Monday, May 17, 2004

American Idol final 3, stage parents, child stars


Dear Mouse,
Kung mababaw ako sa pagsusubaybay ko sa American Idol, may kasama ako sa kababawan, si Teddy Benigno na ipinagmalaki niya ang pagiging taga hanga niya ni Jasmine Trias.Pero hanggang doon lang ang pagkakapareho namin. Sa totoo lang ay isa siyang respetadong manunulat, kolumnista, dating Executive ba o Press Secretary ni Tita Cory? Ako ay karaniwang blogger lang, libre pa ang hosting.mwehehehe

Sabi ko sainyo, may suot akong salamin na kung ang tingin ninyo sa isang bulaklak ay bulak lak, sa akin ay hindi ang pagiging ganda niya ang aking nakikita. Pati uod ng bulaklak ay nakikita ko. Impluwensiya ng isa kong propesor sa College na pinipilit kaming gumawa ng kuwento kahit tungkol sa ordinaryong HILOD.Tama ang basa ninyo,yong batong ginagamit sa pag-alis ng mga libag sa katawan, sanhi ng polusyon, alikabok at pawis.

Kaya ang tingin ko sa special American Idol/final 3 ngayong gabi ay damage control strategy.

One thing na ayaw ng mga executive producers ay maakusahan ang kanilang programa na nagpo- promote ng racism at ang kanilang mga stars na nang-iinsulto ng publiko, ang mga manonood. Kilala si Simon sa pang-insulto ng mga contestant; constructive criticism kuno pero hindi dapat isama ang mga nanonood. Sa marketing hindi si Poe ang Da king kung hindi ang consumers. (no ba ang pinagsasabi ko).

Nang mapanood ko ang mga comments ng mga judges na sinisisi ang voting public at sinabing nagkamali ang mga bomoto dahil hindi yong iniisip nilang contestant ang mananalo tiyak ko, may malaking miting na naganap sa kagitla-gitlang reaction ng mga tagahanga ni Jasmine.

Nauna nang nagjustify sa nangyari ang executive producer na si Nigel Lythgoe.

>"In an interview with USA Today, "American Idol" executive producer Nigel Lythgoe revealed, "This is not a competition for best singer. You vote for your next American Idol. You need a lot of other things. You need charisma, you need warmth. Maybe America felt La Toya had a fantastic voice but she wasn't as warm."

Parang sinulat ni Pusa ito pagkatapos ng nangyaring que barbaridad na insultuhan.

Parang consuelo de bobo, mismo si Simon ang anak ni Nigel ang nag-escort kay Jasmine pauwi ng Hawaii.

Sabi niya: "I just want everyone to know how sweet she is.

Pag hindi mo sinabing pr yan ay di ko na alam.

Pero sa totoo lang ang voice over ng kaniyang ama ang kaniyang naririnig. Do something. We are talking about some six million viewers here. Yan ang mga botong hindi pa nakapasok nang gabing yon para kay Jasmine.

< HINDI MAN MANALO SI JASMINE AY NAIPAKITA NG MGA PILIPINONG HINDI MAGKASUNDO SA PULITIKA NA KUNG GUGUSTUHIN NILA AY ISA SILANG MALAKAS NA KAPANGYARIHAN PAG NAGKASAMA-SAMA AY PUWEDENG YANIGIN KAHIT ANG MGA BANYAGA SA KANILANG SARILING TERITORYO. MINSAN NA NILANG NAIPAKITA ITO SA MUNDO NANG IBAGSAK NILA ANG DIKTADURYA . Sayang nga lang. >

Ngayong gabi, tatlumpong minuto ang ibinigay sa mga judges na sina Randy, Paula at Simon para magpaliwanag o kaya ay linawin ang kanilang paninindigan...ang kanilang pananaw. Inamin nila na ang mga hindi inaasahang reaction ng publiko ang nakakapagpopular sa programang iyon. Hindi sila ang pipili ng American Idol, ang mga taong nanonood gaano man kaiba ito sa kanilang paniniwala.

Sa mga basura at tila walang kawawaan na maituturing sa pananaw ng mas seryosong mga tao, isang magandang leksiyon ang dapat pulutin sa sinabi ni Simon--ito ang kaniyang pag-ayaw sa mga batang naghahangad ng popularidad. Sa kaniya, sila ay mga bata pa para danasin ang pressure ng show business. Dahil doon lumalaki silang abnormal kagaya ni Michael Jackson ikaniya.

Pagkatapos ng palabas na iyon ay inilipat ko sa TFC ang Tv at nakita ko ang batang na-eliminate sa isang local na clone ng American Idol.

Sa mata ng labing-isang taong bata na inalis nila sa competition ay umaagos ang luha. Hindi lang nakakasuka ang mga sinasabi nina Gloria Diaz, Boy Abunda at isa pang hindi ko kilala habang isa isa nilang inieliminate ang mga contestants. Gayang gaya sina Simon at si Randy Dude.

Sa mga ambisyosang mga magulang na gustong magkamal ng pera sa pamamagitan ng pagiging artista habang bata sila, hindi na kailangang tumingin pa sa ibayong dagat. Nandiyan si Nino Muhlach, nandiyan si Matet, nan diyan si Maricel, nandiyan si Van Dolph.Lahat ay nadeprive ng kanilang kabataan.

Maging si Shirley Temple ay naging problema pagkatapos niyang maging sikat na child star at mag-asawa sa murang gulang na labing pito.

buti na lang hindi ako pinilit ng aking mader para mag-artista. (blam, blag) Hoy huwag kayong magdabog. inggit lang kayo beh

The CA t

3 Comments:

At 5:32 PM, Anonymous Anonymous said...

pa'no ba yan Cat, pangarap ko pa naman sanang maging stage mother in the future, hehehe.

nakaka-kablam ang issue ng racism sa AI. double standard. may mga forum bashing against jasmine dahil asian $%#@&! daw. hindi ko alam na ang racism pala applicable lang sa mga black.

 
At 5:37 PM, Anonymous Anonymous said...

ay anubayun nai-igno naman ako sa bagong comment box mo, hehehe.

ang mensahe sa itaas ay mula sa isang tulad mong nagmula sa angkan ng Bulkang Mayon.

 
At 10:58 PM, Blogger cathy said...

kilala kita kung ikaw ay galing sa bayan ng magagayon.

minsan ang mga may kulay ay mas racist pa.

Binago ko nga itong setting ng aking comment. Hindi lang nagreklamo si Tambay, ako rin hindi makapagpost ng comment. hehehe

 

Post a Comment

<< Home