwan ng magandang legasiya. Nguni't hanggang kailan? Basahin ang discussion ni Sassy tungkol dito.
The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home