Tuesday, May 18, 2004

American Idol judges -sobra ang ganti kay Jasmine

Dear Mouse,

Ito na naman ako. Mainit ang aking ulo. Pag may nagkamaling ipis na dumaan sa harap ko, tiyak pisat.

Nanood ako ng American Idol. Huwag niyong isnabin, lahat pala ng mga kagalanggalang na mga columnista, abugado at may mga matataas na katungkulan dito sa Estet ay may write-up tungkol kay Jasmine Trias.

Naaawa ako kay Jasmine. Siguro kung masusunod lang siya ay hindi na siya makikipagtagisan sa pag-awit, pagkataposngayong gabi.Hindi lang cold shoulder treatment and ibinigay sa kaniya,pati cold cuts. Ang tawag diyan ay reprisal sa pagkakapahiya sa kanila.

Hindi itong ordinaryong pagtatagisan ng pag-awit Ito ay parang power struggle sa corporate environment na puwede kang manalo sa boardroom sa issues na backed-up ka ng mga absentee executive committee pero ang kaluhabilo mo araw-araw ay ang mga grupong maaring magsabotahe saiyo para ang ipinanalo mo ay hindi maging matagumpay.

Katulad din yan pagdadala ng mga kaso tungkol sa job discrimination, sexual harassment, verbal abuse sa grievance committee. Maaring manalo ka sa pinakilaban mong karapatan, pero naging isa kang parang ketonging tao na iniiwasan ng marami anggang hindi ka makatiis at ikaw ay umalis na lang.

Dapat matanggap ng lahat na ang mapusyaw na kulay ay hindi kailan man magpapasapaw sa mga Asyano.

Kung ang pagboto ng mga Pilipino at ibang lahi ay para gumawa ng statement,pinamukha nina Simon Cowell na sila ng maglalagay ng period kung hindi man exclamation point.
Sabi ng kaibigan ko, talo talaga si Jasmine. Wala na raw ang mga Pilipino at Puting nagpapalakpak sa kaniya maliban sa kaniyang pamilya.

Wala nga halos Pilipino sa audience. Either hindi sila pinapasok o sila ay nagboycott.

May katotohanan man na ang mga batang nagsisimula ay nagkakaroon ng abnormal na buhay, marami ring mga may edad na nagsimula ang sinira rin ang buhay nila dahil hindi nila matanggap na sila ay palaos na. Si Whitney Houston na ipinagmamalaki nila na hindi puwedeng tularan ay hindi na bata nang magsimula.

Kahit matanda ay di rin kakayanin ang pressures ng show biz. Saan ba nauuwi ang mga sikat na celeb rities na ito. Si Diana Ross ay labas-masok sa bilibid dahil sa kaniyang problemang DUI.

Masyadong maliwanag pa sa sikat ng araw na kahit na anong taas ang boses ni Jasmine na inamin mismo noong producer-judge,ay wala siyang pag-asa. Hindi pa man tapos ang laban ay pinoproklama na nila ang panalo.

Ang American Idol ay isang mundong magandang pag- aralan dahil dito ay makikita mo ang pulitika-- ang pagpapanalo nila noong isang taon sa isang may kulay para lang hindi masabing pabor sila Puti. May eleksiyon,may giyera, may truce, may mga mga kampihan. May isinulat pa na si Latoya ang naging dahilan ng pagkakasundo ng mga nag-aaway sa Oakland na marami ang namamatay. Si Jasmine din ang dahilan kung bakit ang mga Pinoy na nag-aaway-away kung saang social classes sila nakakasama ay nagkaisa sa pag boto. Kung ito ay British parliament, wala ng vote of confidence si Simon. Sa Parliamento ang ibig sabihin ay mahina ka na o magresign ka na lang.

Tila ito Oscar award na pinapanalo ang isang pelikulang Tsino sa panahong kailangan nilang macorner ang market sa Tsina? Matagal ng nagliliparan ang mga Intsik sa sine pero noong taon lang yon pinansin. Masyadong mapantasya ang pelikulang yon pero hindi nila yon pinansin. Maraming magandang pelikulang Amerikano na may mga mensahe pero yonay nabalewala. Pagkatapos ang teknikang yon din ang ginamit sa Matrix, sa Spiderman, at sa iba pang mga hero movies.Tatanu- ngin ninyo, anong pakialam ng movie industry sa pulitika at ng pulitika sa moive industry.Malaki.

Pero bago tayo maligaw, balik tayo sa American Idol. Sinasabing hindi maganda ang performance ni Jasmine. No wow factor. At para dagdagan pa ang hapdi ay sinabi ni Simon na kung hindi sa State of Hawaii, naalis na si Jasmine.

Dalawa ang aking inaasahang reaction sa gabing ito either mag-give up na ang mga supporters ni Jasmine para hindi na siya magdusa sa mga insulto ng mga walang pusong judges na yon o kaya ay lalo nilang inisin.

Isa lang ang masasabi ko. Dalawa ang aking national anthem, ang Bridge Over Troubled Water at ang Greatest love of All.

Pag hindi mo ako napatayo dahil sa ganda ng rendition ng kanta, ibig sabihin niyan, hindi ako bilib.

Ahem : The Greatest Love of all.( sabi ng coach ko... panginigin mo bata)...is easy to achieve...

Bakit kayo nakatingin sa akin. Ngayon lang kayo nakakitang pusang ngumingiyaw?

The CA t

3 Comments:

At 12:19 AM, Anonymous Anonymous said...

pinapatunayan lang na malaki talaga ang descrimination ng mga puti, talagang wala silang patawad,lalo na yang simon cowell na yan,wag lang syang magkamaling mapadpad ng pinas,titirisin ko yan!

 
At 6:25 AM, Anonymous Anonymous said...

Alam mo, last year nangyari rin ito. The only comment that I heard from Simon is, America voted, why whine?

Magaling yong naalis na itim.

 
At 5:08 PM, Blogger Gwen Bautista said...

Maganda ang mga opinyon at mga ideya mo sa bagay-bagay. Tama ka duon, nuong isang taon pilit sinusuyo ng Amerika na sumali sa WTO ang Tsina. Galing ng puti ano? Napanood ko yung performance ni Jasmine, kung ang pagbabasihan ay sa kanilang tatlo, OO , aminado ako na mahina ang laban niya sa eksperiyensiyadong si Fantasia, pero kung kay Degarmo na lang din, panalo si Jasmine. Ika nga, between the brown, black and blonde , only the bland remains. hehehe

 

Post a Comment

<< Home