Dear Mouse,
Pagkatapos ng almusal na sangkatutak,
pumunta na kami sa sinasabi nilang kuweba
ng mga paniki. Akala ko si Batman makikita
ko o kaya si Batjay pero talaga palang
mga paniki.Marami silang nakasabit sa
bukana ng kuweba, kung saan sa labas ay
maraming mga taong nakaluhod.
Akala ko ay nagdadasal sila sa mga
paniki.Sabi ng kanilang parang pari,
ang kanilang pinagdadasalan daw ay
ang kanilang diyos na lumalabas sa
anyong malaking sawa.
Pero bihira lang daw itong
magpakita. Yong aking kaibigan ay hindi
pa raw nakita yong sinasabing sawa mula
nang pagkabata niya. Namimili lang
daw nang pakikitaan ang sawa, kaya
parang himala pag ito ay nagpakita.
Sa isip ko huwag sanang magpakita
kasi takot ako sa ahas. Eh napakalaki
raw ito at makikita sa isang malaking
butas kung saan ito ay sumisilip.
Marami ring turistang nandoon at
katulad naming ay nakikiusisa sa
mga pagsamba ng mga tagaroon sa kanilang
diyos.
Paalis na kami nang tawagin kami ng pari
nila. Lumabas daw ang malaking sawa.
Nandoon sa butas. Tuwang tuwa at nagluhuran
ang mga tagaroon. Kami naman ay tumingala
at nakita nga naming ang napakalaking
sawa.
Kinilabutan ako. Sabi nang aking
kaibigan.Ngayon lang daw lumabas yon.
Tila ba may gustong pakitaan.
Baka papaniwalain ako dahil sa
isip ko ay baka gawa-gawa lang nila
yon.
Sumakay na kami sa van. Nang pauwi
na kami ay huminto ang aming
sasakyan. Mayroon daw puting aso na sumusunod
sa aming likod.Sabi ko so ?
Wala raw kasing aso doon. Lalo puting aso.
Ngiiiii
Pagkatapos ay pinababa kami ng aking
kaibigan. Dumaraan daw kasi ang kanilang
diyos.(Maraming diyos sa kanilang relihiyon).
May isang prusisyon kung saan may mga
taong may pasan ng isang parang kahon
na may tabing. Dadalhin daw ito
sa sapa.
Pinaalis sa amin ang aming sapatos
bilang paggalang habang ito ay dumadaan.
Nang malayo na ang prusisyon,sabi ng
kaibigan ko na nakakapagtaka raw. Bakit
may prusisyon sa ganong buwan ay hindi naman
kapanahunan ng ganoong ritwal.
Malay ko.
Kung baga sa Holyweek natin, ito
ay Marso o Abril ginaganap.
Ganoon din sa kanila. May nakatakdang
buwan ang prusisyon.
Para raw mga omen.
Something’s weird going on, sabi ng
kaibigan kong Indonesian.
Ang alam ko gutom na ako. Ang
aking relos ay hindi naging ginto.
Ang aking kasamang abugada ay nakatitig
sa aking braso.Sabi ko kahit titigan niya
yon ng isang oras, hindi magiging ginto
ang aking relos.
Hmppp
Hindi niya ako pinansin. Tiningnan niya a
ng retratong kuha ng mama sa Polaroid. Tiningnan
niya ang aking braso. Tiningnan niya ako
sa aking mata. Whaaat ?
Nasaan itong mga gold bracelets? Tanong
niya sabay turo sa aking retrato.
'nong gold bracelets ? Tanoong ko rin.
Tiningnan ko ang aking retrato.May suot
nga akong bracelet.Marami.
Hmmm wala naman akong suot nang
retratuhin yon.
At wala rin akong dalang bracelet.
Habang sinusulat ko ito ay hinanap ko
ang retrato para iiscan.
Pero ibang retrato ang nakuha ko.
Abangan.
The Ca t