Friday, April 30, 2004

Iskas/iskos ng UP-Mabuhay kayo


Dear Mouse,

Hanep ang mga kabarangay ni Sassy, humahataw sa France at nakipagsabayan pa sa Cambridge University Law Students.

Napublish daw ito sa Inquirer pero ang hirap kong magnavigate sa net ngayon kaya wala akong link. Pag balik na lang nitong aking notebook pagkatapos purgahin.

Tatlong UP law students ang nakipagsabayan sa mga taga Cambridge sa Jeann Pictet Competition sa international humanitarian law. Ito yong moot/court role playing contest.

Sinong nagsabi na talo ng Singapore ang Pilipinas sa edukasyon. Kita mo naman ang mga tinalo ng Pinoy; New York university, National University of Singapore, Switzerland's University Centre for International Humanitarian Law, University of Tblissi, Georgia at Ultrecht University.

Ako may ipagmamalaki rin. Ito ang shirt na may tatak Cambridge University. (babaw,noh).Pasalubong sa akin ng isang mapusyaw ang kulay-na-kaibigan-nga-ba-o-kaaway-o-ano-nga-ba-ang-role-niya-sa-buhay noong dinalaw niya ang kaniyang kapatid at bayaw na nagtuturo doon tuwing summer. Hindi Law kung hindi Labor Eco. Nilabhan ko na naman yong shirt 'noh. Sabi ko kasi sa kaniya, para mahalin ng isang tao, regaluhan mo ng shirt. nakayakap sa katawan. Kaso niregalo niya intelligent shirt. hehehe

The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home