SUNDAY SUNDRIES
Dear Mouse,
The GILS and the Osbournes
Pwedeng bigyan ng sarili nilang sit-com ang
pamilyang GIL parang ang dysfunctional na family
ng Osbournes. Mas natawa pa ako doon sa coverage
ng kaniyang campaign kaysa doon sa guesting niya
sa mga comedy shows kung saan mukha siyang trying
hard.
Hindi ka ba matatawa kung makita mo si Eddie G. na natutulog sa kaniyang upuan habang ang kaniyang look-alike ay kumakanta sa entablado? Mga salbaheng media. Buti na lang hindi tulo laway.
Hindi ka ba matatawa kung makita mong ginawa niyang sing- along corner yong orchestra sa Manila Hotel lobby? Ano kaya ang naging ng mga foreigners na nakacheck-in doon?
Hindi ka ba matatawa kung makita mo ang sapatos niya ay elevator shoes na ang tingin ko ay WMD kung ipukpok sa kaaway? Matulis ang dulo at makapal ang takong.
Hindi ka ba matatawa kung makita mo ang kaniyang mga alipores ay nakikipagsabunutan, nakikipagsipaan, nakikipagkaratehan dahil ayaw maniwala ng iba na puwedeng bayaran ng amo nila ang utang ng Pilipinas. Parang gusto kong itape ang segment na yon at lagyan ng background music na Kung FU Fighting .Saludo ako kay Eddie G. Hindi siya pikon. Huwag mo lang banggitin ang COMELEC.
Same sex marriage
Hindi ako ipokrita. Maraming akong kaibigan na alanganin. Hindi na raw sila dapat tinatawag alanganin dahil sure na sila sa kanilang kasarian. Pero nagsalubong ang aking kilay at siguro kung hindi ko pinaghiwalay ay tuluyan ng nabuhol. Ipinakita sa TV ang kasal ng dati ay “asawa” raw ng isang sikat na babaeng starlet. Ano ang kontrobersiyal doon ? Pareho silang mare. Ang pamilya ng dalawang batang babae ay nandoon at ipinagdiwang ang kanilang pagtataling dibdib.
Buhusan ninyo akong isang baldeng tubig. Dito sa Estet eh, sa Massachussets pa lang naaprubahan ang pagpapakasal ng pare sa pare at mare sa mare.
Ibig sabihin mas konserbatibo pa ang Estet sa Katolikong Pilipinas? Nagtatanong lang po. Huwag ninyo akong kurutin mga Tita.
The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home