Wednesday, April 06, 2005

The Rebel with the Because -Parang Komiks

Dear mouse,

It's my turn...parang kanta. Kornikonanaman.

Ako ho kuwentorer (nagkukuwento, may reklamo ang mga Tagalista ?)ngayon sa blogkadahan sa topic na "Paglaki ko ano ang gusto kong maging..."

Ito ho ang pasakalye...yong kalahati ay nasa blogkadahan.

Para akong pinagtakluban ng langit at lupa. isama na ninyo ang palanggana at batya sa aming batalan, nang ang aking ina ay sabihin nang walang kakurap-kurap, “Hindi ka mag-eenroll sa UP.”

Pagkatapos kung maglakad ng parang zombie, buwan bago lumabas ang resulta ng entrance exam; pagkatapos kong sumumpa-sumpa na ako ay di na kukupit ng baon sa ilalim ng kama ng aking madir; pagkatapos kong muntik ng kulamin ang aming valedictorian na baka raw hindi ko kayanin; pagkatapos kung lumakad ng paluhod sa Baclaran, sa Quiapo at sa St. Jude...sasabihin ng aking madir, hindi ako mag-eenroll sa UP Diliman Hindiiiiiiiii. Sabihin ninyong nagbibiro lang siya. Sabihin ninyong nagmemenopause lang siya na hindi pa naman.

( Ahem, okay ba ang emote ?)

Sabi niya, napagod siya nang kapupunta sa Guidance Counsellor noong ako ay Grade School at sa tingin niya lalo akong magiging problema kung ako ay nasa UP. Baka raw mawalan na ako ng Diyos. Bakit ang mga kapatid ko? Hindi naman. Kasi ang utak ko raw ay iba. Siguro may retrato siya ng utak ko.

Rewind muna tayo.engekeshengesken (sound ho yan nang nagrerewind, o di va).

Titser ang aking madir, naging titser pa nga siya ng aking kapatid na panganay. Pero pagdating sa akin ay full time housewife na siya kasi gusto ng aking padir na nasusubaybayan niya kami sa aming pag-aaral. Kasama siya ng mga kapatid ko sa paggawa ng mga assignments at projects, habang ako ay nagbabasa ng komiks.

Uhrm. Maikwento ko lang, tatlong taon, marunong na akong magbasa dahil sa komiks kaya una kong gustong maging noong ako ay bata pa ay maging si DARNA. Madalas tinatali ko yong bandana sa aking leeg at tumatalon ako mula sa sopa habang sumisigaw ng DARNA. Pagbagsak ko, arayyyy. Kurot ni madir. Bakit ba ang galing niyang kumalkula sa singit ang bagsak ng kurot ? Kainis.

Pero nang ipagbawal niya ang komiks sa bahay dahil nahuli niya akong nagbabasa habang kami ay nagdadasal ng rosaryo (nasa likod po ako) nabago naman ang aking gustong maging paglaki ko. Gusto kong maging madre para ako ay maging santa. Kasi ang nilagay ng aking madir na babasahin ay tungkol sa mga buhay ng santo at santa. Kaya gamit pa rin ang bandanang malaki, pinapandong ko naman ito sa ulo ko habang ako ay tumatayo sa bangko at kunwari nagbabasbas. Nangingiti ang aking madir. Siyang-siya. Pangit lang ng tunog ng pangalan ko pag maging Santa. Parang sinabi mong Santa Bruha. hehehe.

Sinusulat ko pa sa mga lumang notebook ng aking mga kapatid ang “I want to be a none (nun)." Minsan nasulatan ko pala yong ginagamit pa nilang notebook. Tinanong ako kung anong ibig kong sabihin. Noong malamang gusto kong maging madre, nagkakandaiyak, katatawa. (ROLF baga.) Kung hindi nga lang pinalaki kami na huwag lalaban sa nakakatanda, nabigwasan ko na siya katulad ng kaklase kong lalaki na tumawa rin sa akin. Naglapitan ang iba ko pang kapatid at nakitukso rin. Sabi ng isa, pag pumasok daw ako sa kumbento, magsasara yon dahil sa magugulo. Sabi naman ng isa, hindi pa nga raw siya binabati noong kapatid ng kaklase kong itinali ko yong buhok sa likod ng upuan namin.

Sundan ang karugtong sa blogkadahan (para talagang komiks, hane po?)

The Ca t

2 Comments:

At 1:09 AM, Blogger infraternam meam said...

cat....long time no comment. i got sick and was taken to the emergency. now i am resting at home, i will then have my MRI of the brain this coming Friday. my wife wants to know, if i still have the brain nyekkkk i have a rare illness that is affecting the nerve at the back of the head that is connected to the spine.nothing to worry about. i still can blog, di bah?

so... going back to your blog...parang komiks. ano ba ito, Tiya Dely or Kwento ni Lola Basyang? Tapusin mo na, para hindi nagugulo and utak ko. Hindi na ako lilipat pa ng page, sa yo ko na lang babasahin.hmmmmmmm!!!

 
At 6:30 AM, Blogger cathy said...

frat,
nagtaka nga ako dahil MIA ka. so i went to check your blog. aba buahy pa naman. but seriously, i pray na maganda ang result ng MRI.
click mo na lang yong blogkadahan link ko kasi mahaba eh.

teaser lang sa akin.

 

Post a Comment

<< Home