Baclaran, Baclaran, dalawa na lang tatakbo na
Dear Mouse,
May malabo ang mata na balak akong gawing reyna
ng kaniyang tahanan. Nasa militar siya at may
katungkulan. Kumpare siya ng nobyo ng aking
pinakamatalik na kaibigan sa college. Ang aking
hinala ay talagang kinakayag siya ni Capitan
para masolo niya yong aking besyt pren. Para
bang ikaw bahala diyan, ako bahala dito. Balak
pa kaming gawing banana cue, isang tuhog. Alam
niyang mahaba ang aming baycant period sa
tanghali.Sa kahabaan nga nagkukulong ang aming
barkada sa isang bakanteng kuwarto at kami
ay naglalaro ng pusoy. Bawal yon pag nahuli.
Eh minsan, nahuli kami noong matandamg guwardiya.
Mabait siya. Retirado na at panibagong trabaho
niya yon. Ang tawag ng grupo namin sa kaniya
ay Dean. Dean ng mga guwardiya. Hindi niya
kami isinumbong pero nangako kaming hindi
na namin uulitin ang maglaro ng pusoy....
black jack na lang.
Teka, jeep ang pinaguusapan natin. Hindi yong mga kalokohan sa iskul. Saka na iyon. Marami.
So dumalaw nga si...tawagin natin siyang Capitan. Niyaya akong pumunta sa Baclaran. Baka raw nagnonobena ako ay sasamahan niya ako. Pinarada raw niya ang kaniyang kotse sa malayo. Kung gusto ko raw ay kukunin niya. Sabi ko, sasakay na lang kami ng jeep. Paglabas naman ay maraming masasakyan papuntang Baclaran.
Matrapik. Matagal na nakahinto ang jeep. Sa mga nanliligaw, mas matagal ang trapik mas magaling lalo kasama mo ang apple of the eyes mo-sabi nila ha. Nasa Baclaran na kami kaya mas mabagal ang usad. Kabila-kabilaan kasi ang mga sidewalk vendors. May naramdaman akong humigit sa aking leeg.Ang aking kuwintas ay inisnatch mula sa batok ko habang nakahinto ang sasakyan. Hindi ako sunigaw.Yong snatcher ay naglalakad lang na parang walang nagnyari. Bumaba ako sa dyip. Tinanong ako ni Capitan kung saan ako pupunta. Hindi ako sumagot. Ayaw kung maalis sa pananaw ko ang lalaking yon. Binilisan ko ang aking lakad. Nang kalahating dipa na lang siya ay hinila ko ang kaniyang kuwelyo. Nagulat siya. Hindi nakapagsalita. Itinulak ko siya sa kalsada. Umiwas ang mga tao. Akala ay away. Talaga. Ipinalalabas ko ang kuwintas ko. Wala raw. sinuntok ko siya sa mukha. Sapul. Wala raw. hinawakan ko ang kaniyang kamiseta. Sabi ko pag hindi niya inilabas, huhubaran ko siya. Palakpakan ang mga babae. Nasa gitna kami ng kalsada. Parang gusto kong itaas ang aking dalawang kamay.
Sumunod si Capitan. Ibinalik ng snatcher yong kuwintas. Pinagalitan ako ni Capitan. Ulit-ulit daw huwag kong gagawin yon. Paano na lang kung yon kung may kakutsaba at sinaksak ako sa likod. Matapang daw pala ako nakakatakot. Baka raw bugbugin ko siya. Sarado raw ang mata noong snatcher. Noon ko naramdaman ang sakit ng aking mga kamay.
Matagal siyang di dumalaw.
The CA t
2 Comments:
akala ko sasabihin ni o, captain! my, captain! eh, walanghiya kang pusa ka, para kang nakaka-lalaki, ah!
bwahahaha sa kanilang dalawa.
teka, nasa pilipinas ka na naman ba?
C,
Noong college pa ako nito. hindi ko nasilo. Natakot sa pagkamacho ko.
Post a Comment
<< Home