Monday, May 31, 2004

I wanted to blog about...

Dear Mouse,
I wanted to blog about the Filipino cadet who ranked 43rd among more than a thousand graduates of West Point but I was sidetracked by the war- oriented movies shown in the TV in commemoration of the Memorial Day.

Who else can best write about the cadet but a classmate not only in the elementary but in college as well.

Tina wrote:

He was a classmate of mine again in NatScie class in college, and was pretty much the same as he was when we were still kids. Only minus the long sideburns. It didn't surprise me when a common close friend of ours informed me that he entered the PMA. Next thing I knew, his name was on the papers. He was accepted in Westpoint. Still, a few emails that we had showed that his achievements did not inflate his head at all.And today, his name is in the papers again. "Filipino Cadet Shines in Westpoint".

I wanted to blog about Jolibee’s CEO who was named as the 2004 World Entreprenuer of the Year but a friend dropped by to solicit my opinion about the two designs of wedding favors that she can make use for her sister's nuptial.

Who else can best affirm the product’s excellence of the entrepreneur but a loyal consumer for years.

Dr. Emer wrote:

I have to confess that yours truly has also been a constant patron (more than 20 years now and real proud!!!) of Jollibee, enjoying Chickenjoy more than McChicken.

(nagsimula siyang kumain sa Jolibee noong 2 years old lang siya. :)

Sainyo Tina and Doc Emer, na sumasaludo sa galing pinoy, may your tribe increase.

Magbeer tayo. Good for the health ayon kay Doc. hic. Isha pa nga.

The CA t

Sunshine and the singing birds

Dear Mouse,

It was a beautiful day today. As I was preparing my coffee, I heard tweet tweeet noises. At first, I thought, the sound was from the whistling kettle. But it was not. I thought then that it was coming from the TV but it was not.

My window in the kitchen was open. I must have forgotten to close it the previous night when I microwaved tinapa. Yes, Virginia,I had a great meal for two nights in a row now. The other night, I had inihaw na talong with kalamansi and toyo. Yumyum.

Going back to the tweet tweet sounds, I saw two tiny birds perched in a tree on the hill. Para silang si Piolo at si Claudine.

I always see birds on my way to work. Some of them are perched on the tall posts where cameras are installed for traffic purposes.The cameras looked like big white birds looking down on the traffic. Siguro akala noong ibang birds, kalahi nila. Minsan, gumawa kami ng kaibigan ko ng dialogue.


Bird: Hello, I am...whatz ur name?

Camera: No response

Bird: So you are the shy type or you don't speak English...
Camera: No response.

Bird: Habla usted Espanol?

Camera: No response

Bird: hmmmm Nagtaram ka ning bicol?
Camera: No response

Bird; balo mong capampangan?

Camera: No response

When the bird was about to open its beak to shoot another question, the camera moved.

Bird: Okinbleep bleep I did not know that she was deaf and mute, I cannot understand sign language, either.

I let the birds sing. Feeling ko nasa probins ako. Sa City kasi, nakikita kong ibon ay yong kinulayan at itinitinda sa may simbahan.

The CA t

Appendix-pagaling ka Jay

Dear Mouse,

Kaya pala hindi sumasagot si Bat jay sa doorbell dahil pinaalis niya ang kaniyang appendix.

Saiyo Jay,hindi mababawasan ang talino at kabuwangan mo niyan. Nandiyan pa rin ang Foreword, Table of Contents, Acknowledgement, bibliography at ang main body. heek, ano ba ang pinagsasabi ko.

Wala na rin akong Appendix. Sabi ni mader, kasi pagkatapos daw kumain, takbo raw kaagad ako. Ayaw maghugas ng pinggan kasi.

Pagaling ka kung hindi tatamaan ka sa akin. O di ba ganyan ang mga peyrents. Ikaw rin pag nahulog ka at namatay, tatamaan ka sa akin. Pano kaya yon?

Seriously, Jay. Get(swell) soon.

The CA t

Sunday, May 30, 2004

Memorial Day

Dear Mouse,

Bukas ay araw ng pag-alala sa mga namatay sa digmaan. Malaking pader ang ginawa nila para isulat ang mga pangalan ng mga sundalong nagbuwis ng kanilang buhay.

Habang parang piyesta ang paligid, maraming mga sundalo sa isang dako ng daigdig ang nakatakda na maisama ang pangalan nila sa pader na iyon.

Kasama sa mahabang listahan ang mga pangalan ng mga Pilipinong sundalong nabuwal sa pagtatanggol ng demokrasya. Kulang ang listahang yaon kung tutuusin dahil marami pang mga namatay habang sila ay gerilya at pinangatawanan na hintayin ang pagbabalik ni Mc Arthur mula sa Australia.

Ang mga beteranong nabubuhay pa ngayon ay isa isa ng namamatay.

Kailan lang sila nabigyan ng kaunting biyaya nang sila ay pinayagang maging permanenteng residente ng Estados Unidos at maging mamamayan ng bansang tinulungan nilang lumaban sa mga Hapon.

Nguni't sa karamihan, ito ay huli na. Sa edad na mahigit pitumpu at sa maliit na pensiyong tinatanggap, karamihan sa kanila ay naghihintay na lamang ng kamatayan. Ang mga anak nila ay hindi na nilang puwedeng kunin at dalhin sa Estados Unidos.

Ngayon sila ay pararangalan, bukas ang kanilang pensiyon ay maaapektuhan ng bagong budget na ipatutupad ni Gobernador Arnold Schwarzenegger. Ang maliit na mahigit dalawandang dolyar na inilaan sa mga beterano ay kasamang aalisin para makatipid ang pamahalaan. Isanglibo at pitung daang Pilipino beterano na lamang ang natitirang buhay.Hindi pa nila mapagbigyan. Anong alam ng gobernador na hindi man marahil alam ang kahulugan ng kabayanihan.

Lumaban ang ating mga beterano sa digmaan pero hanggang ngayon sila pa rin ay lumalaban ng kanilang karapatan.

Sa ating mga hindi inabot ang ikalawang digmaan ang Memorial Day ay parang isang selebrasyon.

Sa akin ito ay pagmuni-muni.

Bakit may digmaan?

The CA t

Saturday, May 29, 2004

Tea for Toe

Dear Mouse,
Magaling ang mader ko. hindi siya nauubusan ng mga first aid para sa mga emergency at mga maliit na mga physical discomforts lalo na pag walang available na gamot sa medicine cabinet.

Tea for toe

Minsan may blister tayo dahil sa masikip na sapatos o sa shopping maghapon. Sabi niya, kumuha ng tea bag, i-chill sa freezer hanggang lumamig at iapply sa blister. Huwag itapon. Ilagay sa isang plastic, ilagay sa refrigerator. Pag may bwisitang bisita, ngumiti at itanong, want some tea? Hindi ko sinabi yan.

Tea for Athlete's Foot


Kung kayo ay mga cheapipay,o kaya wala kayong oras para bumili ng gamot sa athlete's foot, puwede pa rin yong tea bags.

Ito ang direksiyon:

  • 1. Punuin ang isang maliit na palanggana ng kumukulong tubig.
  • 2. Maglagay ng anim na tea bags.
  • 3. Kumuha ng isang tasa at isalok sa palanggana,para inumin habang nakababad ang paa.
  • 3. Hintaying lumamig. (natural ano, para hindi ka mapaso at mag-iisip na naman ako ng first aid sa burns, hurmmph).
  • 4. Ibabad ang paa ng isang oras hanggang maging brown ang kulay.
  • OO Birhinya, ang tsaa ay nakakakulay ng damit, kutis at iba pang bagay na kung saan ito ay nakababad.

    Paano aalisin ang kulay. Ah ewan ko sainyo. Hindi na lang kasi bumili ng gamot sa athlete's foot. hurmph.


    Oatmeal for hives

    Kung minsan nilalabasan tayo ng pantal na makati sa katawan natin. Ito ang tinatawag na hives. Ang lola ko noon pinapalo ang katawan naman ng belo. akala ko para alising ang masasamang ispiritu. Yon pala ay dahil sa texture ng belo na medyo rough.Pero si mader ang advise ay ang oatmeal. Siya yong laman ng Quaker Oats.

    Yong mga walang bath tub, puwedeng ihanda ito sa isang palanggana o timba. Maglagay ng isang tasang oatmeal sa malamig na tubig at hayaang matunaw. Pag hindi matunaw,puwede rin basta pagkatapos ninyong ibabad sa katawan ang tubig na may oatmeal, ay banlawan ng mabuti. Baka habukin kayonn ng gatas at asukal pag lumabas kayo sa banyo. Dito sa Estet ay may produkto na ready na para ilahok sa tubig. Yong iba ay ginawa na itong pulbos.

    Pero ang pinakamabisa ay ang cornstarch na binabad sa sukang puti. Gawin ito pag balak ng matulog kung hindi ibebreak kayon ng boy o girl friend ninyo. Kung may-asawa naman kayo, huwag gagawin ito pag araw ng suweldo. Ahem.


    Honey for CatCut

    Pag kayo ay nasugatan, lagyan ng honey, bago lagyan ng band-aid. Magandang disinfectant daw ang honey.

    Isa pang payo ni mader ay lagyan ng sigarilyo. (hindi yong may sindi no)Yong tabako sa sigarilyo ay magandang disinfectant at pangpatigil ng dugo.

    Pagkatapos ng diarhea, pinakamabisang kumain ng saging para mapalitan ang potassium na nawala dahil sa lintek na pagta---. Kaya ang tsonggo, hindi naghahanap ng bathroom.


    The CA t

    Ang Pag-ibig namin ni Dr. Emer

    Dear Mouse,

    Libro!! 'Nong kala ninyo? May bagong blog si Dr. Emer (sisiguruhin ko na ang kaniyang link, baka mapunta na naman kay mlq3, hehehe). Ayon sa profile niya..pag nagbakwet daw siya, ang dala niya libro at kumot ba yon?

    Reviews ng mga librong binasa niya at movies na napanood ang laman ng bago niyang web blog.Sa akin na hindi mahilig manood ng movie sa sinehan ... hinihintay ko lang sa DVD ay magandang pasakalye ito kung bibili ako o rerenta lang. Nag cocollect ako ng movies, old and new.Sanay kasi ako na may ginagawa habang nanood. Anong gagawin ko sa loob ng sine? mambugbog ng maiingay? Saka kasi dito ang sine, hindi mo mauulit. Hindi kagaya diyan na one to sawa.

    Gusto ko ring magreview siya ng mga librong nababasa niya kasi tamad akong magbasa, kahit na tuwing lalabas ako sa bookstore ay mahigit sa dalawang libro ang aking bitbit.

    Anong ginagawa ko sa libro kanyo? Lakasan ninyo. Hindi ko kayo marinig.May nakapatong kasing libro sa ulo ko. hindi ako makayuko.(ano kaya ang connection noon sa pandinig?)

    Isa, may mga libro akong nasa carpet ko nakahimlay. Hindi sila pagod dahil binuksan ko sila. Talaga lang nilagay ko sila doon para maalala ko ang leksiyon sa buhay--ang pagyuko. Pagyuko na tanda ng paggalang at hindi pagsuko. Pagyuko upang ipakita ang pagpapakumbaba at hindi ang pagsunod sa maling inaatas. Pagyukong kagaya ng kawayan, upang sa mga unos sa buhay ay hindi tayo kayang igupo.(parang hindi bagay kay Pusa).

    Libro sa hagdan. Kung minsan man ay katamaran lamang ang aking paglagay sa librong nais kong dalhin sa ikalawang palapag ng bahay, mayroon din akong leksiyon na inaalala sa mga librong makikita mo sa bawa't baytang. Bawa't bahagdan ng ating buhay ay may karanasan tayong maganda, pangit, malungkot, tagumpay at sa bawa't pag-akyat nating yaon ay naisusulat sa ating diwa ang mga dapat maging aral, ang dapat iwasan at ang dapat sikhayin para marating natin ang itaas ng hagdan ng tagumpay.(tumatayo talaga ang balahibo ko).

    Librong nasa itaas ng bookshelf. Leksiyon ng pagsisikap ng paglagay ng isang minimithi na tila mataas abutin, ngunit kung pagsisikapan ay maabot din. (ako gumagamit ng stepladder).

    Librong nasa kusina. Hindi lang ito pangpalipas ng oras habang hinihintay ang karneng matigas na lumambot. (matanda pa yata kay Mahoma ang karneng yaon o kaya habang hinihintay na ang turkey ay ma roast. )Ito rin ay simbolo ng pagkain ng kaisipan. Pag maraming binabasa ay nanga- ngahulugan ng isang malusog na pag-iisip.Kay Sassy, iba ang kaniyang rekomendasyon para maging malusog.Basahin ninyo.(Minsan naman puwedeng punitin ang isang page kung walang paper towel).

    Librong nasa bathroom(kahit doon mayroon). Ito ay parang dagdag-bawas. May binabawas kayo sa baba, may dinagdag naman sa itaas. Yong ibang pulitiko, pati yata yong sa utak sa itaas ay nasasama pag sila ang nagbabawas. (Hindi ko ba nasabi sainyo na madalas ay nakakalimutan kong maglagay ng bagong toilet paper sa banyo. Kaya pag may napansin kayong librong kulang ng pahina, alam ninyo kung saan napunta). :)

    O sige,kailangan ko nang magbihis. Siguro naman naalis na yong kulubot sa damit ko. Sampung libro na yong pinatong ko.

    Kaya Dr. Emer, kagaya mo, I love my books.

    The Ca t

    Pulitzer Prize Winners All

    Dear Mouse,
    Siguro wala sa ating masyadong nakakaalam na apat ng Pilipino ang nanalo ng prestihiyong Pulitzer Prize for Journalism, Photography and Investigative Reporting.

    Oo, Birhinya, apat yan, isa, dalawa, tatlo, apat. The Pulitzer Prize was set up by Joseph Pulitzer, a Hungarian-American publisher in 1917.

    1.Cheryl Diaz Mayer

    The award committee cited her touching picture of American soldiers saving a wounded civilian,and gave her journalism's highest honor in the breaking news photography category, plus 10,000 dollars that she would share with Leeson. Cheryl, who is also the recipient of the John Faber Award from the Overseas Press Club, has worked as senior staff photographer for the Dallas Morning News since 2002, travelling to different war zones at great risk to record remarkable photographs of people caught in conflicts not of their own making .

    2. Alex Tizon of Seattle Times(1997)

    For investigation of widespread corruption and inequities in the federally-sponsored housing program for Native Americans, which inspired much-needed reforms.

    3. Byron Acohido of Seattle Times(1997 Beat Reporting)

    For his coverage of the aerospace industry,notably an exhaustive investigation of rudder control problems on the Boeing 737, which contributed to new FAA requirements for major improvements.

    4. Carlos P. Romulo (International Journalism 1942)

    For his observations and forecasts of Far Eastern developments during a tour of the trouble centers from Hong Kong to Batavia.

    Nakakabilib ang Pinoy, di ba?

    The CA t

    Friday, May 28, 2004

    A name is a name-Malaki/pinalalaki

    Dear Mouse,
    Malaki ang problema ng isang mamang intsik bago siya nakapag-asawa.Tinatakbuhan siya ng mga babae niyang kadate. Ang pangalan niya kasi sa Hokkien ay nangangahulugan ng final product ng mga spammer na pinalalaki ang karampot na nasa gitna ng hita ng lalaki.Ngayon ay may asawa na siya. Isang hindi nakakaintindi kong anong ibig sabihin ng kaniyang pangalan.

    Sa Pilipinas ay may nabasa akong nakalathala sa diyaryo na nagpapalit ng apelyido. Kailangan nilang ilathala sa malawakang pahayagan bago inaaprubahan ng korte.Ang kaniyang apleyido... Bagong Gahasa.

    Ang apelyido namin ay hindi apelyido ng aming ninuno. Ang aking lolo ay wanted ng mga Hapon noong giyera kaya pinalitan niya ang kumbinasyon ng apelyido na ang tunog ay pangalan ng babae. Hindi lang nila naloko ang Hapon, nananalo rin kami sa pustahan na wala silang makikitang apelyido sa phone directory. Pag may nakita kaming kaapelyido ay tiyak kamag-anak namin.

    Still on names: Nag-iisip pa rin ako ng pangalang puwede kong gamitin kung magdesisyon akong palitan ang aking kasalukuyang pangalan.

    Mula sa radiant: ito daw dapat ang pangalan ko.

    What Name Should You Have? by Lauren

    Parang ayaw ko siya. Pag binilisan mo ng tawag ay parang ALIS-A? Saka hindi ako ambisyosa.Ambisyosa ba yong gustong makapaglibot sa buong mundo? Tigilan ninyo ako.

    Isa pa, pramis.

    Nakarinig na ba kayo ng apelyidong Lagingtulog? Kung hindi pa, marahil nasagasaan o nahulog na sa diyep. Lagi kasing tulog. Korniko.

    The CA t

    Underdog or undercat?

    Dear Mouse,
    Crystal ball ko ba, o ang aking mata ?

    Sabi ko ay si Degarmo, mananalo, pero natalo siya kay Fantasia. Sumablay ang kaniyang boses sa bandang huli.

    Kahit naman si Simon Cowell ay sablay din ang kanyang prediction. Ayaw niya sa Fantasia noong una dahil ginagamit niya ang kaniyang anak para makakuha ng sympathy.

    Universal phenomenon yata ang pagkukuha ng sympathy nang tao sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagay o pangyayari na nagpapakitang dapat damayan o kaawaan ang nangangailangan.

  • 1. Inamin ni Pia na malaki ang naitulong sa kaniya ng ama niyang namatay na ang buhay ay isinadula isang Linggo bago ang halalan.
  • 2. Ang walang kamuwang-muwang na si Loi Ejercito ay naging senadora, hindi lang marahil dahil kay Erap kung hindi dahil siya ay naaping tunay na asawa.
  • 3. Ang walang eksperyensiya sa pulitikang si Cory ay nahalal hindi dahil sa kaniyang katangian kung hindi dahil sa kanyang asawang si Ninoy.
  • 4. Si Sonia Gandhi ay nahalal dahil sa pangalan niyang Gandhi at bilang asawa ng pinatay na Prime Minister.
  • 5. Si Princess Diana ay minahal ng publiko kahit siya ay nabalitang nagkaroon ng mga kalaguyo dahil sa mata ng tao siya ay isang prinsesang niloko ng prinsipe.
  • 6. Nabasa ko sa isang libro na sa pangangampanya ni Imelda Marcos,ang kaniyang pangkuha ng simpatiya sa mga botante ay ang kasinungalingang iiwanan siya ng pangulo pag hindi ito nanalo. Kasama ang luhang pumapatak, nakuha naman niya ang puso ng mga Pilipinong nagpaloko.
  • May kasabihan nga na:

    The world has no sympathy with any but positive griefs ;it will pity you for what you lose and not for what you lack.

    Yan ba rin ang sinasabing people just love underdogs. Businessmen love undercauts.

    The CA t

  • Naniwala ba kayong may dayaan

    Dear Mouse,

    Katanungang malimit ang sagot ay nakakainis. Kawawa naman ang remote ko.

    Babae: Alam ko hong may dayaan kasi hindi nanalo yong ibinoto ko.

    Gusto kong marinig: Alam ko hong may dayaan kasi limang beses ho akong bomoto, hindi pa rin nanalo ang manok ko.

    Tagapagsalita ni Eddie V. "Hindi siya (Eddie) nagpapasalamat dahil siya ay nagcoconcede. Alam niyang hindi malinis ang halalan at may massive cheating."

    Baka ang ibig niyang sabihin ay: Alam naming may dayaan dahil kulelat ang kandidato ko. Hindi lang massive kung hindi MEGAA MASSIVE Cheating (mega-courtesy of ASUS). Biruin mo ang diperensiya, 7 million.

    Lumbao: Malaki ang dayaan dahil kung hindi bakit nila pinatatagal ang pagcacanvass sa Batasang Pambansa?

    Baka ang ibig niyang sabihin: Kaya nga pinatatagal namin ang diskusyon sa Batasang Pambansa para mapakitang magulo na ang bansa.

    May kasabihan sa likod ng matagumpay na lalaki ay may isang dakilang babae.

    Pag nanalo si FPJ, mababago ang kasabihang yan...Sa harap ng matagumpay na lalaki ay isang babaeng humaharap sa publiko para maging tagapag salita ng asawang walang dila.

    The CAt

    Thursday, May 27, 2004

    World peace

    Dear Mouse,
    May nag-eemail sa akin at nagtatanong bakit daw wala akong opinion tungkol sa nangyayari sa Iraq.

    Ang masasabi ko lang ay: 1. Tagahanga ako ni Sandra Bullock sa Miss Congeniality nang sinasabi niya ang WORLD PISS PEACE.

    2. Isang tao lang yong nakitang naging biktima ng paghihiganti.

    Limangdaang libo ang namatay sa Samar, (Balangiga Massacre)Pilipinas nang gumanti si General Jake Smith sa pagkamatay ng 54 na Amerikanong Sundalo.

    Isandaang taon na ang nakakaraan. Walang pagbabago ang giyera, maliban siguro sa internet na puwedeng magpakita ng kalagiman.

    Ang giyera ay hindi lang pangcontrol. Ito rin ay isang negosyo. Naririnig ninyo ba na buhay na magmuli ang mga pagawaan ng mga armas.

    Naririnig ba ninyo ang hindi magkamayaw na mga negos yante upang mag-unahan sa pagbuo muli ng bayang sinira.

    Kapangyarihan at Kayamanan. Yan ang dalawang K na nagmomotiba sa isang bansa upang giyerahin ang isang bansa.

    Sino ang bida at sinong kontrabida? Kung sino ang mas maraming nailalathala sa media siguro.

    The CAt

    Wednesday, May 26, 2004

    Ties that kill

    Dear Mouse,

    Nagwarning si Dr. Emer tungkol sa kanilang mga kurbata na maaring pumatay sa pasyente hindi dahil ito ay gagamitin sa pansakal ng makukulit na pasyente, pantali sa mga matitigas na ulo at panghagupit sa mga nag-aamok kung hindi dahil sa mikrobyong kumakapit dito habang ang doctor ay nanggagamot ng mga pasyente.

    Absent ako ngayon. Kailangan kong pumunta sa ospital para sa isa pang lab test.Dapat kalahating araw, pero matigas ang ulo ni Pusa kaya kailangang maghintay ako para tiyakin nila na susundin ko ang kanilang sinabi.

    Siguro kung lalaki yong labtech at may suot na kurbata, baka, nasakal na ako.

    Ilang beses akong chineck up kung puwede na at sa bawa't pasok ko sa maliit na examination room, bagong tuwalya at bagong sapin sa examination table ang ibinibigay sa akin. Sa loob ng bathroom ay tiningnan ko kung anong gimik sa gripo at sa paper towel. Noong una kong biyahe kasi sa labas ng ibang bansa at pers time akong nakagamit ng sensor activated flushing system na toilet, ang tagal kong hinanap kung anong pipindutin para iflush ang toilet. Nang wala akong makitang buton, ay binuksan ko ang pinto ng cubicle para tingnan kong may ibang tao sa toilet. Kung wala, pwede na sigurong umiskapo dahil baka maiwanan ako ng eruplen. Pagtalikod ko biglang nagflush. Dininig ang aking dasal kahit sa loob ng comfort room. Aleluya. Ginalaw ko ulit ang pinto, nag flush ulit. Ulit...Tinaas ko ang aking kamay...Whoooo.

    Ang gripo sa bathroom ng hospital ay sensor- activated din, kasi biruin mo namang mikrobyo yong mahahawakan mo pagsara ng gripo pagkatapos maghugas.

    Sensor activated din ang paper towel dispenser. Ilang beses kung ginamit. Puwede kayang maiuwi?

    May locker kung saan puwedeng ilagay ang damit para magpalit ng hospital gown. Sa dating ospital, binibigyan ang pasyente ng isang plastic bag kung saan puwedeng ilagay ang mga damit na binihisan. Pag ito ay may nagkamaling makabitbit, uuwi kang nakahospital gown na bukas ang likod at kita ang iyong puwet.

    First class ang facilities, mahal din ang bayad ng medical insurance.Kaya kailangang magkasakit para mabawi? Achoooo....mabisa pa rin sa aking ang kalamansi at asin para sa sore throat.

    The CA t

    More hyphenated Filipinos

    Dear Mouse,

    Mula nang magkaroon ng TFC dito sa Estet, ang mga batang Filam ay may natutuhan tungkol sa bayang kanilang pinaggalingan.

    Magugulat ang marami kong mababasa nila ang interview kay Jasmine na nakasulat pa sa idolonfox web site na ang pinagmamalaki ni Jasmine ay ang collection niyang soundtrack ng Filipino soap opera. Sa interview ni Camille Velasco ay tinawag niya ang kaniyang Lola na NANAY sa halip na Grnadma na siyang kinagagawian ng mga batang Filam.Kaya kung sino man ang nag-iisip na ikinahihiya niyang malaman na siya ay Pilipina, ay hindi nagbabasa ng balutan ng tinapa.

    Oo Birhiniya, ang mga matatanda, bata o sino mang nakakaunawa ng Tagalog ay mahihilig sa mga soap opera. Ang Maalala mo kaya ay hindi nila nakakaligtaang panoorin.

    Minsan ay umuwi yong isang matandang nagbaby sit sa anak ng aking kaibigan. Kinuwento niya na nakita raw niya si Jean Garcia (ba iyon) na isang kontrabida sa isang soap opera. Muntik niya nang sugurin at sabunutan dahil bakit daw inaapi ang kaniyang peborit na artista.

    Nang dumating ang isang ikatlo sa pinakamataas sa aming organisasyon, ipinakilala siya sa mahigit na dalawandaang empleyado. Walang bakas ang kaniyang pagka Pilipino maliban siguro sa mata. May nakakapag sabi na iba ang mata ng Pilipino---may kaluluwa. Hindi niya alam na ako ay Pilipino dahil hindi ako mukhang Pilipino. Pero sinabi niya na ang ama niya ay isang Ilocano. Hindi niya kailangang sabihin yon dahil walang Pilipino sa organisasyon na iyon kung hindi si Pusa. Pero ang aking apelyido ay dahilan ng mga tawag ng telemarketer na Ola, como esta? Un poco, un poco, tengo hambre..que lastima...que lata...que bobada, que bonito. Kita mo baka pati si Antonio Banderas hindi ako maiintindihan.

    Hindi pa siya nakauwi sa Pinas dahil hindi niya kilala ang kaniyang mga kamag-anak.

    Ang mga kabataang Filam ay iba. Ibig nilang bumalik sa Pinas. Kagaya ng dalawang ito na matagumpay sa larangan ng musika.

    Eugene Castillo-ang bagong conductor ng Phil Philarmonic Orchestra.

    An except from the linked news article:

    From his conducting debut with the National Symphony at the John F. Kennedy Center for the Performing Arts in Washington D.C. to conducting the BBC Symphony Orchestra at the Royal Albert Hall in London, Eugene has impressed audiences with his energy, focus, and ability to turn music into a visceral experience.

    Baka naman sabihin ni Palabrica na inagawan na naman ng isang hyphenated Filipino ang local talent.

    Kristine Sinajon:

    The 23-year-old daughter of a former seminarian was one of only 37 students chosen by London’s Royal College of Music from thousands of applicants from all over the world.

    Para sa kaalaman ni Subido at Palabrica.

    1. Castillo ended his concert,by conducting the classic Bayan ko. 2.Kristina did a duet with tenor Sean Aloise of the Visayan love song Matudnila.

    The CA t

    Rocky Road

    Dear Mouse,

    Peborit ko ang rocky road ice cream. Sana si GMA din. Sa tingin ko, mabato ang landas na kaniyang tatahakin para manatili sa Malacanan.

    Dati labanan ng quick counts. Ngayon naman battle sa Congress ng madadaldal na mga lalaki. Sabi nga ni Mlq3 teehehe hehehe nang isang babae ang magshut- up kay Dilangalen.

    Naalala ko tuloy noon si Miriam nang pinaalis niya yong isang grupo ng mga spectaros sa Senate dahil masama ang tingin sa kaniya.

    Akala mo talaga may namumuong giyera. Nakaka camouflaged na mga sundalo drum ang bumulaga sa mata ko sa isang dayaryo. Akala ko photo sa Iraq. Makuha rin nga ang aking costume. Alin kaya ang susu otin ko. Itong kayang kay Kay Lone Ranger.tigidig tigidig tigidig.

    May napanood akong old movie ni Mel Gibson-- ang title yata ay Living Dangerously. Pelikula ito tungkol kay Sukarno. Nandoon si Bembol Roco, si Kuh Ledesma at iba pang mga Pilipinong artista.

    Masaya, tuwing may crowd at kailangan ang ingay effect, maririnig mo ang Tagalog..na huwag, huwag ninyo siyang saktan. Kung minsan naman kapampangan o kaya Bisaya.

    Para kay Palabrica--si Michelle Kwan ay hindi intsik from Mainland China. Siya ay galing sa Hong Kong. Ibig nilang malaman yan ng mga taong di nakakilala sa kanila.

    Si Catherine Jones ay nagsasalita na may accent na Wales dahil gusto niyang ipaalam na siya ay Welsh/British. Si Mel Gibson, Russell Cowell at ang dating asawa ni Tom Cruise ay ipinagmamalaki nilang sila ay galing sa Australia.

    Para kay Boy Abunda na minsan kong hinangaan, ang ginawa ni Ai Ai delas Alas sa concert ni Piolo ay kababuyan. Tama si Angeli.

    Para sa mga writers at director ng OK Fine Whatever, hintuan na ninyo ang pagpakita ng mga babaeng halos labas ang bituka. Yong isang babaeng nakita ko ay nakasuot ng short shorts at nakabukas ang unang butones. Nakakasuka. hindi nakakatawa.

    The CA t

    Tuesday, May 25, 2004

    The So-called Hyphenated Filipinos

    Dear Mouse,

    One Bernardo Subido of Paranaque criticized the Inquirer for featuring news about FIL-AMS or FIL-FOREIGNERS. Ano ba ang problema niya ? Bakit galit siya sa mga Fil- foreigners?

    I rather read the Entertainment Section of the newspapers than the headlines and breaking news especially about politics. At least there is something good to read. Between the antics of the politicians and the gossips about the movie starts, I will take the latter if only to avoid burnout and feeling of hopeless ness about the country with the kind of leaders many have elected.

    I am not from Hawaii and I am not an Ilocano but many Fil-ams in that state are beneficiaries of the petitions of their pioneering grandparents, the manongs from the North who endured the life in a foreign country when racism equaled them to dogs.

    They may be called Americans and cannot speak Tagalog but their national language is ILOCANO. They did not abandon the ship.

    They worked to make the ship afloat despite the storms that tried to sink it down the Pacific Ocean.

    While some local Filipinos whined and complained about the sorry state of the counry and blamed everyone except themselves, these hardworking Filipinos labored hard; holding at least two jobs not only to support the family but also the extended families in the Philippines.

    The use of OFW and OCW remittances is WRONG. It should be written as Overseas Filipinos' Remittances Period. OFW refers to Overseas Foreign Workers while OCW refers to Overseas Contract Workers. They have to realize that dollar remittances include the padala- ng-mga-kamag-anak na permanent resident or citizen sa mga kamag-anak na nasa Pilipinas pa at nangangailangan ng tulong. Even the poor Filam veterans who are receiving measly pensions are sending a portion of their money to their children, grandchildren, nephews and nieces while they live like LIGO Sardines in an accesoria-type-house sharing rent with some other oldies in a 12 x 12 room.

    Competition is always tough but it is tougher in the country that is not your own by birth. To be able to prove that you are their equal, you must have worked hard so recognition is really in order.

    Working hard is a virtue that does not come with the citizenship they award the Filipinos--rather it is from the heritage... from the bloodlines of hardworking Filipinos.

    The solution is not for a broadsheet like Inquirer not to publish anything that extol the achievement of the so-called hyphenated Filipinos. The solution is to publish the triumphs of the Filipinos wherever they are. The achievements of the debate team, Patricia Evangelista, and the high school students (see my previous blog), never landed in the front page of our newspapers.

    It's the cybercitizens who circulate to the Filipino communities them thru e-mail, blogs and instant messages.

    Galit ako.Huwag kayong hahara diyan sa daan. Kung hindi pa kayo nakaranas na nasa isang airport at nagwiwish na may makitang isang kababayan, hindi ninyo alam ang mapalayo sa bayan.

    Tanong ninyo bakit di umuwi. Ang pagka Pilipino ay hindi kung nasaan ka kung hindi kung nasaan ang iyong pag-iisip at pagmamahal. Sandali, para na akong si Patricia.

    The CA t

    Filipinos bag Intel int'l

    Dear Mouse,
    Nakakatuwa sila. Tatalino. Ito ay ang mga batang Filipinong nananalo sa Intel Science and Engineering Fair sa Oregon,USA.

    1. Joy Anne L. Aquino of E. Rodriguez Junior High School won first place in the awards given by the American Veterinary Medical Association for the project "Biologically-Guided Isolation of the Antimicrobial Component on the Sea-Snake Laticauda Colubrina Schieder Venom."

    Ano raw? Tinamaan ng kidlat, pati ba naman yong walang kamalay-malay na ahas-dagat ay kanilang pinakialaman para lang makuha ang kanilang kamandag. Tindi talaga ng kamandag ninyo, mga bata.

    2.MSHS won third place in the Grand Award and 1,000 dollars for the project "Development of a Chemically Modified Carbon Paste Electrode from Green Mussels (Perna viridis) for the Analysis of Lead (II) through Voltammetry."

    Ano raw? Kahaba ng title. Gawin nating simple.

    The MSHS team, composed of Alan Ray Gonzalez,Maria Katrina Rivera, and Ann Margarette Velesquez,engaged in the development of an electrode from green mussels, locally known as "tahong." The electrode can detect the presence of lead in bodies of water.

    Ahhhh. Magandang imbensiyon. Siguro dapat gamitin yan sa ating karagatan. Marami sa ating mga pulitiko ang mga twisted ang logic dahil siguro sa lead poisoning ng mga isdang nakakain nila.

    3.QSHS, on the other hand, won the fourth place and 500 dollars in the Grand Award for the project "Simple, Rapid, and Inexpensive Dissolved Oxygen Determination of Wastewater Samples Using the Tube Bioluminescence Extinction Method of Vibrio Fischeri USTCMS."

    Bakit ba ang hihilig nila sa mahahabang titulo?

    Results of the QSHS project, presented by students Trina Napasindayao, Melanie Melchor, and Jayson Reggie Obos, will have practical purposes in the development of wastewater treatment processes
    .

    Ito ang nararapat produce commercially at itapon sa Pasig River. Kung puwede palanguyin ang mga pulitiko para pati sila malinis.

    Ahem,

    Noon ang aking mga kapatid ay nasa MSHS at PSHS, maingat kami sa mga nasa refrigerator. Baka mamaya may sawang ipinasok sila sa loob. Minsan ay may natapakan akong isang pirasong plywood. Sigaw sa akin. Sa project pala nila yon sa competition. Nanalo sila ng gold medal at saka yong print ng aking tsinelas doon sa prototype.(Simple lang magyabang ano).

    The CA t

    Do You know?

    Dear Mouse,
    Padala ng brader ko. Tingnan ninyo kung totoo.

  • 1.The liquid inside young coconuts can be used as a substitute for blood plasma.
  • I saw Jackie Chan's movie, WHO AM I where he saved a man's life by using the buco juice.

  • 2. No piece of paper can be folded in half more than seven (7) times.
  • Try this. Mandadaya ako. Gagamit ako ng paper towel.

  • 3. Donkeys kill more people annually than plane crashes.
  • and people think they are dumb.

  • 4.You burn more calories sleeping than you do ! watching television.

    Lalo pag may bangungot ng bayan.

  • 5.Oak trees do not produce acorns until they are fifty (50) years of age or older.
  • There are people who are already more than 50 and yet think like a 5 year-old.

  • 6.The king of hearts is the only king without a mustache.
  • Baka bakla?

  • 7.American Airlines saved $40,000 in 1987 by eliminating one (1) olive from each salad served in first-class.

    Who cares. I do not like olive anyway. Try counting the matchsticks. I am sure the number is less than the quantity as claimed in the label.

  • 8. Venus is the only planet that rotates clockwise.
  • Babae talaga.

  • 9. Apples, not caffeine, are more efficient at waking you up in the morning.
  • 10.Totoo ito. Dahil sa lamig ng appple sa tiyan, tiyak tatakbo ka sa bathroom.
  • 11. Most dust particles in your house are made from dead skin.
  • And I thought I can see dead people. Olk.

  • 12. The first owner of the Marlboro Company died of lung cancer. So did the first "Marlboro Man."
  • Misery loves company. Nandadamay.

  • 13.Walt Disney was afraid of mice.
  • Kaya ginawa niyang bida.

  • 14. Pearls melt in vinegar.
  • Pag genuine ang suka.

  • 15. It is possible to lead a cow upstairs... but not downstairs.
  • There is a solution to that. Itulak.

  • 16. A duck's quack doesn't echo, and no one knows why.
  • 17. Dentists have recommended that a toothbrush be kept at least six (6) feet away from a toilet to avoid airborne particles resulting from the flush.
  • Saan ko ilalagay, sa bedroom?

  • 18. Richard Millhouse Nixon was the first U.S. president whose name contains all the letters from the word "criminal." The second? William Jefferson Clinton.
  • 19.And the best for last..... Turtles can breathe through their butts.
  • Some people also can.

    Now you know everything there is to know.

    The CA t

    Monday, May 24, 2004

    May bago na tayong Presidente

    Dear Mouse,
    Siya ay si FPJ, GMA, Eddie Gil.

    Huwag mong isnabin, nag ala Cory pa siya

    Disqualified presidential candidate Eddie Gil on Monday was proclaimed the “president of the people"by some 100 of his supporters at the historic Club Filipino, although he failed to participate in the May 10 election.

    Ang siste nito, hindi niya alam na proclamation niya.

    Gil, who attended his proclamation, had not been informed about it despite the Comelec’s decision disqualifying him. Nevertheless he accepted the challenge given by his supporters
    .

    Mahigit na 13 million pala bomoto sa kaniya RAW.

    “I am accepting the challenge of the 13.7 million members of the Isang Bansa, Isang Diwa, who never abandoned me and believe in me,” Gil said.

    Huwag mabahala ang mga cabinet secretaries ni GMA. Isa lang ang pagbabago niya sa dating Cabinet.

    After his proclamation, Gil said he would retain all members of President Arroyo’s official family but would include the controversial psychic Madam Auring in his Cabinet
    .

    Sino siya?

    Madam Auring is his leading lady in his forthcoming debut movie, May Asim Pa.

    Hmmm, nag-iisip pa rin ako, bakit nakakalusot si Eddie G. sa kaniyang mga gimik.

    Katulad din ba siya noong isang lalaking inutusan ni Imelda upang magsoli ng "nakuhang pera" sa gitna ng kaguluhan at kalungkutan sa isang trahedyang naganap noon sa Maynila, upang may pag-usapan ang mga tao.

    Katulad din ba siya noong dalawang bata sa isang isla na pinaganap sa isang drama sa buhay na pinalalabas na MAY HIMALA upang ang balita ay malayo sa mga kontrobersiyang laman ng pahayagan nang panahon na iyon.

    Ewan ko. Nagugulo rin ako.

    Magtayo na lang kaya ako ng Fans Club ni Madam Auring.

    The CA t

    Illegal Ice cream

    Dear Mouse,
    I am lactose intolerant but I am a lover of ice cream. My mother's doctor friend advised her to give me ice cream so I can have my milk requirements without having to make frequent visits to the bathroom.

    I prefer ice cream that is made in the Philippines. It reminds me of my early childhood when the most important thing I did during hot lazy afternoon was to wait for the "dirty ice cream vendor" merrily shouting 'Betes,Betes while ringing those little bells.The sounds were like the little bells that the "sacristan" made during the Offertory in the holy mass. Instead of thinking about God, when my mom asked me to close my eyes to meditate, I saw beautiful ice cream cones with scoops of ice cream of different colors.Yum.

    Yes, Virginia, in the Asian stores, there are ice creams that carry those famous lables with local tropical fruits as flavors but they are not really imported from the Phils. They look like ice cream, taste like ice cream but they do not contain the required milk fats and milk solids to be considered legal ice cream. It means illegal. Namputsa, pati ice cream, illegal. It means, it is an impostor. How dare them. Instead of milk fats, they contain "mellorine". The mellorine uses vegetable fats like coconut oil instead of milk. If I want coconut oil, then I can just eat my favorite "ginataan" like ginataang gabi,ginataang kuhol, ginataang manok, "kinunot", ginataang pating. ooops.

    Back there in the Roco country,South of Luzon, children can eat rice with coconul milk and salt. Sarap.

    Mouse, you advised me to deal with anger. Now I am managing my anger because of this deception of buying an ice cream disguised like an ice cream.

    I am mad.(scoops ice cream) really mad... (scoops another) @#$$%%%^^^^@ There. (throws the empty can in the trash).

    How is that for anger management, Mouse?

    As Emerson had said,

    For every minute you remain angry, you lost 60 seconds of peace of mind.

    I am now at peace. ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZz

    The CA t

    Sunday, May 23, 2004

    PS to Patricia's speech-Pinangarap ko ring maging blonde

    Dear Mouse,
    Gusto ko ang sabihin na ang spits ni Patricia ay unang na-ipublish ni Ate Sienna sa kaniyang pansitan noong Bayernes. Nakita ko lang kahapon nang ako'y magutom at naghanap ng makakain tapos tumambay kay Jet at nakitanaw ng kaniyang Sunset na may mga posteng nakasalabid sa background. Saan mo ba kinunan yan ?Palagay ko na sa balkonahe ka. Wala si Sassy, dumalaw doon sa bagong panganak na young mader, si Armina.Si Asusnaman ay matimtimang nakikinig sa " eskapeyds"ng dalawang Puti.

    Yan kasing aking kaibigan nag-email ay alam na mahilig ako sa mga balitang nakakataas ng aking noo bilang Pilipino.

    Isa pa, alam niya na naging pangarap ko rin noong bata pa ako na maging blonde at blue eyed at akala ko pag nag-asawa ako ng Puti ay by osmosis ay mag-iiba ang aking kulay. Naive kasi ako. Naiiva sa katangahan. Nang makarating ako sa Estet at mapasyal sa Berkeley marami akong nakitang Puting babae na may iba-ibang kulay ang buhok. Kung siguro hindi ko muna iniwanan sa Pilipinas ang aking kataangahan, (meron pang natitira), disin sana ay naisip ko na baka ang asawa noong babae na may iba't ibang kulay ang buhok kagaya ng berde, purpol, pink at yellow ay isang tandang kung hindi naman ay peacock.

    Minsan ay nakatuwaan kong magbleach ng buhok. Kasi may nakita akong isang babae na para siya yong villain na Batman, kalahating buhok ay Puti sa kaliwa at kalahati ay Itim sa kanan.

    Ginaya ko rin.Pero ginawa kong Puti sa likod at itim ang aking bangs. Sumakay ako sa bus. May tumapik sa aking balikat mula sa aking likuran. Buti na lang siksikan.Masama akong tapikin, bigla akong sumisigaw ng whooo at nakaastang ala Matrix na itataas ko ang isa kong paa...

    Ang upuan kasi sa harap ng bus ay nakalaan sa Senior.

    Gentleman yong tumapik sa akin. Pinauupo ako sa upuan.Sampalin ko kaya siya. Anong akala niya sa akin...senior sixtizen na.

    Kinabukasan, binago ko ang kulay ng buhok ko.

    The CA t

    Patricia Evangelista's winning speech

    Dear Mouse,
    You read it first from Sassy's blog.(paano ba ang magtrackback. turuan ang pusang ito, dugay na sa internet, tonto pa gihapon. uhm).

    This was about a 19- year old UP student winning the ESU speech competition in London.

    Junski, a buddy from a forum e-mailed her winning speech to the CA t. I am happy to share this with you.

    BLONDE AND BLUE EYES

    When I was little, I wanted what many Filipino children all over the country wanted. I wanted to be blond, blue-eyed, and white. I thought -- if I just wished hard enough and was good enough, I'd wake up on Christmas morning with snow outside my window and freckles across my nose!
    More than four centuries under western domination does that to you. I have sixteen cousins. In a couple of years, there will just be five of us left in the Philippines, the rest will have gone abroad in search of "greener pastures." It's not just an anomaly; it's a trend; the Filipino diaspora. Today, about eight million Filipinos are scattered around the world. There are those who disapprove of Filipinos who choose to leave. I used to. Maybe this is a natural reaction of someone who was left behind, smiling for family pictures that get emptier with each succeeding year. Desertion, I called it. My country is a land that has perpetually fought for the freedom to be itself. Our heroes offered their lives in the struggle against the Spanish, the Japanese, the Americans. To pack up and deny that identity is tantamount to spitting on that sacrifice. Or is it? I don't think so, not anymore. True, there is no denying this phenomenon, aided by the fact that what was once the other side of the world is now a twelve-hour plane ride away. But this is a borderless world, where no individual can claim to be purely from where he is now. My mother is of Chinese descent, my father is a quarter Spanish, and I call myself a pure Filipino-a hybrid of sorts resulting from a combination of cultures. Each square mile anywhere in the world is made up of people of different ethnicities, with national identities and individual personalities. Because of this, each square mile is already a microcosm of the world. In as much as this blessed spot that is England is the world, so is my neighbourhood back home.Seen this way, the Filipino Diaspora, or any sort of dispersal of populations, is not as ominous as so many claim. It must be understood. I come from a Third World country, one that is still trying mightily to get back on its feet after many years of dictatorship. But we shall make it, given more time. Especially now, when we have thousands of eager young minds who graduate from college every year. They have skills. They need jobs. We cannot absorb them all. A borderless world presents a bigger opportunity, yet one that is not so much abandonment but an extension of identity. Even as we take, we give back. We are the 40,000 skilled nurses who support the UK's National Health Service. We are the quarter-of-a-million seafarers manning most of the world's commercial ships. We are your software engineers in Ireland, your construction workers in the Middle East, your doctors and caregivers in North America, and, your musical artists in London's West End.Nationalism isn't bound by time or place. People from other nations migrate to create new nations, yet still remain essentially who they are. British society is itself an example of a multi- cultural nation, a melting pot of races, religions, arts and cultures. We are, indeed, in a borderless world!
    Leaving sometimes isn't a matter of choice. It's coming back that is. The Hobbits of the shire travelled all over Middle-Earth, but they chose to come home, richer in every sense of the word. We call people like these balikbayans or the 'returnees' -- those who followed their dream, yet choose to return and share their mature talents and good fortune. In a few years, I may take advantage of whatever opportunities come my way. But I will come home. A borderless world doesn't preclude the idea of a home. I'm a Filipino, and I'll always be one. It isn't about just geography; it isn't about boundaries. It's about giving back to the country that shaped me. And that's going to be more important to me than seeing snow outside my windows on a bright Christmas morning.

    Mabuhay and Thank you

    applause, applause, applause

    Di ba maganda.

    The CA t

    Saturday, May 22, 2004

    Afterlife-Talk Trash to me

    Dear Mouse,
    A psychic told me that I was once an Egyptian princess. That could explain my fascination for my bangles, bangs and other bling blings.

    But never it occured to her that her headgear must have been an afterlife of soda bottles.

    According to Nancy Kalish the author of the article Talkin'Trash,(Readers'Digest, April 2004) the plastic is chopped into small flakes, cleaned of contaminants , melted and extruded into fibers which are then spun to create yarn or other materials.

    A vehicular bridge in New Jersey was built largely from strong-as -polymer recycled plastics.

    When I was confined in a Philippine hospital for a surgery, I cannot help but admire the creativity of the nurses in recycling stuff that are meant for trash bins into beautiful Christmas decors.

    There is cash in trash. My friend is collecting anything recyclable. The beneficiary will be his local church back home. He would organize the poor boys of the parishioners into a male choral group.

    It increased my consumption of bottled water and canned soda. gulp...

    The CA t

    Short Cuts

    Dear Mouse,
    I activated my other blog. It is entitled CAT's short cuts. It is the other side of me...the right side. Left handed kasi ako.

    I will make the link later.

    Let me inisize you.(translation..inisin) by using a cliche. It's deja vu all over again. After the 1986 election, there were two inaugurations for the "elected presidents" Aquino and Marcos.

    There is a possibility that this would happen again with GMA and FPJ both claiming victory in the recently concluded election.

    They say history repeats itself...

    CA t sez, the worst thing that happened when history repeats itself in the Philippines is we always ended up with two presidents. It's worse today. We have three.

    Cat thinks that FPJ believes in the story that Muslims loved him so much as an actor that they are going to storm the theater and create chaos if a movie shows that he does not triumph at the end.

    Off he went to Mindanao and announced that he won but the administration's candidate is out to deprive him of victory. Shades of batang nagsusumbong at humihingi ng kakampi. So what does he expect now?

    When my brods were still in their shorts, they loved to play tumbang preso. kampi kampi. The losers usually were pikon that they pelt the battered cans with more stones just to incite fight from the other group. It was forgivable. They were kids.

    Our politicians were no better than these kids. Mas sobrang pikon. They rather see a country in chaos than to admit defeat and move on.

    Next time, there should be a qualification to run for the highest positions in the land. Must be emotionally mature.

    The CA t

    Sa wakas

    Dear Mouse,
    Naayos ko lang ng kaunti itong aking tahanan. Ayan nasisilip ko na kayo. Salamat din kay Richie, isa kong iskolar, sa aking logo. Binigay niya sa akin ito last year pa. Sipsip kasi yon.Happy graduation. Grumaduate siya ngayong May.Remember the agreement, pay it forward.Pero hindi ako tatanggi kung pag tanda ko at malaki na ang kita mo kagaya ng isang nandito sa Estet at yong nandoon sa London,ipadala mo ako sa cruise. ( parinig, parinig).Yong isa sumira sa contract. Masyado yatang nagahaman yong naging asawa at ayaw mabawasan ang kanilang kinikita para tumulong. Pati yong nagpalaki sa kaniyang matanda ay nakalimutan na.May kasabihan:

    Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makikitang may nakadikit na toilet paper sa sapatos.
    Yong isa,nagpay forward pero ang pinag-aral naman niya ay nag-asawa nasa first year pa lang. Balik siya sa pagsuporta ng pamilya thru dole outs.

    It is good for us to think that no grace or blessing is truly ours till we are aware that GOD has blessed someone else with it through us--Philipps Brooks

    The CA t

    Friday, May 21, 2004

    Ang makulay na daigdig ng isang DHHousekeeper

    Dear Mouse,
    DH Abuse ang topic ni Sassy. Ako naman abuse ng DH kung abuse ngang matawag ang may nakakukuliling boses. DH ang tawag sa mga Pilipinong househelp;au pair pag galing sa Europe at butler pag galing at graduate sa Home management school sa England.

    Sa Estet, ang tawag nila ay housekeeper kung all around/baby sitter o nanny pag taga alaga lang.

    Nang dumating ako rito sa Estet, inampon muna ako ng mga barkada ko na nagkaasawahan habang naghahanap ako ng sarili kong lugar. Mayroon silang tatlong anak na maliliit at dahil parehong nurse na ang work schedule ay sa gabi at araw, meron silang full time housekeeper. Tourist yon pero penitition nila. May sarili siyang kuwarto, may limited access siya sa overseas call every month at cover siya ng insurance. Ang asawa niya ay retiradong Chief of police sa isa sa mga bayan sa Luzon. Taga Bulacan siya at may bahay sila sa Marikina at sa Quezon City. Hindi sila mayaman pero mautak sila dahil nagtatayo sila ng bahay sa mga lugar ng squatters at hinihintay nila na ibigay ng gobyerno ang lupang yaon sa mga naninirahan doon.

    Makulay ang daigdig niya; lalo na ang kaniyang lengguwahe.Ang dibidib ay hindi dibdib kung hindi suso

    Pag nagkuwento siyasa akin, bawa’t dalawang salita niya ay parang sandwich. Palaman ay PIM. May side order pa yon... Anak ng P…. bleep bleep. Kahit siguro bigyan mo siya ng Clorox cocktail hindi lilinis ang kaniyang bunganga.Nakasanayan lang raw niya yon. Wala naman daw siyang intensiyon na murahin ang kaniyang kinaiinisan.Maaga siyang gumigising. Magigising ka rin ng maaga dahil sa lakas ng boses niya. Mahihiya ang alarm clock sa ingay niya lalo na at kinatkatan niya ng mura yong asawa niya sa Pilipinas. Hanep, overseas call para lang murahin. Nakakatuwa siya. Ako ay naaliw sa kaniya. Siguro noong Chief of Police ang kawawang asawa, siya ang Mayor.

    Sabado, wala akong pasok, samantalang ang mga kaibigan kong mag-asawa ay parehong may duty. Tuloy-tuloy ako sa kusina at nagtimpla ng kape.

    Hindi siya kumikibo habang ang cordless phone ay nakasabit sa kaniyang tenga. Palagay ko may hinihintay siyang magsalita sa kabilang linya. At may nagsalita nga. Bigla siyang bumulalas ng: Hinayupak $%^&*!#$ na puntahan mo. Katukin mo. Boses sa kabila. ‘Wag kang titigil Hanggang hindi buksan ang pinto huwag mong tantanan ng katok. Palayasin mo yong babae. @#$%&*. Nagigiba yong aking tenga. Kahit mainit ang kape, nainom ko.Anak niya ag kausap. May inuwi raw ang tatay niyang batang batang babae. Sus Ginoo, ang makulay na daigdig niya ay naging itim. Pagkatapos nang makatulig na bangayan, tumahimik siya pagkatapos ibagsak ang telepono. Aray

    Sabi ko bilib ako sa kaniya. Tapang niya. Pulis ang asawa niya. Unahan lang sa sindakan yan sabi niya at tumawa ng malakas.

    Nang makakuha ako ng sariling lugar ko, ako ay nanibago sa katahimikan. Namiss ko ang lakas ng boses niya.

    Minsan nagkita kami,kasama niya ang kaniyang anak na babae. UP grad siya at isang programmer.Lumipat na sila ng tirahan. Hindi na siya housekkeeper. Nanny na siya ng kaniyang apo.

    Bati niya sa akin...Pu...naman di ka nagbabago. Sagot ko naman. Pusa nga ako, di nagbabago. Yan ang alamat ng pangalan kong Pusa. Miyaw.

    The CA t

    Sipa-Tatlong Presidente-Isang Bayan

    Dear Mouse,
    Kaliit ng ating bansa. Pero tatlo ang nagsasabing sila ang ating pangulo.

    Ang pangulong nasipa sa puwesto, Ang pangulong nasipa mula pagkabise at ngayon ay naniniwala siya ang mananalo at ang kandidato na naniniwalang siya ay nadaya at dapat siyang manalo.

    Bagong pelikula,abangan.

    The CA t

    Thursday, May 20, 2004

    Carpool at Flu shot

    Dear Mouse,

    BLT ako halos buong Linggo. Bus, Lakad at Tren. Nagpa flu shot ang ka carpool ko kaya nagkatrang kaso. Tigas kasi ng ulo. Sabi ko huwag magpa flu shot,tinamaan tuloy.

    Pag carpool kasi,may privilege gumamit ng carpool lane. At least dapat dalawang pasahero ang nasa isang kotse para sabihing carpool. Minsan may sinitang babaeng driver na gumamit ng carpool lane.Eh kaplaneta ni Sassy. Sabi dalawa sila kaya carpool sila. Wala naman siyang kasama. Ipinakita niya yong tiyan niya. Buntis. Mahirap talagang kalabanin ang mga babaeng ang bukambibig ay Your Honor at ang bibliya ay SCRA. (sana nagkakape si Sassy pag nabasa ito).

    Nakakaaliw ang magcommute. Mga nagpakadalubhasa sa pag-aaral sikolohiya ang nagpanukala ng "know thyself" para madali ang proceso ng pagbabago sa buhay habang unti-unti o tuluyan nang pagkahulogng edad sa kalendaryo. Sa akin naman ay "Know thyself by knowing others more ".

    Kaya para makalimutan ko ang layo ng aking lalakarin mula sa istasyon ng tren hanggang opit, minabuti kong pansinin ang aking mga nakakasalubong sa daan. Para ba yong nursery rhyme na parang nakakaloko:

    As I was going to St. Ives...I met a man with seven wives...wives..sacks...cats...kittens, how many were going to St. Ives? O di ba nangloloko yan.

    Ito ang version ko: As I as going to salt mines, I saw...

    1. A man...mas tama ang sabihing, I spotted a man. ..

    nakatayo sa malapit sa exit ng teren.Titig na titig siya sa direksiyon ko. Hindi siya tuminag nang medyo lumapit ako para malaman kung bakit siya parang tulala. Hindi siya nakatitig talaga sa akin. Nakatitig siya sa mga taong lumalabas sa exit na iyon.

    Sa kaniyang kamay ay isang maliit na bagay na kanyang pinipindot na ang bilis ay depende sa bilis ng taong lumalabas. Inaalam niya siguro ang volume ng traffic. Parang sitemeter sa mga website.

    Muntik ko nang lapitan ng tuluyan at tanungin kung saan puwedeng bumili ng counting gadget na yon. Pwedeng maidonate sa Operation Quick Count sa Pinas.

    2. Itim na babae with a $ 120 worth of braided hair on her crown

    humihingi ng $ 75 cents sa lahat ng magdaan. Di na lang ginawang dollar para hindi na siya magsukli.Pang almusal daw niya. Ang buhok niya ay tinitirintas sa beauty parlor sa loob ng walong oras kaya mahal ang bayad. Tumatagal ito ng 3 buwan kaya hindi ito pinapaliguan para di masira. Inispray lang nila ng pabango.Palagay ko nag-iipon na naman siya ng pang patirintas. Hindi nagugutom ang mga taong yan dahil kabila-kabilaan ay mga soup kitchen na maari silang pumila. Nahiya siguro siyang pumila kaya nagpapalimos na lang siya.

    3. A man with hands on his pockets

    Nakatayo siya sa tapat ng isang building na may parang planter sa harap. Dapat maturuan ng mga Pilipino ito kung paano humarap sa pader. Umaagos sa bangketa ang tubig niyang pinakawawalan.Across the street ay malaking Hilton Hotel.Nasa downtown yan.

    4. Dalawang matandang Insik na may karuray na tatlong bata. Ang baby ay nakalagay sa pouch na nasa likod ng matandang babae. Parang yong mga ita o kaya mga taga Baguio pag nag-alaga sila ng beybi. Nasa likod. Ang dalawang bata ay naglalakad. Hindi magulang ng mga bata ang mag- asawa. Siguro mga abuwelo.Ang mga magulang siguro ay nagtatrabaho. Tulad ng ibang Asyano, ang mga lolo at lola ang tumatayong mga baby sitters. Hindi masama dahil kung tutuusin, maraming batang Asyano ang nasa paaralan kumpara sa ibang kulay.

    Wala kang makikitang ganitong Pilipino. May pagka class ang dating natin. Imbes na pouch ay may cart ang bata at hindi nila isinasakay sa bus kung saan siksikan.

    5. Isang insik na babae na sinita sa paghulog niya ng penny instead na token. Hindi niya main tindihan ni kapirasong English.

    6. Isang babaeng Pilipina na para bang si Kris kung kumilos. Akala mo palaging may malapit na kamera kaya ang mga galaw ng kaniyang ulo ay palaging nakapose sa kaniyang magandang angulo.

    7. Isang lalaking nasa aming malaking kitchen. Dumating akong nauuhaw kaya nauna muna ako sa aming kitcheng malaki. Ngumiti sa akin yong lalaki. Nasa floor namin ang HR kaya hindi kami nagtataka kung may mga naliligaw na mga mukhang hindi namin kilala. May hawak siyang styro cup.Pilit niyang tinakpan ang microwave ng kaniyang katawan. Nakipag- usap pa sa akin at pilit akong kinakausap.

    Makalipas ang ilang minuto niyang pagka-alis, nawala ang lunch box ng kasama ko. Nakaugalian na kasi ng mga tao doon sa aming floor na ilagay ang baon sa napakalaking refrigerator na wala namang susi. Ikalawang beses nang nangyari ang pagnanakaw ng baon. Ako, hindi na naglagay ng baon doon mula ng mag general cleaning sila ng refrigerator dahil daw baka may spoiled food.Tinapa ang baon ko noon at may kamatis. Balak ko pa ngang imicrowave yong tinapa para makaasar lang.hehehe

    May e-mail sa amin ang HR kinahapunan open ang position ng security manager. Bakit kaya?

    .
    The CA t

    Donate your egg-babies for sale

    Dear Mouse,
    Nabasa ko sa isang ad. Donate your eggs. Isip ko ano kayang gagawin nila sa itlog? Be an egg donor and get $5,000 plus expenses. Ang larawan ay dalawang babae, Asyana at Itim. Age must be between 21 and 29. Hmmmmmmmmmmmmm pinag-isip ako. Tumatanggap kaya sila ng scrambled?

    Nabasa ko ang blog ni Vic tungkol sa batang pinaampon ng ina. May kakilala rin akong nag ampon ng anak ng isang istudyante sa Harvard. Hindi pa raw siya handa kaya bago pa man niya iniluwal ang bata ay pumirma na siya sa kasulatang pinaampon niya ang kaniyang anak.

    Mag-asawang Puti na parehong doktor ang nag ampon. Kakaba-kaba ang dibdib nila nang maisilang ang baby. Baka magbago ang isip ng ina. Pero kahit na nang lumalaki ang bata at patuloy nilang pinadadalhan ng larawan ng baby ang dalagang ina, ni minsan ito ay hindi sumagot.

    Nadalaw ako minsan sa State kung nasaan ang isang naging kasintahan ng isang taong/lumapit/lumayo sa akin ay matamihik na namumuhay kasama ang kaniyang ampon na batang Tsina.

    Dinalaw ko siya sa kaniyang tahanan. Isa siyang Puting kapropesyon ni Sassy. Wala na siya sa korte bilang huwes. Mula nang ampunin niya ang bata ay minarapat niyang lumipat sa isang gawain na walang masyadong responsibilidad. Sa blog ni Rhet, may katanungan siya tungkol sa pagkakaroon ng responsibilidad sa anak na palalakihin.

    Ang dakilang babaeng ito ay ni minsan hindi pa nagpakasal. Isa lang ang minahal niya. Ayaw ng lalaking magkaanak hindi dahil sa ayaw niya ng responsibilidad pero dahil sa sakit sa pamilya na ibig niyang magtapos sa kaniyang henerasyon.

    Ito ang dahilan bakit siya nag-ampon. Tawagin natin siyang Mik.Ibig niyang magpakasal sila ng lalaking/lumapit/lumayo sa akin.Inakala niya na pakakasalan siya na hindi kailangang magkaroon ng sariling anak. Mahigit dalawang taon siyang naghintay bago dumating ang batang dalawang taong gulang mula sa Tsina. May problema. May sakit ang bata na kailangang maopera kung hindi ay mamatay o kaya ay magiging sakitin habang buhay. Napagmunimuni ko ang napanood kong Law and Order kung saan inamin ng isang banyaga na ang kaniyang bansa ay inaaprubahan lang ang pag-ampon sa mga batang maysakit. Ang mga malulusog ay kakailanganin sa kanilang susunod na henerasyon.

    Sa isang bansang mahirap kung saan talamak ang babies for sale; ang mga bata ay nanggagaling sa pamilyang maraming anak at ang kabawasan ng isang sanggol sa halagang $ 50 ay hindi nakakatigatig sa konsensiya ng ina at sa bumibili ng bata upang ipagbili naman sa mga banyaga sa halagang libo-libo.

    Mabalik tayo kay Mik. Masaya ang usapan namin. Pinagmamalaki niya na matalino ang bata. Nakita ko nga. Hindi man sila nagkatuluyan ng lalaking /lumapit/lumayo sa akin ay masaya na siya. May panibago siyang minamahal, si Miko. Wala na rin siyang hinanakit sa akin. Mas may hinanakit siya isang nakaribal niyang Puti rin na bastos at mataray. Sabi ko sa kaniya,hindi ko siya inagaw. Pinabalik ko siya sa kaniya. (Nakaasiwang magdrama si Pusa. hintuan ninyo ako).

    Tanong niya pala sa akin, bakit kami hindi nag karoon ng ending na they lived happily ever after. Sabi ko nashock siya nang pinakain ko siya ng lechon manok, dinuguan at tuyo. Nagtae and lintek.

    The CA t

    Wednesday, May 19, 2004

    Aloha Jasmine Trias-sa amin ikaw pa rin ang idol

    Dear Mouse,
    Tanggal na si Jasmine. So dalawa na lang ang maglalaban.

    Kung napanood ninyo ang Tuesday show, do not believe Simon that he is rooting for Fantasia. His Seabiscuit is DeGarmo. No black winner this year.

    He said, La Toya deserved to be booted out. Her fans merely admired her but did not care to vote. When they cared, it was too late.

    A small group that supported Latoya even accused Jasmine's fans to have conspired to slam the phone lines. They said, they are going to demand for recall and recount.Humihingi pa sila ng imbestigas yon sa posible raw pustahan sa mananalo.

    Ang grupo ni LaToya ay kapareho ng grupo ni FPJ. Ayaw tumanggap ng pagkatalo, eh umasa lang sila sa popularidad. Ngayon sila pa ang maingay at kiyaw ng kiyaw.

    Nang ihayag na siya ay naalis, kalmadong tinanggap ni Jasmine at nakangiti pa siyang nagpasalamat sa mga judges.

    Mapapahiya ang ating mga pulitikong mga pikon at bilib sa sarili. Labingpitong taong gulang na bata ang natutong batahin ang mga insulto,saman talang si FPJ ay nagwawala pag siya ay pina hihiya kuno ng mga reporter.

    Dapat siguro turuan ni Jasmine ang mga matatandang ito kung paano tatanggap ng pagkabigo.

    Anuman ang nangyari, hindi man siya nananalo, na ipakita niyang siya ay mahal ng mga tao.

    WALANG BABATI SA AKIN BUKAS NG GOOD MORNING. MASAMA RIN AKONG MATALO.

    The CA t

    Epitaph, Enrique and Restyo

    Dear Mouse

    I was struck by Enrique Zobel's request for a very simple epitaph. The "taipan of taipans" decided to explore if there is really life after death. He died two days ago. For a very successful businessman, he did not want a memorial to remember him by. Only his name and a picture will do. No words of wisdom, no poem and no names. Just like an ordinary man of no wealth and no fame, he would return to dust and soon would be forgotten.

    Resty's blog dealt also about death as equalizer. He asked readers to answer questions that the Friday Five did not dare to raise...about death. (morbid mo ha)


    Resty wrote:

    You're holding today's paper? Good. Go straight to the obituary page. Since a lot of people are dying these days, allow me to further ruin your appetite by talking about your own death. Imagine for a minute that you have already died. Visualize your name on the obit box.


    1. How big would you like the font to be?

    Cat :If I chose to be buried in the family plot, I like 72.

    2. And would it be Garamond or Arial Black, please?
    Cat :I prefer Jokerman with neon lights.

    3..What would your epitaph of preference be?

    Cat: simple tablet of stone with one word. WHO ?

    4. Who are the people you expect to be mourning over your untimely demise?

    Cat: My creditors. I would max the credit card. The insurance beneficiaries would rejoice for the bonanza.

    5.If you could make a choice, what would be your most preferred way to go?

    Cat:Yong kumakanta pa ng Goodbye, farewell, it is time to say goodbye.

    6. Is cremation an option?

    Cat:Definitely. I will have some of my ashes strewn in the ocean. Should a fish that has unluckily ingested some of my remains be caught and eaten by a person who bore a grudge on me, I declare no responsibility for the untimely demise of both. Bwahahaha
    Some of my ashes will be scattered in the garden so flowers may bloom with smileys on their petals.

    Some of my ashes will be scattered in the air so I may give allergy to people whose only virtue is vanity. Hat---sing.

    7. Sorry, I just want to make you feel a little bit uncomfortable today. Expectorants can be such a a gadfly. Am I successful at it?

    Cat: No. Mental note: leave the lights on tonight.

    The CA t

    Tuesday, May 18, 2004

    American Idol judges -sobra ang ganti kay Jasmine

    Dear Mouse,

    Ito na naman ako. Mainit ang aking ulo. Pag may nagkamaling ipis na dumaan sa harap ko, tiyak pisat.

    Nanood ako ng American Idol. Huwag niyong isnabin, lahat pala ng mga kagalanggalang na mga columnista, abugado at may mga matataas na katungkulan dito sa Estet ay may write-up tungkol kay Jasmine Trias.

    Naaawa ako kay Jasmine. Siguro kung masusunod lang siya ay hindi na siya makikipagtagisan sa pag-awit, pagkataposngayong gabi.Hindi lang cold shoulder treatment and ibinigay sa kaniya,pati cold cuts. Ang tawag diyan ay reprisal sa pagkakapahiya sa kanila.

    Hindi itong ordinaryong pagtatagisan ng pag-awit Ito ay parang power struggle sa corporate environment na puwede kang manalo sa boardroom sa issues na backed-up ka ng mga absentee executive committee pero ang kaluhabilo mo araw-araw ay ang mga grupong maaring magsabotahe saiyo para ang ipinanalo mo ay hindi maging matagumpay.

    Katulad din yan pagdadala ng mga kaso tungkol sa job discrimination, sexual harassment, verbal abuse sa grievance committee. Maaring manalo ka sa pinakilaban mong karapatan, pero naging isa kang parang ketonging tao na iniiwasan ng marami anggang hindi ka makatiis at ikaw ay umalis na lang.

    Dapat matanggap ng lahat na ang mapusyaw na kulay ay hindi kailan man magpapasapaw sa mga Asyano.

    Kung ang pagboto ng mga Pilipino at ibang lahi ay para gumawa ng statement,pinamukha nina Simon Cowell na sila ng maglalagay ng period kung hindi man exclamation point.
    Sabi ng kaibigan ko, talo talaga si Jasmine. Wala na raw ang mga Pilipino at Puting nagpapalakpak sa kaniya maliban sa kaniyang pamilya.

    Wala nga halos Pilipino sa audience. Either hindi sila pinapasok o sila ay nagboycott.

    May katotohanan man na ang mga batang nagsisimula ay nagkakaroon ng abnormal na buhay, marami ring mga may edad na nagsimula ang sinira rin ang buhay nila dahil hindi nila matanggap na sila ay palaos na. Si Whitney Houston na ipinagmamalaki nila na hindi puwedeng tularan ay hindi na bata nang magsimula.

    Kahit matanda ay di rin kakayanin ang pressures ng show biz. Saan ba nauuwi ang mga sikat na celeb rities na ito. Si Diana Ross ay labas-masok sa bilibid dahil sa kaniyang problemang DUI.

    Masyadong maliwanag pa sa sikat ng araw na kahit na anong taas ang boses ni Jasmine na inamin mismo noong producer-judge,ay wala siyang pag-asa. Hindi pa man tapos ang laban ay pinoproklama na nila ang panalo.

    Ang American Idol ay isang mundong magandang pag- aralan dahil dito ay makikita mo ang pulitika-- ang pagpapanalo nila noong isang taon sa isang may kulay para lang hindi masabing pabor sila Puti. May eleksiyon,may giyera, may truce, may mga mga kampihan. May isinulat pa na si Latoya ang naging dahilan ng pagkakasundo ng mga nag-aaway sa Oakland na marami ang namamatay. Si Jasmine din ang dahilan kung bakit ang mga Pinoy na nag-aaway-away kung saang social classes sila nakakasama ay nagkaisa sa pag boto. Kung ito ay British parliament, wala ng vote of confidence si Simon. Sa Parliamento ang ibig sabihin ay mahina ka na o magresign ka na lang.

    Tila ito Oscar award na pinapanalo ang isang pelikulang Tsino sa panahong kailangan nilang macorner ang market sa Tsina? Matagal ng nagliliparan ang mga Intsik sa sine pero noong taon lang yon pinansin. Masyadong mapantasya ang pelikulang yon pero hindi nila yon pinansin. Maraming magandang pelikulang Amerikano na may mga mensahe pero yonay nabalewala. Pagkatapos ang teknikang yon din ang ginamit sa Matrix, sa Spiderman, at sa iba pang mga hero movies.Tatanu- ngin ninyo, anong pakialam ng movie industry sa pulitika at ng pulitika sa moive industry.Malaki.

    Pero bago tayo maligaw, balik tayo sa American Idol. Sinasabing hindi maganda ang performance ni Jasmine. No wow factor. At para dagdagan pa ang hapdi ay sinabi ni Simon na kung hindi sa State of Hawaii, naalis na si Jasmine.

    Dalawa ang aking inaasahang reaction sa gabing ito either mag-give up na ang mga supporters ni Jasmine para hindi na siya magdusa sa mga insulto ng mga walang pusong judges na yon o kaya ay lalo nilang inisin.

    Isa lang ang masasabi ko. Dalawa ang aking national anthem, ang Bridge Over Troubled Water at ang Greatest love of All.

    Pag hindi mo ako napatayo dahil sa ganda ng rendition ng kanta, ibig sabihin niyan, hindi ako bilib.

    Ahem : The Greatest Love of all.( sabi ng coach ko... panginigin mo bata)...is easy to achieve...

    Bakit kayo nakatingin sa akin. Ngayon lang kayo nakakitang pusang ngumingiyaw?

    The CA t

    Monday, May 17, 2004

    American Idol final 3, stage parents, child stars


    Dear Mouse,
    Kung mababaw ako sa pagsusubaybay ko sa American Idol, may kasama ako sa kababawan, si Teddy Benigno na ipinagmalaki niya ang pagiging taga hanga niya ni Jasmine Trias.Pero hanggang doon lang ang pagkakapareho namin. Sa totoo lang ay isa siyang respetadong manunulat, kolumnista, dating Executive ba o Press Secretary ni Tita Cory? Ako ay karaniwang blogger lang, libre pa ang hosting.mwehehehe

    Sabi ko sainyo, may suot akong salamin na kung ang tingin ninyo sa isang bulaklak ay bulak lak, sa akin ay hindi ang pagiging ganda niya ang aking nakikita. Pati uod ng bulaklak ay nakikita ko. Impluwensiya ng isa kong propesor sa College na pinipilit kaming gumawa ng kuwento kahit tungkol sa ordinaryong HILOD.Tama ang basa ninyo,yong batong ginagamit sa pag-alis ng mga libag sa katawan, sanhi ng polusyon, alikabok at pawis.

    Kaya ang tingin ko sa special American Idol/final 3 ngayong gabi ay damage control strategy.

    One thing na ayaw ng mga executive producers ay maakusahan ang kanilang programa na nagpo- promote ng racism at ang kanilang mga stars na nang-iinsulto ng publiko, ang mga manonood. Kilala si Simon sa pang-insulto ng mga contestant; constructive criticism kuno pero hindi dapat isama ang mga nanonood. Sa marketing hindi si Poe ang Da king kung hindi ang consumers. (no ba ang pinagsasabi ko).

    Nang mapanood ko ang mga comments ng mga judges na sinisisi ang voting public at sinabing nagkamali ang mga bomoto dahil hindi yong iniisip nilang contestant ang mananalo tiyak ko, may malaking miting na naganap sa kagitla-gitlang reaction ng mga tagahanga ni Jasmine.

    Nauna nang nagjustify sa nangyari ang executive producer na si Nigel Lythgoe.

    >"In an interview with USA Today, "American Idol" executive producer Nigel Lythgoe revealed, "This is not a competition for best singer. You vote for your next American Idol. You need a lot of other things. You need charisma, you need warmth. Maybe America felt La Toya had a fantastic voice but she wasn't as warm."

    Parang sinulat ni Pusa ito pagkatapos ng nangyaring que barbaridad na insultuhan.

    Parang consuelo de bobo, mismo si Simon ang anak ni Nigel ang nag-escort kay Jasmine pauwi ng Hawaii.

    Sabi niya: "I just want everyone to know how sweet she is.

    Pag hindi mo sinabing pr yan ay di ko na alam.

    Pero sa totoo lang ang voice over ng kaniyang ama ang kaniyang naririnig. Do something. We are talking about some six million viewers here. Yan ang mga botong hindi pa nakapasok nang gabing yon para kay Jasmine.

    < HINDI MAN MANALO SI JASMINE AY NAIPAKITA NG MGA PILIPINONG HINDI MAGKASUNDO SA PULITIKA NA KUNG GUGUSTUHIN NILA AY ISA SILANG MALAKAS NA KAPANGYARIHAN PAG NAGKASAMA-SAMA AY PUWEDENG YANIGIN KAHIT ANG MGA BANYAGA SA KANILANG SARILING TERITORYO. MINSAN NA NILANG NAIPAKITA ITO SA MUNDO NANG IBAGSAK NILA ANG DIKTADURYA . Sayang nga lang. >

    Ngayong gabi, tatlumpong minuto ang ibinigay sa mga judges na sina Randy, Paula at Simon para magpaliwanag o kaya ay linawin ang kanilang paninindigan...ang kanilang pananaw. Inamin nila na ang mga hindi inaasahang reaction ng publiko ang nakakapagpopular sa programang iyon. Hindi sila ang pipili ng American Idol, ang mga taong nanonood gaano man kaiba ito sa kanilang paniniwala.

    Sa mga basura at tila walang kawawaan na maituturing sa pananaw ng mas seryosong mga tao, isang magandang leksiyon ang dapat pulutin sa sinabi ni Simon--ito ang kaniyang pag-ayaw sa mga batang naghahangad ng popularidad. Sa kaniya, sila ay mga bata pa para danasin ang pressure ng show business. Dahil doon lumalaki silang abnormal kagaya ni Michael Jackson ikaniya.

    Pagkatapos ng palabas na iyon ay inilipat ko sa TFC ang Tv at nakita ko ang batang na-eliminate sa isang local na clone ng American Idol.

    Sa mata ng labing-isang taong bata na inalis nila sa competition ay umaagos ang luha. Hindi lang nakakasuka ang mga sinasabi nina Gloria Diaz, Boy Abunda at isa pang hindi ko kilala habang isa isa nilang inieliminate ang mga contestants. Gayang gaya sina Simon at si Randy Dude.

    Sa mga ambisyosang mga magulang na gustong magkamal ng pera sa pamamagitan ng pagiging artista habang bata sila, hindi na kailangang tumingin pa sa ibayong dagat. Nandiyan si Nino Muhlach, nandiyan si Matet, nan diyan si Maricel, nandiyan si Van Dolph.Lahat ay nadeprive ng kanilang kabataan.

    Maging si Shirley Temple ay naging problema pagkatapos niyang maging sikat na child star at mag-asawa sa murang gulang na labing pito.

    buti na lang hindi ako pinilit ng aking mader para mag-artista. (blam, blag) Hoy huwag kayong magdabog. inggit lang kayo beh

    The CA t

    Baclaran, Baclaran, dalawa na lang tatakbo na

    Dear Mouse,
    May malabo ang mata na balak akong gawing reyna ng kaniyang tahanan. Nasa militar siya at may katungkulan. Kumpare siya ng nobyo ng aking pinakamatalik na kaibigan sa college. Ang aking hinala ay talagang kinakayag siya ni Capitan para masolo niya yong aking besyt pren. Para bang ikaw bahala diyan, ako bahala dito. Balak pa kaming gawing banana cue, isang tuhog. Alam niyang mahaba ang aming baycant period sa tanghali.Sa kahabaan nga nagkukulong ang aming barkada sa isang bakanteng kuwarto at kami ay naglalaro ng pusoy. Bawal yon pag nahuli. Eh minsan, nahuli kami noong matandamg guwardiya. Mabait siya. Retirado na at panibagong trabaho niya yon. Ang tawag ng grupo namin sa kaniya ay Dean. Dean ng mga guwardiya. Hindi niya kami isinumbong pero nangako kaming hindi na namin uulitin ang maglaro ng pusoy.... black jack na lang.

    Teka, jeep ang pinaguusapan natin. Hindi yong mga kalokohan sa iskul. Saka na iyon. Marami.

    So dumalaw nga si...tawagin natin siyang Capitan. Niyaya akong pumunta sa Baclaran. Baka raw nagnonobena ako ay sasamahan niya ako. Pinarada raw niya ang kaniyang kotse sa malayo. Kung gusto ko raw ay kukunin niya. Sabi ko, sasakay na lang kami ng jeep. Paglabas naman ay maraming masasakyan papuntang Baclaran.

    Matrapik. Matagal na nakahinto ang jeep. Sa mga nanliligaw, mas matagal ang trapik mas magaling lalo kasama mo ang apple of the eyes mo-sabi nila ha. Nasa Baclaran na kami kaya mas mabagal ang usad. Kabila-kabilaan kasi ang mga sidewalk vendors. May naramdaman akong humigit sa aking leeg.Ang aking kuwintas ay inisnatch mula sa batok ko habang nakahinto ang sasakyan. Hindi ako sunigaw.Yong snatcher ay naglalakad lang na parang walang nagnyari. Bumaba ako sa dyip. Tinanong ako ni Capitan kung saan ako pupunta. Hindi ako sumagot. Ayaw kung maalis sa pananaw ko ang lalaking yon. Binilisan ko ang aking lakad. Nang kalahating dipa na lang siya ay hinila ko ang kaniyang kuwelyo. Nagulat siya. Hindi nakapagsalita. Itinulak ko siya sa kalsada. Umiwas ang mga tao. Akala ay away. Talaga. Ipinalalabas ko ang kuwintas ko. Wala raw. sinuntok ko siya sa mukha. Sapul. Wala raw. hinawakan ko ang kaniyang kamiseta. Sabi ko pag hindi niya inilabas, huhubaran ko siya. Palakpakan ang mga babae. Nasa gitna kami ng kalsada. Parang gusto kong itaas ang aking dalawang kamay.

    Sumunod si Capitan. Ibinalik ng snatcher yong kuwintas. Pinagalitan ako ni Capitan. Ulit-ulit daw huwag kong gagawin yon. Paano na lang kung yon kung may kakutsaba at sinaksak ako sa likod. Matapang daw pala ako nakakatakot. Baka raw bugbugin ko siya. Sarado raw ang mata noong snatcher. Noon ko naramdaman ang sakit ng aking mga kamay.

    Matagal siyang di dumalaw.

    The CA t

    Sunday, May 16, 2004

    SUNDAY SUNDRIES

    Dear Mouse,
    The GILS and the Osbournes
    Pwedeng bigyan ng sarili nilang sit-com ang pamilyang GIL parang ang dysfunctional na family ng Osbournes. Mas natawa pa ako doon sa coverage ng kaniyang campaign kaysa doon sa guesting niya sa mga comedy shows kung saan mukha siyang trying hard.

    Hindi ka ba matatawa kung makita mo si Eddie G. na natutulog sa kaniyang upuan habang ang kaniyang look-alike ay kumakanta sa entablado? Mga salbaheng media. Buti na lang hindi tulo laway.

    Hindi ka ba matatawa kung makita mong ginawa niyang sing- along corner yong orchestra sa Manila Hotel lobby? Ano kaya ang naging ng mga foreigners na nakacheck-in doon?

    Hindi ka ba matatawa kung makita mo ang sapatos niya ay elevator shoes na ang tingin ko ay WMD kung ipukpok sa kaaway? Matulis ang dulo at makapal ang takong.

    Hindi ka ba matatawa kung makita mo ang kaniyang mga alipores ay nakikipagsabunutan, nakikipagsipaan, nakikipagkaratehan dahil ayaw maniwala ng iba na puwedeng bayaran ng amo nila ang utang ng Pilipinas. Parang gusto kong itape ang segment na yon at lagyan ng background music na Kung FU Fighting .Saludo ako kay Eddie G. Hindi siya pikon. Huwag mo lang banggitin ang COMELEC.

    Same sex marriage

    Hindi ako ipokrita. Maraming akong kaibigan na alanganin. Hindi na raw sila dapat tinatawag alanganin dahil sure na sila sa kanilang kasarian. Pero nagsalubong ang aking kilay at siguro kung hindi ko pinaghiwalay ay tuluyan ng nabuhol. Ipinakita sa TV ang kasal ng dati ay “asawa” raw ng isang sikat na babaeng starlet. Ano ang kontrobersiyal doon ? Pareho silang mare. Ang pamilya ng dalawang batang babae ay nandoon at ipinagdiwang ang kanilang pagtataling dibdib.

    Buhusan ninyo akong isang baldeng tubig. Dito sa Estet eh, sa Massachussets pa lang naaprubahan ang pagpapakasal ng pare sa pare at mare sa mare.

    Ibig sabihin mas konserbatibo pa ang Estet sa Katolikong Pilipinas? Nagtatanong lang po. Huwag ninyo akong kurutin mga Tita.

    The CA t

    Saturday, May 15, 2004

    Home Schooling

    Dear Mouse,
    Napanood ko ang isang programa sa TFC na ang mga bata ay tinuturuan sa bahay ng kanilang mga ina. Magaling na pamamaraan ng pagturo sa mga anak. Hindi na kailangang lumabas sa tahanan ang mga bata. Wala ang mga pangamba na sila ay maiim- pluwensiya ng mga masasamang barkada. Wala silang pangamba na maiinvolve sa aksidente ang mga bata.

    Mahal din ang gastos kahit walang tuition fee dahil ang mga materyales ay galing sa Estet.

    Hindi ko aariing sarili kong kuro-kuro ito. Hindi rin ito sinabi ng aking ina. Ito ay aking naging obserbasyon sa pagbigay sa amin ng kayamanang karunungan na magiging gabay sa aming pagtilad sa mga pagsubok sa buhay. Ang edukasyon ay hindi lamang nanggagaling sa libro. Ang edukasyon ay hindi lang ang itinu turo ng mga guro. Ang edukasyon ay hindi lamang ang isinisiksik sa ulo ng mga bata. Ang edukasyon ay nakukuha niya sa paligid, sa paghalubilo at sa pakikipag-usap hindi lamang sa mga kabataang kaapareho ng kanilang kalagayan sa buhay.

    Ang tao ay katulad din ng tanim na lalaki para maging puno.Ang mga unang taon ang pinaka mahalagang panahon sa pagbibigay ng sustansiya sa kaniyang paglaki. Walang murang edad sa pagtuturo ng mali at masama. Madalas marinig ko ang ibang magulang na hindi kailangang parusahan ang batang wala pang isang taong gulang dahil hindi pa ito nakakaunawa. Sa mga obserbasyon ko ito ang pinakaangkop na panahon dahil ito ang panahong pagtubo ng kanilang ugat. Kuwento ng aking kaibigan--ang kaniya raw apo ay nalapit sa isang portable heater. Ito ay lumayo at para bang takot na nagsasabi ng hot, hot, hot. Sa murang gulang na iyon, natatandaan niya ang babala ng kaniyang ina na huwag hahawakan ang portable heater.

    Ito ang tunay na home schooling. Ang ina ang guro at ang anak ang mag-aaral.

    Naniniwala ang aking ina na ang elementarya ang itinuturing na mahalagang hagdan upang mabigyan ng magandang pundasyon. Kaya kahit hirap na sabay-sabay paaralan sa isang pri- badong paaralan ay kinaya niya.

    Sa high school ay iba na ang usapan. Oras na upang makihalubilo sa mga kaklaseng nanggaling sa iba't ibang kalagayan sa sosyedad, sa mga kaklaseng ang mga talino ang kanilang puhunan upang umusad sa kanilang kinalalagyan. Ang pumasa sa Phil. Science ay sa Phil. Science. Ang pumasa sa Manila Science ay sa Manila Science. Ako ay di pumasa dahil hindi ako kumuha ng iksamen. Ako ang sinasabing "failed" sa home schooling ng aking ina. Ayaw kong magbigay ng "excuses".Pero marahil dahil habang nagkalabo-labo ang mga mata ng aking mga kapatid sa pagbasa ng libro, ang aking binabasa ay komiks.Kahit na ipinag- bawal ang komiks sa bahay, ay may nahihiraman pa rin ako. beh. Marahil dahil habang pinag- iisipan nila ang mga mahihirap na math problems, pinaghihirapan ko ring isipin bakit ang aking kalaro na nakatira sa isang napakalaking bahay at ang ama raw niya at isang kilalang tao ay ni minsan hindi ko nakita ang kaniyang ama. Nang minsan kong nakitang may nakaparadang magandang kotse, hindi lang nagtagal. Lumabas ang aking kaibigan. Daddy raw niya, binigyan sila ng pera. Parang nakita ko ang mukha sa pahayagan. Pero iba ang pamilya.

    Sa maagang edad, ako ay naghanap ng alternative na pag-aaral. Pag-aaral ng buhay. Malayo sa aming bahay kung saan may mainit at malamig na tubig. Malayo sa aming bahay na hindi ka kailangang makipag-agawan sa banyo. Malayo sa bahay na may malaking espasyo sa likod kung saan may mga tanim ng gulay, prutas at puno. Masarap sumakay sa dyip. Habang iniisip kong nagbabasa ang aking mga kapatid ng libro sa kotse, ako ay natutuwang basahin ang mga buhay-buhay ng mga taong kasakay ko sa dyip. Mama paraaaaaa.

    Ako ay naging parang si Nemo. muntik-muntik nang akong nahuhuli ng mga mangi- ngisda pero ako ay nakakaligtas.

    Sa labas ko nakita ang iba't ibang isda. May magaganda ang kulay ngunit burak ang laman. May mga arogante at mapagkunwari.May mga pating at mga balyena at may mga masasayang mga dolphins na kaiga-igayang kasama.

    Si Nemo pa rin ako sa anyong pusa o nalunok ko siya. gulpp.


    The CA t

    Friday, May 14, 2004

    Basta ayaw kong isulat

    Dear Mouse,
    Nagbasa ako ng diyaryo. Nagbasa ako ng blogs. Balik ako sa diyaryo. Nag-aaway ang mga pulitiko. Hindi na political issues. Personalan. Nagbasa ako ng mga blogs. Nag-aaway ang mga bloggers. Hindi dahil sa political issues. Personalan.

    Gusto kong sumulat pero ayaw kong sumulat. Baka naman ako ang awayin...ng sarili ko. Ayaw kong isulat ang mga tanong na nasa isip ko:

    1. Bakit ang mga kandidatong nakakuha ng hindi karamihang boto,walang sampung porsiyento ng mga botong nabilang na ay hindi pa rin nag coconcede.

    2. Bakit ang lider ng isang religious organization ay nangunguna pa sa pagsabing hindi niya matatanggap ang isang bogus na president. Sino ba ang ineexpect niyang maging Presidente,siya dahil sinabi sa kaniya ng Diyos? kahit na hindi si GMA ang nananalo, malayo pa rin siya sa first place. Marahil ang mensahe dito ay magpatuloy na lang siya sa napili niyang bokasyon kung saan siya naging matagumpay. Ang pagtutulong sa mga tao sa paghanap ng buhay na spiritwal. Nguni't kung talagang susundin niya ang yapak ng kaniyang napiling pagsilbihan, dapat ay hindi siya napunta sa pulitika.

    Render unto Caesar the things which are Caesar's and unto God, the things that are God's.

    Makakatulong siya sa pagbabago ng bansa hindi sa pamamagitan ng pagiging presidente kung hindi paghubog ng magandang ugali ng mga kabataan.

    3. Binoto ng kapatid ko si Roco. Malinis daw ang kunsensiya niya kahit natalo ang taong iniisip niyang magiging magaling na pangulo. Ayaw din ni Roco na magkaroon siya ng partisipasyon sa gob- yernong uugitin ng kaniyang naging kalaban.

    Sana ay magbago siya ng isip. Isa siya sa mga taong nag-aangkin ng galing na may magandang reputasyon. Maraming magagaling ang utak ngunit ang reputasyon ay kasing baba ng kanal na inaagusan ng maruming tubig.

    Wala akong pakialam sa away ng mga bloggers. Problema nila yon. Kaya lang masarap magbasa ng mga away.

    Ahhhhh ayaw ko itong isulat. At tulad ng dati pag ako ay atubili ,ako ay nagdadalawang isip, o kaya ay ibig kalimutang ang aking iniisip, gumagawa ako ng mga bagay na magbibigay ng abala sa aking utak.

    Pinalitan ko ang template ng aking blogsite. Nangangati pa rin akong sumulat. Tumawag ako sa Pilipinas, nakipagkuwentuhan. Laki na naman ang phone bill ko.

    At last, naisipan kong maglunoy sa bathtub. Binalak kong magbasa. Kinuha ko ang kararating na Readers' Digest. Isang pahina, dalawang pahina, ikatlong pahina.

    zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
    Akala ko Sirena ako na naglunoy sa tubig. Masakit ang aking batok. Hindi ko ginamit ang unan.

    Pagpasok ko ay madilim sa kuwarto maliban sa ilaw na nanggaling sa aking lap top. Sumulat pa rin ako.
    Salbaheng mga daliri. Adik talaga.


    The CA t

    Thursday, May 13, 2004

    When it rains, it pours


    Dear Mouse,

    May kasabihan, when it rains,it pours. Ang meaning daw niyan ay one stroke of good or ill fortune is followed by many other instances of luck or misfortune when you least expect them.

    Translation sa Tagalog, pag umulan,at wala kang payong di basa ka. Sa akin ang ulan ngayong Mayo 13 ay inis. Inis sa balita, sa tao,at sa sitwasyon at inis dahil ako ay naiinis sa hindi naman dapat kainisan. Oh inis na rin ba kayo? Hehehe

    Ulan 1. Balita

    1. Makita mo ba naman si Eddie G at ang kaniyang abugado nang magfile sila sa Supreme Court na ulitin ang eleksiyon dahil daw may failure of election. Nang marinig ko ito ay nagpasalamat ako at hindi ako maybahay na buntis dahil kung hindi ako ay dinugo ako sa inis. Sabi nga ng aking kaibigang bading. Duduguin ako sainyo. O kaya naman ay naglilihi at mapaglilihan ko si Eddie G. Patawarin, baka itakwil-takwil ako ng aking magiging anak at hindi ako babatiin hanggang sa huling sandali ng aking paghinga (ok ba ang aking drama , gastina?)Gusto kong I-clik ang aking remote at lundag lundagan hanggang madurog at nangako na pag nakita ko pa siya sa TV, ibabalibag ko na ito.

    2. Nang mabasa ko na nagrereklamo si Poe na nadaya;at nagpepeople power na ang mga hinayupak na mga laos na mga artista. Unofficial pa lang naman ang counting ng Namfrel at ABS CBN Quick count. Kung may trending mang nangyayari ay pabor sa kanila. Isa para siya mapahiya, ikalawa, para siya ay tumahimik. (Utakan lang yan...mas mautak ang nasa kabilang kampo).

    3. Nang makita ko si Nino Muhlach na feeling activista siya pagsigaw sa pagprotesta. Anong akala ng mga artistang ito,kanila ang bansa? Galit na ako. Kyut siya noong bata pa, ngayon siya ay hindi lang a-cute kung hindi ang mukha niya ay parang parakyut, lomolobo. Ang mga ganitong klase ng tao ang nagbibigay ng masamang pangalan sa pinakademokratikong pamamaraan...na ginamit para ibagsak ang mapagpanikil na rehimen ni Marcos.

    Ang sandamukal na garbage na iniwan ng mga kandidato at nililinis ng MMDA.Kumg may dapat idemanda ay ang kandidatong hindi tumutulong sa paglinis ng duming iniwan nila.Sana ay bangungutin sila na hinagabol sila ng mga basura.

    Ulan 2. Tao

    Pekeng blonde na donya ang dating. Sumakay ako sa maliit na elebeytor paakyat sa bangko. Iisa lang elebeytor na iyon dahil under renobesyon ang building. May pumasok na mag-iina kaya medyo binigyan ko ng lugar yong dalawang batang nakahawak sa hita ng kanilang ina na may kilik pang isang bata. Abaaaa ang pekeng blonde ay umasta na parang diring diri na ayaw magpadikit at tinulak ako nang makanti siya dahil sa paghinto ng elebeytor at napasandig sa aking yong dalawang bata. Wala naman akong b.o. Hindi naman siya Puti. Siya ay Pilipinang kinulayan ang buhok ng kulay araw. Nagpa-excuse ako.Inirapan niya ako at tiningnan ng masama yong mag-iinang intsik. Sabi ko sainyo umuulan eh.Tinanong ko siya kung anong problema. Sinagot niya ako ng English na bakit daw siya sinisiksik. Sabi ko sa kaniya sa Tagalog. Alam ninyo pag ako ayaw masiksik, ginagamit ko ang private jet ko. Tsee.

    May reputasyon ako na mapagpasensiya dahil may SantoKristo ako sa dibdib. Pero hindi nila alam,hinuhubad ko yon pag ako inis. Ang hindi ko mapasensiyahan ay ang mga legally blonde na empleyado.Wala ang gumagawa ng tseke sa min kaya ang mga tanong at reklamo ay sa akin napupunta.

    Tanong number 1.Bakit daw mali ang pangalan ng nasa tseke. Tiningnan ko ang bawtser. Mali ang pangalang nakasulat doon. tinanong ko kung sino ang nagsulat, siya raw. Inalis kong Santo Kristo ko sa dibdib at ako ay nagtanong. Bakit ninyo ako pinaparusahan? May kasamang emote yon.

    Tanong number 2. Nasaan daw yong tsekeng pinagagawa niya para training niya.Bakit daw hindi ibinibigay sa kaniya.Tiningnan ko yong bawtser. May instruction na MAIL.Sa isip ko kaya pala naman sakitin.Gumawa ka ba naman ng daan- daang tseke sa isang Linggo. Hayun di niya malaman bakit siya nagdadayareya.

    Ulan 3 Sitwasyon

    Cellphone:ring

    Me: Hellow

    Cellphone: R u the owner of this cellphone ?

    Me: As far as i know pero sa isip ko gusto kong sagutin, hindi sa peyrents ko.(sanay akong di sumagot ng yes sa phone dahil may karanasan ako noon na sumagot ako ng yes at ako ay naswitch sa isang carrier na ngayon ay nagfile ng bankruptsy dahil sa mga demanda sa kanilang naging gawing panloloko sa mga consumers na ang tinaped nilang yes mong sagot ay pinalalabas nila na sumang ayon kang i-switch ka sa kanilang phone company.

    Cellphone: then you need...telemarketer ang walang hiya. Sa cellphone ? Tinamaan kayo ng mag-asawang kidlat.

    landline:ring

    ola, dona....

    telemarketer na Latina.akala yata kabarangay nila ako dahil sa aking last name na nakalagay sa phone directory.

    Nagcheck ako ng weather report ngayong gabi.Baka umulan na naman bukas. Pagbukas ko ng TV ay nasa TFC pa pala. Ang nagsasalita ay si Mahar Mangahas. Sabi ko weather ano at hindi Social Weather Report.Lubayan ninyo ako.
    .
    The CA t

    Wednesday, May 12, 2004

    Jasmine vs La Toya and TEXTING


    Dear Mouse,

    I was not home last night to watch the competition among four young ladies in American Idol. According to my friend, it was the first time, that the ever composed Jasmine cried when Simon told her that she should pray that every household in Hawaii has 5 phones.

    I thought she was the only contestant who failed to give an earth-shaking performance. La Toya and Fantasia had their shares too. The three judges were not impressed by the total performance of the two divas but they tried to sway public opinion that one of them is going to be the IDOL. On the other hand the exit verdict for Jasmine from the show was already handed down.

    It seems that these people did not realize that it is the public that decide who they like to win regardless of the singing performance. This is a popularity contest. More votes means there are more people favoring a particular candidate. If the judging mechanism is that 50 per cent is decided by the judges and 50 per cent by the viewing public like Star Search where an eleven year old Filipino reigned as a champion, then they can always offset any perceived bias coming from the fans.

    Besides these fans are the target consumers of the future records of the winner.

    The making of a star is not only possessing good and powerful voice. Jasmine may not be a diva but she can always render an interpretation that is wholly her own. The young fans look up to young idols to whom they can relate with. Both Fantasia and La Toya are matured married women. De Garmo and Jasmine are young and beautiful. So many have expressed admiration for the two young ladies. They may not have the singing experiences and exposures that La Toya and Fantasia had accumulated thru the years but they have shown their own styles; originality. While the more senior contestants were developing their singing careers, these two young girls may still be busy playing with dolls and watching Nickledeons.

    In fairness to La Toya, I can say that she is one good singer. The reason for her failure to get the votes was an alleged phone problem from her home base. Her relatives said that it was difficult to get a phone line to vote. Indeed. Our phone brigade was ready an hour after the end of the show. Redial helps too. It is a matter of who dialed first and was able to get thru. An alternative is the texting where a voter/fan incurs a texting fee.

    Simon Cowell's dearth of knowledge about the Filam fans of Jasmine did not anticipate that the Filipino voters did not use the landlines. They used the means where they are the best. TEXTS.If he only knew that the TEXTING launched a crowd of million faces in EDSA 2, he could not have hurt Jasmine's feelings infront of the Filipino viewers who have followed American Idol since two Filams were included in the Magic 12.

    She is one of the top three contenders for the much coveted title. Next week's competition would be very tough. She may not win but her fans delivered the message. Simon may think twice before he utters an opinion that would hurt the Filams' ego. It is not always the winner who get the recording contracts anyway.

    What made me flipped last night, was the use of psychic to predict the winner. She did not say anything new about positivism and visualization. Akala ko political candidates lang ang mahilig sa hula. I would have picked the manghuhulas sa Quiapo. hehehe,

    Yes, Birhinya, ganyan kababaw, si CA t. pati ang mga contest ay pinagtitiyagaan.

    The CA t