Saturday, May 01, 2004

Birthday party na naman-Children nga lang


Dear Mouse,
Buong Linggo yata akong di ngumiti sa opit. Nagreklamo yong aming oditors. Wala raw sagot sa mga sulat na pinadala namin para uriratin kung totoo nga ang mga numero sa aming libro. Lumabas na karamihan sa malalaking kumpanyang ito ay nagbawas ng mga opisina /nagpadala sa Asya/nag-alis ng mga departamento at tao at palagay ba noong nautusan na tawagan sila ay ang mga natirang tao ay may paalala na huwag magsasalita ng kahit ano kung hindi, hindi ko responsibildad yan, tawagan ninyo itong numerong ito o kaya talagang walang laman--pagtawag mo naman sa numero ay automated kaya ang pag press ng numero ng walang katapusan ay nakakadepress.May mayroon namang nagkamaling taong sumagot , ang tanong, saang bansa ka naroon? "Hindi ko alam kong dahil sa aksento ng aking kasama o dahil nasa Asya ang sumasagot.

May mga tao pa na pag may nakita kang mali, uunahan ka na ng dakdak para maalis ang atensiyon sa kanila. Oo, Birhiniya, nang nilalang ang tao, may naging anak silang ang pangalan ay Kain.

Kaya ngayong Sabado, kinasela ko ang aking appointment at minabuti kong umattend ng children party para sa anak ng aking kaibigang mag dadalawang taon. Kakanta ako at baka lapitan na naman niya ako para aluhin. Kukutusan ko na siya.

O kaya hindi ko ibibigay yong regalo ko sa kaniyang libro. "Tyranny of the Status Quo" by Milton and Rose Friedman. It's a better read than Mother Goose.

Kasama rin yong boy-from-hell. Ano na naman kaya ang kabulastugang gagawin ng batang ito? Ka carpool ko pa naman. Makapagdala ng pamaypay na tinitiklop. Double purpose sa auntie ko. Pampalo sa amin pag malikot kami sa simbahan at pampaypay niya kahit hindi mainit. Pag mabilis ang paypay, inip na siya sa sermon. Pag mahinay, may nakita siyang pogi sa malapit at pag mabilis at biglang sara, may nakita siyang kalabang babae.

The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home