Sunday, October 31, 2004

Si Pinay sa Pagmumuni

Dear Mouse,

Basahin si pinaysaamerika at ang kanyang pagmumuni bakit siya napunta sa Estet.

The Ca t

Tabi po-Patay at buhay

Dear Mouse,

Noong isang araw ay isinulat ni Sassy na mas gusto pa niya ang sunugin (cremate) kaysa pagpistahan ng mga ususero at ususera ang kanyang bangkay.

Kamakailan lamang pinayagan ng Simbahang Katoliko ang ganitong gawi ng pag”dispatsa” sa labi ng tao.

Napapanahon na siguro ito dahil, pasikip ng pasikip ang metropolis at nakikipag-agawan na ang mga buhay sa espasyo ng tirahan sa mga patay.

Nang unang dalawang taong pagdalaw namin sa memorial park , naipaparada pa namin ang kotse sa harap mismo ng puntod ng aking ama at lolo. Naglalagay kami ng malaking tent at sa loob, kami ay naglalaro ng scrabble o kaya ay nagkukuwentuhan ng kung anu-ano. Hindi mauubusan ang kuwento ng aking mader.

Nang mga sumunod na taon, hirap na kaming hanapin ang puntod, naipasok pa namin ang kotse,double parking nga lang, pero inabot kami ng dalawang oras bago nakalabas. Ngayon, bawal na ang pumasok, at maglalakad na lang sa sikip ng loob ng memorial Park. Dati puwede kang magpalipad ng saranggola; ngayon, bago mo itaas ang iyong kili-kili, nadagil ka na ng mga tumatakbong kabataan.

Nang huling dalaw ko sa puntod ng aking ama at lolo (apat na lote yon) ay halos di ko makita dahil sa laki ng tent na itinayo ng aming katabi Akala ko ay nalipat ang harem ng isang Saudi Prence (prince) sa laki.Pati ang aming bahagi ng lote ay ikinupahan ng kanilang mga dala-dalang lalagyan ng ice at mga kabasurahan.

Wari ko ba ay buong barangay ang sumugod doon, kumpleto pati ang malaking kaserola na lalagyan ng mga pagkain.Wala pa sila noong nakaraang taon.

Magalang kong pinakiusapan na alisin ang mga gamit nila sa aming lote dahil hindi ako makapagtayo ng tent.

Ang tagaaaaaaaaaaaaaal bago inalis. Ang mga kilay ay nakataas, ang mga bibig ay nakabusangot. Sa aking utak ay nakikita kong binibigwasan ko ng kaliwa at kanan ang lalaking yaon sa aking isip-ala Ronian Poe. (anak ni DA King na binibisita niya noon sa Estet).

Naalis nga pero husme naman, ang kanilang radyo ay napakalakas habang sila ay nagtatawanan. Kulang na lang na magkaraoke sila sa loob ng tolda.

Nagdadasal ako para aking ama at lolo nang isingit ko ang ganitong dasal.

Pakibulabog nga.

Nasa chapter 3 na ako ng binabasa kong libro ng marinig ko ang malakas na hiyaw.

Sa kalikutan ng tatlong bata ay nabuwal sila sa isa mga poste ng kanilang tolda. Bagsak.

Parang nakita ko ang aking pader na naka-"thumbs-up" at ang aking lolo na nagkakasingkit sa pagtawa.

Salbaheng mga ispiritu. One point demerit kayo ngayon.

At matahimik akong nagbasa, habang inaayos nilang muli ang kanilang tolda.

The Ca t

Saturday, October 30, 2004

Pangangaluluwa-Pinoy Trick or treat

Dear Mouse,

Ipatuloy natin ang kuwento ng aking mader.

Bago nauso ang trick or treat, kuwento na ng aking mader na sa kanilang porbinsiya ay ginagawa na ang pangangaluluwa tuwing undas.

Nguni’t sa halip na mga bata ay mga dalaga’t binata o kaya ay mga malalaki na ang gumagawa nito dahil sinong bata ang lalabas sa dilim ng gabi sa mga kalsadang walang poste ng ilaw.

Sila ay nagbababahay-bahay na nakadamit sa multo na karaniwan ay puting kumot lang naman. Nanghihingi sila ng pagkain o kaya pera parang kagaya ng nangangaroling.

Ang ibang mga salbahe ay sinasamantala ito sa pagnanakaw ng manok, itlog, biik o kahit anong kaya nilang bitbitin.

Ang pugad nila ng manok ay nasa ilalim ng bahay o kaya ay nasa likod-bahay. Ang biik naman ay nakatali lang sa poste ng bahay.

Dahil sa paniniwala na ang ispiritu ay naggagala sa bisperas ng Undas, karamihan sa mga tao ay maagang natutulog.

Kung minsan ang "nakakaluluwa" ay ang mga anak na dalaga.

Iba naman ang istorya ng isang binata sa amin. Nahuli raw siya sa mga grupo at tuwang- tuwa siya nang may makita siyang naglalakad sa di kalayuan. Binilisan niya ang paglalakad, nguni't nanag malapit na siya ay napansin niyang hindi na natapak sa lupa ang mga paa nito.

Yon ang sinasabi nilang 500-meter dash-man. Hindi na siya umulit nangaluluwa.

Takot ako.

The Ca t

Not ONLI in the Pilipins

Dear Mouse,

Galing ako sa Social Security kahapon. Kailangan ko ng replacement card.

Nang makuha ko ang aking berde, nagpadala ako ng kopya at nagrequest na iwasto ang aking pangalan.

Kahapon, nalaman ko na iwinasto nga nila ang pangalan ko pero hindi nila inupdate ang aking status. H1B pa rin ako.

Naalala ko ang aking kaopisinang nagretire na. Nang kumuha rin siya ng replacement check, naalaman niya na female siya sa record ng SSS. Lalaking lalaki naman ang pangalan niya kahit saang lengguwahe.

Bakit ko sinulat ito ? Para sa Not ONLI in the Pilipins.

The Ca t

Ayaw niyang malibing

Dear Mouse,

Natira kami sa Pampanga at doon na namatay ang aking ama sa murang gulang dahil sa atake. Bumalik kami sa Maynila pagkatapos niyang pumanaw, kaya kailangan pang magbiyahe kami papunta sa kaniyang puntod tuwing Undas. Maaga pa lamang ay bumibiyahe na kami papunta sa Pampanga. Pagkatapos naming ayusin ang puntod, magtirik ng kandila at magdasal, nakikipagkuwentuhan ang aking mader sa mga katulad naming dumadalaw sa kanilang mga patay. Nakikiupo lamang kami sa dala-dala nilang mga bangkito. Pagkatapos ng isang taon,malalaman naming na ang isang matandang kausap ng aking mader ay kasama na sa mga dinadalaw ng kamag-anak.

Sa loob ng panahong ito lagi kong napapanaginipan na ako raw ay bumabalik sa Pampanga at naghuhukay. Sa minsang pag-uusap naming ng aking mader, nabanggit ko ito sa kaniya at tinanong na baka may kayamanang ibinaon ang aking pader sa aming bahay o kaya ay ang kaniyang pinaniniwalaang hawak na anting-anting na pinamana ng kaniyang lolo sa kaniya. Natawa lamang siya dahil wala siyang alam na puwedeng ibinaon ng aking ama.

Hanggang halos gabi-gabi ay paulit-ulit ang aking panaginip.Hindi ko alam ang dahilan.

Minabuti ng pamilya na ipahukay ang buto ng aking ama at ilipat sa nabili naming memorial lot sa Novaliches.

Pumutok ang Pinatubo. Tinabunan ng lahar ang mga bahay, kalsada, gusali pati sementeryo sa maraming bayan at siyudad sa Gitnang Luzon. Kasamang natabunan ang sementeryong pinaglibingan ng aking ama. Sa isang pinakita sa Tv, isang babae ang nagtirik ng kandila sa isang malawak na lugar na natabunan ng lahar. Wala na ang mga puntod. Wala na ang mga krus. Samantalang kami ay nagdala ng tent at ng foldable na mesa upang dalawin ang aking ama sa bago niyang tahanan.

Sabi ni mader, ayaw malibing ulit ng pader ko sa lahar. Yon ang panaginip kong palagi akong naghuhukay sa aming pinag-iwanan sa kaniya.

Marahil,dahil wala na ang aking panaginip na naghuhukay.

The Ca t

Friday, October 29, 2004

Kuwento ni Mader-Anting-anting

Dear Mouse,

Malapit na naman ang Undas. Marami na namang mga tao sa sementeryo.Pero alam ba ninyong mas nakakatakot sa lumang simbahan kaysa sa loob ng sementeryo?

Sa mga naghahangad ng mga anting-anting, ang dalawang ito ang mga lugar kung saan sinusubok ang mga naghahangad ng pambihirang kapangyarihan.

Mayroon daw kaming kapitbahay noong babae na may kapangyarihang mag-anyong matanda o anumang anyong ibig niya. Kinuwento ng babaeng ito sa aking mader kung paano niya nakuha ang galing na ito.

Una ay pinapunta raw siya sa sementeryo ng hatinggabi at inutusang maglakad nang nag-iisa. Hindi siya pinalilingon kahit mayroon siyang marinig o maramdaman. Dahil sa pagnanais niyang magkaroon ng kapangyarihan, siya ay sumunod.

Habang siya ay naglalakad ng pabalik-balik sa sementeryo, nararamdaman niya ang mga kakaibang pangyayari sa kaniyang likuran. Hindi niya alam kung iyon ay imahinasyon o talagang mga kaluluwang nakasunod sa kaniya.

(Babala: huwag gagawin sa mga sementeryo ngayon na maraming nakatirang mga pulubi na nagrarugby).

Sunod na pagsubok ay ang pagtulog sa loob ng lumang simbahan. Ano ang nakakatakot sa lumang simbahan? Ang lumang simbahan ay para ring sementeryong pinaglibingan noon ng mga taong may pambayad upang magkaroon ng espesyal na lugar sa simbahan.

Habang siya ay nagpapalipas ng gabi sa simbahan ay nasaksihan niya ang mga kaluluwang naglalakad sa loob ng simbahan. Hindi siya pansin ng mga ito pero ang kaniyang obserbasyon ay tila sila mga taong nakulong sa isang panahon ng kasaysayan at wari ay walang kamalayan kung paano sila maalis sa lugar na yon.

Isa pang pagsubok ay ang pinaghintay siyang kumulo ang sinaing. Ubos na ang kahoy na nakatambak sa kusina ay di man lang uminit ang niluluto. Nang bumalik ang matanda ay isang kahoy lang daw ang ginalaw at bigla na lang itong kumulo.

Ito raw ang pagsubok nang pasensiya— matiyagang paghihintay.

Ang huling pagsubok ay ang pag-upo sa krus na daan ng hatinggabi. Ang utos ay huwag tatakbo anuman ang makita at dumaan sa binti.

Ang sabi ng kapitbahay ng aking mader ay isang malaking sawa raw ang kaniyang nakita. Pumikit siya at hinintay niya ang paglingkis sa kaniya.

Nguni’t patuloy lang itong umusad.

Nakuha niya ang anting-anting niya nguni’t wala siyang anak na pagpapamanahan.

Kaya marahil noon daw namatay ang babae ay nahirapan siya bago pumanaw.

May anting-anting pa ba ngayon ? Ano sa palagay ninyo ?

Ang paniniwala sa anting-anting ay hindi lamang sa Pinas.Kahit si Harry Potter ay kailangang mag-aral upang makapagpalipad siya ng walis.

Ang anting-anting ay bahagi ng ating kultura. Ang tunay na may anting-anting ay hindi ito ipinagmamalaki.

Ang maling paggamit nito ang nagiging dahilan ng pagkawala ng bisa nito kaya marami ang taong nag-aakalang wala talagang anting-anting.

Sandali makakain na nga.

DARNA.....

ooops hindi pala bato ang naisubo ko. Pweee.

The Ca t

Tanging Ina

Dear Mouse,

Hindi siya si Ai Ai delas Alas na kahit na sabunutan ninyo ako at bunutan ng kilay ay di ninyo ako makukumbinsi na siya ay tanging Ina. Sa totoo lang,dapat maraming ina ang mag-alsa at ireklamo ang kaniyang papel kung gaano niya pinalalaki ang kaniyang mga anak. Kahit naman dito sa Tate ay wala pa akong nakitang sit-com kung saan ang diborsiyada o biyudang ina ay harapang nakikipaglandian sa mga nanliligaw sa Kanila. Katatawanan man o drama,dapat may leksiyon o kaya ay nagpapakita nang kung anong dapat sa isang kultura kung saan ang ina ay ilaw ng tahanan. Ibig sabihin ay nagbibigay ng liwanag at hindi kadiliman ng isip. Sa kanila ang ilaw ay bumbilya na may balot ng dekulay na papel na pula.

Ang tanging inang gusto kong talakayin ay ang aking sariling ina na ang anibersaryo ng kamatayan ay ngayong Oktubre 31.

Hindi siya perpektong ina dahil walang perpektong ina. Ang ina ay katulad ng mga anak ay natuto rin sa kaniyang mga anak. Kung siya ay perpekto, saan siya perpekto? Ang hindi siya nagagalit ? Ang hindi siya nagpaparusa? Kung ganoon ay hindi siya perpekto. Dahil ito ang mga katangiang dapat ay angkin ng ina.

Ang magalit pag tayo ay mali. Ang parusahan pag tayo ay nagkasala.

Ang aking ina ay mahigpit. Hindi siya mahigpit dahil mahigpit ang kaniyang mga magulang. Siya ay halos di lumaki sa piling ng aking mga lolo. Pinadala siya sa siyudad at tumira sa dormitoryo, habang ang aking lola ay abala sa kaniyang negosyo.

Mahigpit siya dahil may gusto siyang patunayan sa mga kamag-anak naming kinamkam ang lupain ng aking amang bunso sa magkakapatid.

Ibig patunayan ng aking ina na makakatapos kaming lahat kahit wala kaming inaasahang mana sa pamilya ng bawa’t panig.

Sa kahigpitang ito, ako naging rebelde.

Muntik na akong maging katipunera. Eheek.

Ooops sa ibang artikulo ko na yan tatalakayin.

Sa anibersaryo ng aking ina, ay ibig kong alalahanin ang mga iniwan niyang kuwento sa akin, mga katatawanan, mga katatakutan, mga tungkol sa artista at mga pakikisama niya sa iba’t ibang tao.

Sa huling taon ng buhay niya, tuwing Sabado ay nag-uusap kami sa telepono ng mahigit dalawang oras pagkatapos ng kaniyang chemo.

Sa susunod ay ang kaniyang mga kuwento kung itong blogger ay magpapakatino. Tatawagin ko itong Kuwento ni Mader sa aking Blag ehestee,blog.

The Ca t

Thursday, October 28, 2004

Si Patricia at si Faye

Dear Mouse,

Kung nabasa na ninyo ang artikulo ni Patricia Chanco Evangelista na tinukoy ko sa aking nakaraang blog, makikita ninyo na hindi tungkol sa kaniyang sarili ang kaniyang sinulat kung hindi tungkol kay Faye, ang labing-isang taong gulang na batang nagdala ng karangalan sa Pilipinas nguni't hindi kasing palad niyang nabigyan ng pagpuring kagaya ng tinanggap niya.

Ang artikulo ni Patricia ay panggising sa mga tao tungkol sa mga kongresista, senador at kahit na ang ating pangulo na hindi tutulong kung walang kamera ng TV na nakatutok o kaya ay hindi malalathala ang kanilang pangalan sa mga pahayagan.

Ani Patricia

Faye's story is an extraordinary one. Given financial constraints, especially since her mother was raising Faye on her own, they went to various congressmen for aid. Only one was willing to help them in exchange for the senator taking credit for the childs former achievements (and there were many). Her mother did what any self-respecting mother would have, she refused.

Pakibutas nga ang gulong ng kanilang kotse na may wangwang.Tsee.

Ang artikulo ni Patricia ay pangmulat sa mga Pilipinong nagbibigay ng halaga sa mga taong ang pagiging kilala lamang ay ang kanilang gandang kumukupas at ang magagandang boses na nawawalan ng taginting paglipas ng panahon kagaya ni Nora Aunor. Ang mga pagkilala sa katalinuhan na Pilipino lamang ang makakapagmalaking nag-aangkin ay bale-wala.

Ang artikulong ito ay nagsasaad sa atin na sa kabila ng mga pagsubok mayroon tayong ina na sasamahan tayo kahit sa ating pag-iisang pakikibaka.

Ani Patricia,

They were shocked by the sight that faced them. Each competitor had his own cheering squad, a band and a flag. Young Faye had no one other than her mother. In the final round, Faye was the only Asian left competing and was cheered on to victory by her fellow Asians, the Japanese. It was a Japanese diplomat who helped them secure temporary passports, with the prize money only sufficient to bring them back home.

At tayo ay nagkakapaos na sumigaw para sa hinahangaan nating mga idol sa TV na ang maipagmamalaki lamang ay ang binibilad nilang katawan.

Pakisapok nga para sa akin.

Ang artikulong ito ni Patricia ay nagsasaad kung paanong ang iba sa ating mga Pilipino ay sa halip na makatulong, sila pa ang nagsasamantala.

Ani Patricia,

Mother and daughter went to Australia by dint of their own savings. They collected her "Best in Physics" award in Brisbane and moved on to Sydney for the Quiz. They were aided by none other than a "kind" Filipina on the plane, who very kindly stole their luggage, passports and plane tickets, leaving the pair with carry-on luggage.

Sa Pilipinang iyon, magkaroon ka sana ng galis na tuwing kakati ay maalala mo ang mag-inang ninakawan mo ng kanilang natitirang kayamanan.

Ang artikulo ni Patricia ay nagbibigay ng pagpugay sa isang labing-isang taong Pilipina at ang kaniyang ina sa mga sakripisyong hindi lamang kanila ang karangalan kung hindi sa bansang Pilipinas.

Ani Patricia

They sold their clothes for food, and begged for help from Filipino officials. They were given an overnight stay in a hotel, but no more. They had to check out the next day, and with no money for transportation, they walked the two kilometers to the tournament site.

Sino ang hindi magbibigay ng pugay sa ganitong mag-ina ?

Mula sa isang batang Pilipina na nagbigay karangalan sa Pilipinas, ito ang kaniyang mensahe sa isang batang Pilipina na ang ginawa ay dapat ring ikarangal ng ating kababayan.

Faye, congratulations. You did the country proud.

Amen, Patricia.Miyaw.

The Ca t

Patricia Evangelista, bow ulit

Dear Mouse,

Oras-oras ay pinapakita sa TFC ang mga Pilipinong nagbigay ng karangalan sa Pilipinas at isa sa mga ito ay si Patricia Evangelista, ang labinwalong taong gulang na nakilala dahil sa kaniyang talumpating "BorderlessWorld " na nagpanalo sa kaniya sa isang International Speaking Competition sa England.

Magaling talaga siya.

Sa blog ni jangelo ay nakita ko ang artikulo ni Patricia.

Hayaan ninyong talakayin ko ang kaniyang sinulat at ipahayag ang aking sariling kuro-kuro.

In London, I didnt win on my own. I was lucky enough to be under the tutelage of some of the best minds in the country. Great writers like Krip Yuson, Gemino Abad, Butch Dalisay, Boo Chanco and Ed Maranan, along with former ambassador Ed Espiritu took me under their wing.

Lalong nadagdagan ang aking paghanga sa kaniya sa sinulat niyang ito. Sa murang gulang ay marunong siyang magpahalaga sa mga taong nakatulong sa kaniyang pagtagumpay.

Alam nating lahat na sa likod ng tagumpay ng tao na maliban sa ating mga magulang at kapatid may mga taong nag-aambag ng kanilang kaalaman.

Ang aking kapatid na babae ay nag-aral sa Ateneo dahil sa scholarship niyang pinanalunan sa isang paligsahan kung saan ang kaniyang mentor ay isang Batang-batang alagad ng Diyos. Siya ang nagturo sa kaniya ng mga dapat niyang malaman sa mga bagay-bagay na hindi niya makukuha sa aklat.

Hindi man dapat, (Siningit ko na naman ang sarili ko. Ang umalma ay padadalhan ko ng multo.)ay ibig ko ring isulat ang naging coach ko isa isang oratorical contest na sinasalihan ko sa rehiyon. Hindi ninyo naitatanong, ang aking boses ay “bedroom voice” yong boses na dapat ay itago lang sa kuwarto.

atsetse...

Isa ko siyang guro sa English na ang pasensiya yata sa katawan ay dulot ng tinapay na ang tawag ay paciencia.

Sa loob ng isang buwan niyang matiyagang pagturo ng tumpak na paghahahati ng mga salita at tamang pagbigay ng diin sa mga salitang magbibigay ng mensahe sa nakikinig at ang pag-alis niya sa aking aksentong nakuha ko marahil sa mga kapitbahay, mga kamag-anak at mga kalaro, ako ay nanalo sa palabigkasan.

Ikatlo lamang ako, pero ang aking guro ay tumulo ang luha na hindi sapat ampatin ng dala niyang lumang-lampin-na-ginawang-panyo- tuwalya. Ang aking ina ay natuwa sa iniuwi kong mga school supplies at isang tansong medalya.Hindi man niya sabihin ay alam kong ipinagmamalaki niya ito sa aming mga kapitbahay na kung puwede ko lang gawin itong kuwintas, disin sana ay ginawa ko na. Sa mura kong isip na sampung taong gulang, itinanong ko kung maisasanla ko kaya yong medalyang yaon?

The Ca t

Bayani?

Dear Mouse,

Kamakailan, napanood ko sa TFC ang awarding ceremony ng Genie Lopez, Bayaning Pilipino.Oo, Birhinya, huli siyempre kami sa balita.

Wala akong masabi sa mga piniling mga finalists na galing sa Pinas. Lahat sila ay dapat magkamit ng award.

Nahihiya ako sa sarili kung ikukumpara ko ang ginagawa ng ating mga kababayang ito.

Subali’t yong mga finalists nilang galing sa Estet, ay tumaas ang aking kilay.

Huwag ninyong isipin na may alam ako sa kanila o sila ang pinatutungkulan ko.

Ang nanalong si Francis Padua Papica ay dapat talagang manalo dahil sa kaniyang mga proyektong pagbibigay ng scholarship sa kaniyang mga kababayan.

Ang aking pinatutungkulan ay ang mga Pilipinong itinuturing na bayani dahil lamang sa nakapagtayo sila ng negosyo sa Estet lalo na ang mga board and care o kaya ay mga nursing homes sa matatanda.

Marami, HINDI KO NILALAHAT, ang mga Pilipinong ito ang umaabuso sa kanilang mga kababayan. Sa suweldong $ 500 o $ 600 a month na napakaliit kung ituturing na ang kanilang trabaho ay higit sa walong oras, nakukuha pa nilang iblackmail ang mga taong walang papel na pinapayagan nilang magtrabaho sa kanila na isusumbong sa INS sa oras na sila ay magreklamo.

Dapat siguro ay hindi lang rekomendasyon ang kanilang pinagbasehan kung hindi ang masusing pag-iimbestiga kung ano talaga ang naitulong nila sa bansa.

Kung ay dahilan ay ang pagkakaroon ng negosyo, marami tayong Pilipino na naging matagumpay na hindi kailangang manglamang sa kapwa Pilipino.

Pakipitik nga ang ilong ko.

Ayan, X-p,hindi na nakakatakot yan.

The Ca t

Wednesday, October 27, 2004

The Ghost at the Teachers' Camp, Baguio City

Dear Mouse,

Read about the lovestruck ghost at the Teachers' Camp.

The Ca t

Bakit ba?

Dear Mouse,

Bakit ang mga TV host natin o kaya invited guests sa morning show ay mga naka evening dress ?

Kulang na lang sa kanila ang mga taong may dalang kandila para magmukha silang sagala sa santakrusan.

Pakigulo nga ang aking kilay.

Bakit yong mga D Bodies, binastos ang mga nurses sa pamamagitan ng pagsuot ng seksing puting uniform at ng cap.

Hindi ba nila alam na sacred sa nurses ang cap na yon at may capping ceremony pa sila pag may karapatan na silang suotin yon.

Pakisabunutan nga.

Bakit nga kasi ako nanonood pa sa mga ganitong show?

Pakibatukan nga ako.

Bakit ang tagal nawala ang blogger?

Miyaw, miyaw.

The Ca t

Tuesday, October 26, 2004

Psychic Protection

Dear Mouse,

Read how you can protect yourself from negative influences caused by unseen forces here.

The Ca t

The Haunted Baguio Vacation House

Dear Mouse,

Tagay entitled it as Babae sa Bintana with a link to Watson's the Haunted Baguio Vacation House. He got a picture of the house and the ghost.

The Ca t

The Lawyer as Exorcist

Dear Mouse,

Marvin has a very interesting story about his cousin who can also see dead people.

He mentioned about the protection that his cousin is using against the psychic onslaughts of malevolent spirits.

This will be a topic that I will discuss in my choicecat.

The Ca t

Monday, October 25, 2004

Mind Over Matter - Psychic Healing

Dear Mouse,

Read what ails me.

The Ca t

Si Pinay sa New Jersey

Dear Mouse,

Basahin mo si Pinay at ang hindimakalaglag luha niyang kuwento.

The Ca t

Ang Pagong at si Pusa

Dear Mouse,

Parang pelikula. Palaging dumarating ang pulis pag huli na. Parang pagong sa bagal ng pag-usad sa mga dapat gawin.

Sa kaso ni Garcia, nawithdraw na halos lahat ang pera wala pa ring kaso.

Ngayon ay si Pangulo na ang nag-order ng court martial.

President Arroyo issued the order for Garcia's court martial at a breakfast meeting with members of the Foreign Correspondents Association of the Philippines Monday.

Atin pong pasalubungan ang pagpasok ulit ni Pongpong pagong.

Sa bagal siguro nang pag-ikot ng hustisya, baka may apo na ang mga anak ni Garcia ay hindi pa rin siya nahahatulan.

Hiyaaa Pagong,bilisan mo.

The Ca t

What reputation ?

Dear Mouse,

Reputation=the way in which one is regarded by others; one in prominence or notoriety

Garcia probe destroys, erodes AFP reputation, warns Reyes

By JOHN CONCEPCION

abs-cbnNEWS.com

Interior Secretary Angelo Reyes said Monday that the probe on the alleged questionable and unexplained wealth of Maj. Gen. Carlos F. Garcia is slowly destroying and eroding the reputation of the Armed Forces of the Philippines (AFP).

The Ca t asks, WHAT REPUTATION ?

Kabwiset.

The Ca t

The Ca t cries," VAMPIRES!!!"

Sulat ni Sassy:

Taxpayers’ money pay for the gasoline of… ..civilians, individuals, relatives of policemen and even some members of the media.

Aha!

(Ca t: Talagang aha !)

The source said even the wives and children of ranking police officials are issued fuel coupons.

Sulat ni Ca t:

Sino bang taratitat ang nagsabi sa akin na pati girl friends, kabit at mga kamag-anak at mga kaibigan ng kabit ay nabibigyan din ng coupon na ito?

Nilibre na ang aso, aso nilebre ang pusa, pusa nilebre ang daga,daga nilebre pa ang kawan ng mga daga.

Sabay-sabay, KAINIS.

Sulat ni Ca t :

Sino bang taratitat ang nagsabi sa akin na pati raw yong fuel ng eruplano ay Sinipsip na tila drakula at ginagamit sa mga mamahaling sports car ng mga Masusuwerting anak ng diyos na ito.

Sabay-sabay :Tubuan sana kayo ng pangil sa ilong.

The Ca t

Saturday, October 23, 2004

To stress or not to stress

Dear Mouse,

Naisulat ko na rito sa aking blog na marami tayong mga opisyales ng gobyerno na ang kanilang outlet ng stress ay ang karaoke.Pagkatapos nang kanilang araw na puno ng problemang dapat nilang tukuyin at bigyan ng lunas, sila ay pumupunta o kaya ay mismo sa bahay ay nagsisigaw pagkanta.

Naisulat ko na rin dito sa aking blog na pag may stress ako, lahat ng pusa(kal),mga pinsan mong daga, mga ipis at pati ang mga lamok ay nagsisipagtago tuwing ako ay kumakanta ng makabagbagdamdaming “She bangs, she bangs” para lamang maalis ang aking stress.

Pero kung ang mga abugado naman at ang suspek ay magduduet para maibsan ang stress ng mga taong nag-iimbestiga sa isang kasong maraming tao na ang namamatay, parang gusto kong maiyak sa INIS pagkatapos kong magbilang ng Dalawampu.

Ito ang balita. Nakita ko rin ang impromptu concert nila sa balita. hmmp.

CEBU CITY — Stung by media criticisms on her "impromptu concert" with the defense lawyer and the prime suspect himself, lawyer Gloria Dalawampu quit as a private prosecutor in the case involving last week’s killing of fellow lawyer Arbet Sta. Ana-Yongco. Feeling her credibility was put into question, Dalawampu announced the other day that she was withdrawing her services as a lawyer representing the Integrated Bar of the Philippines in prosecuting the murder case against Michel Favila, the main suspect in the Yongco killing who is now in the custody of the National Bureau of Investigation (NBI). "I am angry. I am getting out. I don’t need that case," said Dalawampu, fuming mad over the "unfair and malicious" commentaries she had heard on radio. The criticisms concerned her impromptu singing with the murder suspect himself, his lawyer Orlando Salatandre, and Cebu City chief prosecutor Cezar Tajanlangit, after hours of legal debate on how Favila should be treated.

Gusto ninyong makipagduet sa akin?

The Ca t

God made me do it

Dear Mouse,

Isa ka ba sa mga nakakausap si GOD ? Ako, masasabi kong nakakausap ko siya. Ano kamo ang sinasabi sa akin ? Ano ba ang sinasabi saiyo?

Kasi lahat naman tayo kinakausap niya. Hindi nga lang natin naririnig na malakas dahil ang sagot niya ay makikita na lang natin sa mga katugunan o hindi katugunan sa ating hinihiling. Ang sabi nila ang kunsensiya raw ang boses ni GOD. Dito, hindi ako naniniwala.

Tingnan ninyo itong balitang ito na ang ginamit na depensa ay GOD made me do it.

Abaaa eh padadalhan ko si GOD ng e-mail at tatanungin ko kung totoo o kaya ay tatawagan ko siya sa Direct Line. 1-800-call-GOD.

NEW YORK—A federal jury has convicted two women, one of them from Colorado, of cheating more than 1,000 investors across the nation out of nearly $2 million with a religion-laced scam promising them a cut of the late Philippine President Ferdinand Marcos’s fortune. It took jurors less than three hours Wednesday to find Roberta Dupre, 61, of New York and her accomplice, Beverly Stambaugh, 55, of Montrose, Colorado, guilty. Both were jailed. The wire fraud trial featured a God-made-me-do-it defense seen occasionally in state trials involving violent crimes but rarely in white-collar cases in federal court. The case also was unusual because many victims still believe Dupre’s claim that she was using their money to free billions of dollars from a secret bank account belonging to Marcos.

Basahin ang kabuuang balita at mainis.

Ano, baliw,ako lang ang maiinis. Dapat kayo rin. bwahaha

The Ca t

Ghosts Galore -kainis

Dear Mouse,

Bago mo ako sabihang na naman, makinig ka muna sa akin.

Ghosts-katakot

Ghost purchases-kasumpa-sumpa

Ghost employees-kainis

Speaker Jose de Venecia on Friday hammered Antipolo City Rep. Ronaldo Puno for branding the House of Representatives as a haven for ghost employees. "There's no truth to the allegations of Congressman Puno because first of all the House has been very strict in releasing its funds," de Venecia told DZMM's "Todo Balita" program hosted by Neil Ocampo

ABS-CBN

Una, ghost purchases;ngayon naman ghost employees. Ito ang klaseng multo na mapapahiya ang mga ghostbusters/ghosthunters.

Pwee.

Mouse,gusto mo bang maging ghost writer ko?

The Ca t

Balik ang Guardia

Dear Mouse,

Balik ang guardia na si Laguardia. Pagkatapos ang tsismis na papalitan ng isang superstar ang chairperson na ito ng MTRCB, ang kaniyang resignasyon ay hindi tinanggap. Totoo kaya ang tsismis na ang superstar na ito ay lulong na naman sa kaniyang dating bisyo at hindi mahagilap. Hindi niya ginaya ang dati niyang karibal sa popularidad na inayos niya ang kaniyang buhay at ngayon ay isa ng matagumpay na mayor sa isang bayan sa Batangas. Susmaryakapra,para na akong si Cristy Fermin nito, ayaw ko mang aminin.

Ahahay.

Noong isang Linggo ay tinawag ni Laguardia ang pansin nina Zsa Zsa Padilla at Vina Morales sa masagwang pananamit nila sa kanilang programa.

Ang hindi ko talaga mahukay sa kailalim laliman ng akong pag-iisip ay bakit kailangan nilang magsuot ng mga nagbibilad ng kanilang katawan na sinusuot lang ng mga babaeng ang hanapbuhay ay magbigay ng aliw sa lugar na madidilim.

Ang mga iniladlad nilang bahagi ng katawan ay mga peke naman.Para silang may mga balloon na may lamang tubig sa kanilang mga dibdib na anumang oras ay puputok pag natusok.

Sandali para akong pintasera nito. Talaga naman. Matingnan nga aking harap. Hmmm,hindi naman "ito kasinlaki ng upo at hindi naman kasinliit ng siomai na niluluto ni Sassy. Malalaman naman ninyo ang harap at likod pag ako nakatagilid. Ibig sabihin, hindi ako naiinggit noh.

Atsetsetse

Humaba rin ang saplot ng mga seksing nagsasayaw sa programa. Natuwa siguro ang mga nagtitinda ng tela.

Yehey

Ang ibig kong maalis sa TV ay ang mga lalaking nagsusuot ng mga damit ng babae at nagsasayaw na nagbabakla-baklaan. Hindi nakakatawa.Sagwang tingnan.

Tseee

Wala na sigurong makuhang scoop si Boy Abunda kaya kahit ang pag-amin ng di kilalang komedyante na siya ay bakla ay binigyan niya ng kahalagahan. Maging ang paghanap nito ng kapwa lalaking mamahalin ay ipinakita pa sa kaniyang programa.

Nakasulasok.

Bwarkkk

Isang kaibigan ko ang nagsabi sa akin kung bakit naiinis ako sa mga programang aking napapanood. Kung ako raw ay naiinis ay di huwag manood.

Kung hindi ko ito panoorin at hindi ako magsasalita tungkol sa ikinababa ng moral ng mga tao para na rin akong nakakita ng isang panganib na hindi ako nagbabala dahil ang aking pagtanaw ay ang "walang pakialam attitude".

Minsan ay nagsulat ako tungkol sa isang seksing babae na hindi naman dapat sa Wazzzup wazzup dahil siya ay out of place na mga tad jocks doon na kahit mga nagpapaweird ay mga disente naman ang suot. Ngayon ay wala na siya roon. Hindi ko sinabing nabasa nila ang sinulat ko, pero may kaparehong utak siguro ako na nagsuggest sa producers ng show na tanggalin na siya.

Halos lahat ng bata o kabataan ay nanood ng TV. Hindi lahat ng kabataan ay pumapasok sa iskuwela. Marami sa magulang ang hindi alam ang pinanood ng kanilang mga anak. Marami tuloy sa kabataan ang nag-aakalang ang ginagawa ng mga artistang ito ang tama at siyang dapat gayahin.

Sandali,bakit nga ba ako nangangaral? Pakikurot nga ako.

The Ca t

Friday, October 22, 2004

Filipinoghostbusters/ghosthunters

Dear Mouse,

Read about Filipino ghostbusters/ghosthunters in my choicecat.

The Ca t

Thursday, October 21, 2004

What are Ghosts?

Dear Mouse,

Read choicecat to understand what ghosts are ?

The Ca t

Ghosthunters

Dear Mouse,

Dahil malapit na ang haloween ay minarapat kong bigyan kayo ng mga ghost stories hindi para takutin, kung hindi pag-usapan ang mga bagay-bagay na iniisip nating katawatawa nguni't sa ibang bansa ay isang malaking aralin upang lalong maunawaan.

Sa mga hindi naniniwala sa multo, hindi ko kayo pipiliting maniwala. Tingnan lang ninyo ang likod ninyo at baka may nakaupong multo at nakangisi sainyong likod.

hihihihi

(tawang buruka).

Kung inaakala ninyo na ang ghostbusters ay sa pelikula lang, nagkakamali kayo.

Sa Pilipinas ay may mga tinatawag na Spirit Questors at sa Estet ay may tinatawag na Ghosthunters.

Samantalang hanapuhay ang humuli ng multo para sa Ghostbusters, sa Ghosthunters, ito ay isang misyon na nagmula sa isip na ibig palawakin ang kanilang kaalaman sa mga bagay na mahirap ipaliwanag kagaya ng mga nababalitang mga pagmumulto o "hauntings".

Kung ang questors ay pagdarasal at pagkausap sa mga ispiritung ayaw pang Lisanin ang mundo ng mga buhay, ang mga Ghosthunters ay may mga gamit katulad ng:


1.Emf Meters. 2. Night Vision Cameras. 3. Digital Temperature Gauge. 4. Digital Cameras. 5. Trigger Objects i.e A Cross 6. Walkie Talkies. 7. Torches. 8. Room Sensors. 9. Night Vision Glasses. 10.Notebooks. 11. Compass. 12. Humidity Meter at iba pang eletronic Products na pangsagap ng ingay, liwanag at mga galaw.

Ang mga imbestigador ay kasapi sa isang paranormal society na ang ginagastos sa imbestigasyon ay nanggagaling sa mga donasyon. May kaniya-kaniyang hanapbuhay ang mga kasapi at hindi sila tumatanggap ng suweldo mula sa asosasyon.

Pagkatapos nilang makakuha ng sapat na impormasyon mula sa bahay O lugar na pinaghihinalaang “haunted” sila ay nauupo at nag-uusap kung ano ang sa palagay nila ang tutoong nangyayari.

Kung hindi sapat ang ebidensiya, sila ay bumabalik sa lugar at ipagpapatuloy Ang pagkuha ng mga bagay-bagay na makakadagdag sa kanilang pagtatalakay.

Kapag may nakita silang hindi normal at hinihinala nilang ito ay sanhi ng mali nilang pag-iilaw, paglalagay sa tamang anggulo ang camera o kaya ay ingay na nanggagaling sa kanilang instrumento, sila ay matiyagang bumabalik at inuulit ang kanilang imbestigasyon.

Multo sa Taberna

Sa episode na napanood ko, sila ay tinawag ng may-ari ng isang taberna na kung saan madalas daw ang kanilang mga sebidora ay nagsasabing may nakikitang isang batang babae at nakarinig ng mga ingay at paggalaw ng mga upuan at mesa. Sa ibang bahagi naman ng bahay ay maririning Ang iba’t ibang ingay. Ito ang mga sinasabi nilang visual sightings at phantom footsteps at eerie sounds.

Ang unang inaalam ng grupo ay ang mga bagay-bagay sa gusaling pinaghihinalaang may multo. Ang history ang mga taong natira at ang mga pangyayaring maaring nagging sanhi ng pagmumulto. Sa kaso ng taberna, napag-alaman nila na mahigit na isandaang taon na ang gusali at marami na ang mga tumira roon.

Isang mahalagang impormasyon na nakuha nila ay ang namatay na batang babaeng nasagasaan ng tren at dinala doon para isalba ang buhay . Sa kasamaang palad, ang bata ay namatay. Ang kaniyang damit ay naiwanan pa sa “attic” ng gusali.

May tumira rin sa gusaling yon na isang lalaking mainitin ang ulo na pag sinsusumpong ay laging naghahanap ng away.

Ang mga imbestigador ay hindi nagdadasal. Kung tawagin man nila ang mga ispiritu ay parang kinakausap lang nila.

Dalawa-dalawang imbestigador ang pumupunta sa mga bahagi ng gusali. Ang babae at lalaking nautusang makiusap sa batang babae ay nakaramdam ng malamig na hangin nang sila ay magsimulang maghintay upang “lumabas ang bata “. Kinuha nila ang temperatura ng lugar kung saan mayroong malamig na hangin. At naitala nila ang mas mababang numero kaysa sa kabuuan ng lugar na iyon. May nakita silang gumalaw nguni’t hindi nila magamit ang camera. Ito ay nagloko.

Sa mga bahagi ng gusali kung saan sila ay may nararamdamang kakaiba, ang larawang lumalabas sa video ay lumalabo.

Matapos ang kanilang imbestigasyon, sila ay nagsama-samang tingnan ang mga ebidensiyang magpapatunay na ang lugar ay minumulto.

Una ay ang orb sa larawan-ito ay bilog na ilaw o tila apoy na bilog na makikita sa larawang kinuha sa lugar na naglipana ang ispiritu. Ito ang unang unang ebidensiya na maraming multo sa lugar na iyon. Pinaniniwalaan na ang mga espiritu ay nangangailangan ng enerhiya para sila ay magkaroon ng hugis upang makita ng mga taong buhay.

(Sa larawang kinuha ni Sassy sa lumang hotel ay dalawang “ORBS”ang lumabas.Isa ay nasa gitna ng larawan na inisip na ito ay isa lamang repleksion. Ngunit saan nanggaling ang repleksion ? Sa araw? Sa camera ? Ang isa pang orb na nakita sa larawang yaon ay Inisip ng marami na mata ng aso na kumikislap sa gabi pag natamaan ng ilaw. Hindi lahat ng mata ng aso ay kikislap kahit sa dilim)

ito ay galing sa mga larawan ng mga imbestigasyon tungkol sa multo.

Ikalawa-Ingay- sa kanilang nakalap na ingay, sila ay may nabuong mga salitang

I am not….We are not.

Hindi nila mawari ang kahulugan ng mga boses na iyon.

Maaring ito raw ay nagsasabing- We are not dead na pangkaraniwang dahilan kaya ang mga namatay na ay hindi pa lumilisan sa lugar na kanilang kinamatayan.

Sa aking palagay, maari rin itong pahiwatig na WE ARE NOT EVIL.

Ikatlo- Liwanag-Hindi kagaya ng orb ito ay hindi bilog kung hindi parang usok na lumitaw sa likod ng mesang may salamin at pumaitaas hanggang nawala. Kung ang liwanag ay nanggaling sa ilaw na malapit doon,dapat ay may repleksiyon ang liwanag sa salamin. Inimbestigahan muli ang lugar na iyon at naghanap sila ng mga bagay sa Malapit sa kinakitaan ng liwanag.Wala.

Nguni’t ano ba ang multo at bakit may multo ?

Sasagutin ito sa aking choicecat. What are ghosts ?

Susunod, Filipino ghosthunters.

The Ca t

Wednesday, October 20, 2004

Si Pinay sa Boston

Dear Mouse,

Basahin si Pinay na lumipad sa Boston.

The Ca t

Ghost Stories (talaga)

Dear Mouse,

Ito talagang multo,peksman.

Basahin sa choicecat.

The Ca t

Nakabili siya ng multo

Dear Mouse,

Nakikibedspace siya sa amin. Nagtatrabaho siya sa umaga at nag-aaral sa gabi.Isang araw may bitbit siyang portable na typewriter. Mura lang daw ang bili niya.Kalahati ng presyo kung bibilhin sa tindahan. Sabi ko, swerte naman niya. Saan naman niya nabili yon ?

Baka ang tiklado ay sa Intsik, at ang ribbon ay sa sapatos.

Hahaha

Sabi niya multo raw yon. Anong multo ?

Pinakita niya sa akin ang mga dokumentong kasama ng typewriter.Hmmmm, binili ng isang sangay ng gobyerno.

Kulit ko. Paano nila naipagbibili yan ? Sabi niya, yan ang mga “ghost purchases”. Itong klaseng ito ay may mga binili pero Hindi napupunta sa opisinang nangangailangan. Pinagbibili sa labas sa murang halaga.

Hindi ba kako nachecheck yang binili at yong dineliver ?

Sabi niya, sinong magchecheck kung ang sayaw nila ay rigodon na hindi puwedeng isayaw nang nag-iisa.

Kahit hindi matalinghaga ang sinaad niya, sa mura kong isip hindi ko pa rin siya maiintindihan.

Pero ang lalong nakakabaliw ay ang kahit multo ay wala.Dito ang mga suppliers ay tumatanggap ng buong bayad na wala naming denedeliver na producto. Ang 80 per cent ay bumabalik sa mga taong gumawa ng requisition, nag-aapprove ng purchase order at ang nagbigay ng otorisasyon para sa paggasta sa pinanggalingang badyet.

Ang sayaw nila ay hindi lang tanggo sa pagitan ng supplier at ng goyerno kung hindi macarena para sa mga opisyales at hindi opisyales na sangkot sa transaksiyon.

Ang propesor ko sa Government Accounting ang nagsabing matagal na itong nangyayari sa pamahalaan.

Sabi nga niya por dyos por santo equals eight.

Sinong nakakaalam kung ano ang "fixed assets " ng gobyerno. Kung inaaudit ito,paano nalalaman ng publiko ang binili, ang luma ng hindi ginagamit o kaya ang mga pinagpapasasaan na ng kalawang at ang mga tinutubuan ng talaba sa ilalim ng dagat.

Taga gobyerno rin siya pero sabi niya sa gobyerno ang corruption ay nangyayari pag may sabwatan lalo na sa military na may mga kapatiran ang mga Opisyales na pag hindi ka miyembro ay hindi ka anak ng diyos kahit sa labas.Sama-sama sila sa hirap, pandaraya at sa sarap.

Sayang patay na ang propesor kong iyon na pambayad lang sa ospital ay wala pang mahagilap ang pamilya. Disin sana ay sinabihan niya na ako ng...Anong sabi ko saiyo,bata ?

Marahil, may mga opisyales lang sa AFP na hindi naambunan o kaya ay masyadong nakasulasok lang sa grabeng pagpapayaman ni Garcia sa tatlong taong niyang nasa puwesto. Milyon- milyon ang pinag-uusapan.Hindi lang pesoses kung hindi dolyar.

Pero anuman ang dahilan, dapat ay may maparusahan.

Meron kaya ? Kung hindi multuhin sana kayo ng maraming sundalong namatay dahil tinipid sila, makakurakot lang.

Kung inaakala ninyong gawa-gawa ko lang itong sinulat ko,kayo ay nagkakamali. Tanungin man ninyo ang propesor kung sumakabilang buhay na. anyenyenye

The Ca t

Tuesday, October 19, 2004

Kilala mo ba kung sino ako ?

Dear Mouse,

Sa lahat nang ayaw kong naririnig o nababasa ay itong salitang, Kilala mo ba kung sino ako ?

Maraming ibig sabihin ang salitang ito.

1. Mayabang ang nagsalita.

2. May ipinagmamalaking kapangyarihan ang nagsalita.

3. Mapangmata ang nagsalita.

4. May kasamang banta ang pagsasalita.

Kapag ang nagsabi naman nito ay ibang tao para ipamukha sa isang nilalang kung sino ang kinakalaban niya,ang nilalang na yon ay makitid ang isip.

Hindi lahat ng doktor ay alam lahat ang sakit. Hindi lahat nang nagsusulat ay alam lahat ang paksa.

Hindi garantiya ang pagiging matagal na sa industriya ay pagiging magaling.

Mas maraming mga kabataang nagtataglay ng galing dahil sila ay hindi nagpapahuli sa mga bagong teknolohiya,nagbabasa at nag-aaral.

Ang mga kabataan ay handang harapin ang mga pagbabago, samantalang ang mga naturingang beterano ay hindi karakarakang tumanggap ng mga bagong ideya.

Kaya yong nagkumentaryo sa blog ni W.Galang:`

Barto says:

Strong words. What if Mayuga asks you "do you know who I am?"

Ang sagot ko ay ano naman ang dapat gawin?

Manginig dahil magaling siyang magsulat ?

Tatahimik dahil magaling siyang magsulat ?

Tanggaping lahat ng sinasabi niya ay tama, dahil magaling siyang magsulat?

Ganon?

Hindi ko na sana papatulan ang komentaryong ito pero ang masamang ugali na ito ng Pinoy ang isa sa mga dahilan dahil tayo ay umaasenso. Mahilig tayong magdiyos sa mga may pangalan, may kapangyarihan, may kayamanan at tila ba wala ng karapatang magsalita nang hindi pag-ayon.

Dito ko sinulat ang sagot ko sa kumentaryong yon dahil sa akin itong blog na ito.

The Ca t

Monday, October 18, 2004

SSSSSHHHHHHHHHHHHHH

Dear Mouse,

sssssssh

Mayroon daw may birthday ngayon, alam mo ba kung sino ?

Kaya ka banag-aaral magsayaw dahil mayroong magbibirthday?

Tama na yang inom, may dadaluhan tayong birthday.

Hindi pa ba magsisimula, kantang kanta na ako.

okay guys, sabay sabay tayong kumanta ng...

HAPPY BIRTHDAY, SASSY.

The Ca t

NAKAKABALIW, NAKAKAALIW

Dear Mouse,

Gusto kong kumanta sa inis, sa saya, sa takot, sa pagtataka.

Samahan ninyo si Pusa.


NAKAKABALIW, NAKAKAALIW NAKAKATAKA, NAKAKASUKA NAKAKAGULO, NAKAKABOBO NAKAKALOKO,NAKAKAUTO

NAKAKAGALIT, NAKAKAINIS NAKAKAPIKON,NAKAKASIPON NAKAKASAYA, NAKAKANTA NAKAKATAKOT, pakalmot nga.

1.Isang balitang napanood ko sa TFC ay tungkol sa isang ginang na 38 taong gulang lang ang namatay dahil sa panganganak ng ikalabimpitong anak nila ng kaniyang asawa. Ang ininterbyung asawa ay parang hindi man lang nalulungkot o natitigatig sa pagkamatay ng asawang pinayuhan na ng doctor na huwag nang manganak.

NAKAKAGALIT,NAKAKAINIS ang lalaking ito

2.SENATOR Manuel Roxas 2nd called Monday for a thorough scrutiny of a Malacañang order that quietly but effectively allowed the government’s assumption of P200 billion of the debts of the National Power Corp. (Napocor). http://www.manilatimes.net/national/2004/ oct/19/yehey/top_stories/20041019top10.html

NAKAKALOKO,NAKAKAUTO ang gobyerno

3. The government-owned power firm got the ire of senators recently after a public hearing showed the extent of its financial miseries. It is losing P115 billion a year. It paid P12 billion for the retirement of its officials and employees, a number of whom it rehired and gave higher posts and salaries. This caused Sen. Ralph Recto to charge that government-owned and -controlled corporations were being used as milking cows and not as service providers.source: Manilatimes

NAKAKAPIKON, NAKAKASIPON ang mga lintang opisyales na ito

4.Nakita ko sa balita si Rep.Imee Marcos sa imbestigasyon ng corruption sa military. Di ba nagkaroon ng RAM dahil sa corruption ng kaniyang ama.

NAKAKATAKA, NAKAKASUKA,sino pa ?

4.We are left far behind. The recent qualifying tests given by the Department of Education for Grade VI and Fourth Year high school students yielded the most dismal results.Less than 3 percent of those who took the tests scored a passing grade. The majority hovered near the bottom.

If this is how bad our educational system is, how come we have these news?

US to hire more Pinoy teachers

By Mayen JaymalinThe Philippine Star 10/18/2004

More Filipino teachers and other skilled workers are to be hired in the United States soon despite differences between the Philippines and the US over the conflict in Iraq. American employers will arrive in the country in the coming weeks to personally screen a long list of teachers applying for vacancies in US schools.

China is thinking of engaging Filipino teachers of English, while South Korean students come here for month-long tutoring in English.

NAKAKAGULO, NAKAKABOBO, hindi ko malaman ang totoo.

5.The awards Marikina city garnered from WHO mean that the city is making great strides towards making the city more livable for its residents. The Fernandos are largely credited for turning the former "rape capital" into a sparkling and vibrant city.

"If WHO is just looking for the healthiest city, I think the awards should go to Singapore. But what WHO is really looking for are the improvements that have taken place," the mayor said.

NAKAKASAYA, NAKAKANTA kaya gayahin na.

Nakita ko si Madam Auring na pinagpapayuhan ang mga baaeng hindi nag-kakaanak na maari pa silang magkaroon ng MENOPIS baby.

NAKAKABALIW, NAKAKAALIW ang bruha.

Ito ay blog.Sana sainyo rin.Miyaw.

The Ca t

Sunday, October 17, 2004

Si Pinay sa Roadrunner

Dear Mouse,

Read Pinay's encounter with a roadrunner.

The Ca t

Telepathy

Dear Mouse,

Read my new choice cut at choicecat about telepathy.

The Ca t

Saturday, October 16, 2004

A blog is a blog is a blog

Dear Mouse,

Sylvia Mayuga wrote :

“This is why I took care to say that ‘Talking Points’ was a ‘column’ and was ‘much like a weblog’ as I was aware that it could not be considered a weblog in the sense used by some bloggers. I would agree with some of the bloggers that ‘Talking Points’ is a ‘letters to the editor’ section and akin to a ‘moderated online forum.’ But I would also argue that it is a valid form of blog, one of a multitude of variants, and the variant that most suits our needs at the moment.”

She admitted that it is more of a moderated forum but she argued that TP is still a blog. In as much as she used Wikipedia as her source, I would like to direct her to the same encyclopedia that defines the difference between a weblog and an internet forum. It states that :

“Internet forums differ from weblogs. The former generally allow most users to post topics (sometimes referred to as "threads"), while blogs only allow one or a few users to create entries. Forums also tend to be more diversified in interest, while blogs tend to be more specific to a certain topic or subset of beliefs.

Where is the logic?

Sylvia Mayuga wrote:

“This is the first sentence of the definition on Wikipedia: ‘A weblog, or simply a blog, is a web application which contains periodic, reverse chronologically ordered posts on a common webpage.’“I think you would agree that if this definition were used as a basis, ‘Talking Points’ could be considered a blog.

I beg to disagree. If she believes that Talking Points is a blog because it is a type of web application then her reasoning seems way out of logic.

Following her frame of mind,I can draw these hypotheses:

All blogs are web applications

Talking Points is a web application

Therefore Talking Points is a blog.

The conclusion is null and void. Blogs are not the only the types of web application. Webmail, Amazon.com and eBay are well known examples of web applications but they are not blogs.

If she thinks it is a blog because it is a web page , she should check her source of definition of what a blog is--the wikipedia that explains what a webpage is.

"Usually a webpage has a URL and therefore allows deep linking. Sometimes it has only a temporary URL referring to a cache area. Sometimes a page results from a webpage by some action, e.g. replacing the content of one of the frames, while the new page does not have its own URL. Perhaps such a page, as well as a page with a form field filled in, strictly can not be called a webpage, because it is not on the web, but created from what is on the web.

I searched for Talking Points in the web, I could not find it. It is just a page in a webpage.

But what really is a blog?

According to Wikipedia: The shorter version, "blog," was coined by Peter Merholz who in April or May of 1999 broke the word weblog into the phrase "wee' blog" in the sidebar of his weblog. This was interpreted as a short form of the noun and also as a verb, to blog, meaning "to edit one's weblog or a post to one's weblog."

I post and edit my weblog. Mine is a blog.

Can Sylvia Mayuga do the same for Talking Points ?

Sylvia Mayuga wrote:

“If you have the right to express yourself, why limit other's rights? Why exclude ‘traditional’ media. Who is being biased here?

Can you ignore your publisher, your editor-in-chief and your several editors to be able to express yourself?

If you can answer this with a YES, I will agree that your Talking Points is a blog.

The Ca t

Wind Beneath My Wings

Dear Mouse,

Aside from tampons, women use sanitary napkins or menstrual pads.

Sanitary napkins have an important place in women's history and in the history of technology. 19th Century research into disposable sanitary napkins marked the humble beginnings of a new era of gynecological sanity. Disposable Sanitary Napkins appeared in Germany as early as the 1880s.Designs, shapes, sizes and materials changed thru product innovations and technology advancement.

As you can see, napkins have "extensions" to both sides to prevent "spillage". Manufacturers call them wings.

And now for the "wings" stories.

A vampire dies and goes to see God, who asks, "I am going to reincarnate you as an animal. What do you want to be?"

The vampire answers, "Something that has wings, sucks blood."

The vampire is reborn as a bat. One day, it's spotted by a farmer, who takes out his gun and shoots it. God says, "Back so soon? What do you want to be this time?"

The vampire answers, "Something that has wings, sucks blood."

The vampire is reborn as a mosquito and flies around preying on people. One day, one of its victims smacks it and it dies. Annoyed, God says, "You again! You can't be an animal this time, it's too much trouble. I'm going to make you an inanimate object. What do you want to be?"

The vampire answers, "Something that has wings, sucks blood."

God turns him into Kotex with wings.

Question:What did the maxi pad say to the fart?

Answer:"You are the wind beneath my wings . . . ."

Question :Why did the blonde jump off the bridge? She thought her maxi-Pad had wings!!

Go for menstruation leave.

The Ca t

INTELTAMPON INSIDE

Dear Mouse,

Tampons, like pads, are products used to absorb menstrual flow. They are made of soft cotton pressed together to form a cylinder-like shape, so that they can be easily inserted into the opening of the vagina.

Now that you know what tampons are, you can read the ff. funny stories.

The genie asked the man who released him from the bottle to make three wishes.After thinking for a few minutes, the man says, "I wish that no matter where I go beautiful women will want and need me."

***POOF*** He is turned into a tampon.

A blonde went to the bathroom and when she came back, she couldn't find her pencil. All she could find was her tampon stuck behind her ear! Ouch...

What do elephants use as tampons?

Answer :Sheep

Two little boys go into the grocery store. One is nine, the other four. The nine-year-old grabs a box of tampons from the shelf and carries it to the register for check-out.

The cashier asks, "Oh, these must be for your Mom, huh?"

The nine-year-old shakes his head and replies, "Nope, not for my Mom."

Cashier: "Well, they must be for your sister then?" Nine-year-old: "Nope, not for my sister either."

Cashier, curious now: "If they're not for your Mom and not for your sister, who are they for?"

The nine-year-old says, "They're for my four-year-old brother."

Surprised, the cashier asks, "Your little brother right here??"

The nine-year-old explains: "Well, yeah! They say on TV if you wear one of these you can swim or ride a bike, and my little brother can't do either!"

THE WOMEN'S RESTROOM

The gentleman had a serious problem. He had made several attempts to get into the men's restroom, but found it to be occupied. The stewardess noticed that he was walking funny, taking small steps, and with a look of pain and anxiety on his face.

"Sir," she said, "the ladies' restroom is unoccupied. You may use it if you promise NOT to touch any of the buttons on the wall."

He was about to pop, and would have promised anything, so he agreed to her terms. The relief was pure joy, and as he sat there, savoring the feeling, he noticed the buttons he had promised not to touch. Three white buttons were identified by the letters "WW", "WA", and "PP", and there was one red button labeled "ATR." Who would really know if he touched them? He couldn't just sit there and resist a challenge like this, so he pushed the "WW" button. Warm Water was sprayed gently upon his bottom. Such a nice feeling came over him.The men's restroom didn't have nice things like this. Anticipating even greater pleasure, he pressed the "WA" button. Warm Air replaced the warm water, wafted and swirled about, gently drying his underside. He knew what he was going to do when the warm air stopped, and without hesitation, he pressed the "PP" button. A large Powder Puff caressed his bottom, adding a fragrant scent of spring flowers to his unbelievable pleasure. The ladies' room was far more than a restroom; it was a place of tender loving pleasure! He could hardly wait for the powder puff to quit. When it did, he pushed what he knew was going to be the ultimate joy!

He knew he was in the hospital as soon as he opened his eyes. A nurse was staring down at him with a smirk on her face. "What happened?! How did I get here?! The last thing I remember, I was in the ladies' restroom on a flight to Atlanta!!!"

"You pushed one too many buttons," replied the nurse, as her smirk expanded to a grin. "That last button marked "ATR" is the Automatic Tampon Remover. "Your penis is under your pillow."

Go for menstruation leave.

The Ca t

Mens na hindi panlalaki

Dear Mouse,

Para maunawaan ng mga lalaki kung gaano kahirap ang buwanang dalaw ng babae, isipin na lang nila na buwan-buwan ay may namamatay na bahagi ng katawan ng babae.

Pag sumapit sa pagdadalaga ang isang babae, tuwing 28 araw siya ay nangingitlog. Ang itlog na ito ang nagiging bata sa oras na ito ay makatagpo binhi ng buhay (sperm cell) galing sa lalaki. Pag ang ang itlog ay hindi naging bata, ito ay namamatay. Ang balot din ng bahay- bata (uterus) ay naaagnas at kasama ng patay na itlog, lumalabas ito kasama ng dugo. Para ito lumabas, ang bahay-bata ay nagkakaroon ng paggalaw na para makayod at mapalabas ang maruming dugo at patay na itlog.Ito ang dahilan sa sakit sa puson. Para maunawaan ang sakit na ito ay ihalintulad ninyo ito sa paggata ng niyog sa sapal, sa pagkayod ng niyog mula sa bao at sa pagkuha ng katas sa kalamansi. Upang maramdaman ng mga kalalakihan kung gaano kasakit ng menstruation, buwan-buwan,ay subukan nila ang mag-ahit hanggang masugat ang kanilang balat at matuklap.

Ganiyan ang nangyayari sa loob. Tinutuklap ang balat ng bahay-bata hanggang dumugo.

Kaya buwan-buwan ay tila namamatayan ang babae. Kung hindi ililibing ito sa mga sanitary pads, ito ay mabubulok at babaho.

Ang buwanang dalaw ay kinaiinisan ng mga babae nguni't inaasam-asam dumating para matiyak na sila ay hindi nagdadalantao.

Ang paghihirap na ito ay tumatagal ng dalawa hanggang limang araw. Isang araw lang ang hinihingi para sa kababaihan. Itatanggi pa kaya ito?

Palagay ko papayag ang LAHAT ng babae kung aakuin ng mga kalalakihang sila ang magkaroon ng dalaw para sa kanila ang menstruation leave.

Go for menstruation leave.

The Ca t

Friday, October 15, 2004

Dual Citizenship-Jim Carrey

Dear Mouse,

Marami sa ating kababayan ang galit sa mga Pilipinong nag-aaply ng dual citizenship. Ang kanilang dahilan ay gusto lamang ng mga Pilipinong parehong makinabang sa dalawang bansa.

Ang iba naman ay ayaw mag-aaply ng dual citizenship dahil baka raw mawala ang kanilang US citizenship.

Si Jim Carrey tulad ng aking paboritong si Brendan Frasier ay Canadian.

Ngayon ay US at Canadian citizen na si Jim Carrey.

Actor Jim Carrey becomes US citizen LOS ANGELES -- Canadian-born comic actor Jim Carrey has become a US citizen and said his decision to pursue dual citizenship was based on his love for the country that helped him attain his dream. "This country has helped define me and make my dreams come true," said Carrey, 42, in a statement. Nevertheless the star of films like The Mask, Bruce Almighty and the upcoming Lemony Snicket's A Series of Unfortunate Events, professed his pride at being born a Canadian. "I have no intention of giving up my Canadian heritage, and all those who loved and supported me," said Carrey. "My upbringing in Canada made me the person I am. I will always be proud to be a Canadian," he added. Carrey became an official US citizen on Oct. 7. -- Reuters

Sana tayo rin kagaya ni Jim.

The Ca t

Hilik mo,hilik ko

Dear Mouse,

Noong Lunes ay isinulat ko na HILIK ang isa sa mga sakit ni Heneral Garcia.

Si Carlos F.Garcia ang heneral na nagpayaman sa puwesto ay hindi nakarating sa Senate investigation dahil siya ay may sakit na paghihilik(Sleeping Apnea Syndrome), hika (COPD OR COLD) at cholesterol
.

Noong Huwebes ay ipinaliwanag ni Doc Emer ang mga medical terminologies na ginamit ng Doktor ng Heneral.

Sabado, ang hilik ding ito ang editorial ng Manila Times.

The case of the snoring general

The fancy name for snoring is obstructive sleep apnea, an affliction that Maj. Gen. Carlos P. Garcia has in common with millions of other people. The general’s physician, Dr. Ivan Villaspin, told the House Committee on Defense that apnea is life-threatening. It could bring on a heart attack or a stroke. Perhaps. General Garcia also suffers from dyslipidemia, meaning he’s fat. His shape is Pickwickian...

Kailangan pa bang sabihing nauna kami?

The Ca t

Akala ko

Dear Mouse,

Padala ni Doc Emer. Alam niya kasing gumagawa ako ng diksyunaryo. Dalawa po ang kahulugan sa mga sumusunod na salita. Yong ikalawa po ay galing kay Pusa.

Abuloy --- bayad sa nahigop na kape at nanguyang biskwit sa nilamayang sakla.

Abuloy--Perang ibinibigay sa simbahan kapalit ng hiling ng pagyaman.

Akala ---- alam na alam daw.

Akala--dahilan ng aksidente o kahihiyan

"Akala ko kasi magnanakaw ka..akala ko kasi lalaki ka...

Aginaldo - inaasahan na makukuha sa araw ng Pasko na mas okay sana kung pera na lang.

Aginaldo-regalong natatanggap na may panalanging sana ay mahal o kaya ay hindi yong fruit cake na taon nanglumilibot sa mga bahay-bahay.

Bakasyon - sandaliang pahinga sa trabahong hingal lang ang pahinga.

Bakasyon-panahong paglilinis ng bahay.

Bakit ---- tanong na laging mahirap masagot.

>Bakit-katanungang nangangailangan na may kasabay na paggalaw ng mata at ng kilay.

Kagaya ng:

Bakit? taas ang isang kilay

Bakit? may kasamang pag-inog ng mata.

Bakit ? may kasamang paglaki ng mata. uh uh

Bakit? may kasamang irap.

Bakit? may kasamang kindat.

Bakya ---- tsinelas na may takong.

Bakya--sinusuot sa paa, pinukpok sa ulo ng mga saragate.

Baga ----- lutuan ng mga hindi makabili ng microwave.

Baga--ginagamit sa ihaw-ihaw

Bagoong -- masarap na ulam ng mga walang maiulam.

Bagoong-masarap ibaon sa opisinang airconditioned

Baldado -- hindi mamamatay-matay na mukhang hindi na mabubuhay.

Baldado--inaabot ng mga lalaking nangangaliwa na nahuli ng asawang maton ng babae o kaya ay binugbog ng sariling asawa.Beeh.

Bale ----- suweldong inutang.

Bale--downpayment ng suweldo

Kaaway --- ikli ng 'kaibigan na Inayawan.'

Kaaway--Taong hindi matanggap na mas magaling sa kaniya

Kababata - dating gelpren na may ibang boypren.

Kababata-akala mo siya na ang pinaka- guwapo.

Kabag ---- utot na naipon sa tiyan.

Kabag-hangin sa tiyan na nakakasakit pag hindi inilabas.

Kalbo ---- gupit ng buhok na korteng itlog.

Kalbo-gupit ng buhok para itago ang pagkakalbo

Dalaginding - dalagang hindi pa nagsusuot ng bra.

Dalaginding-batang gustong maging dalaga na

Dilim ---- liwanag na maitim.

Dilim-Napundi ang ilaw at walang bombilyang ipapalit

E -------- ireng paseksi.

E-malambot na I

Gahasa --- romansang walang ligawan.

Gahasa-pag ang nakaromansa ay pangit

Ginang --- asawa ni ginoo na mukha nang tsimay.

Ginang-ang kumander sa bahay

Ginoo ---- inaasawa ni ginang na may inaasawang iba.

Ginoo-ang kumander sa opisina

Gipit ---- kalagayan ng tao na suki na ng sanglaan.

Gipit-iniiwasan ng mga kaibigan

Ha ------- sagot ng nagbibingi-bingihan.

Ha-sagot ng ayaw sumagot ng totoo.

Handaan -- magdamagan na Palakihan ng tiyan.

Handaan-pagkaing inutang para ipakain ng libre

Hipo ----- haplos na may malisya.

Hipo--haplos na sinuklian ng sampal

Hudas ---- tapat na manloloko.

Hudas-kaibigang kasakasama

Imposible - pagtaas ng unano.

Imposible-pagbaba ng presyo

Insulto --- walang hiyang biro.

Insulto-totoong damdamin na dinaan sa biro.

Isda ------ hayop na hindi Nalulunod.

Isda-hayup na nakadilat kung matulog.

Mano ------ kaugaliang Pinoy na nakapupudpod ng noo.

Mano-kaugaliang dahilan ng pangong ilong

Mantika --- katas ng piniritong taba.

Mantika-mas matindi pa sa lasong pumatay

Maybahay -- asawang utusan sa bahay.

Nakaw ----- pagkuha ng walang pasabing 'akin na lang ito.'

Nakaw-pagkuha nang walang paalam

Naku ------ ikli ng 'ina ko, ina na ako.'

Nitso ----- bahay ng mga patay.

Nitso-ang ibabaw ay bahay ng buhay

Nobya ----- gelpren na laking probinsya.

Nobya-madalas madenggoy nobyo

Ngalngal -- iyak ng walang ipen.

Ngisi ----- tawang tulo-laway.

Ngiti ----- tawang labas ipen.

Paa ------- bahagi ng katawan na amoy lupa.

Paaralan -- dito itinuturo kung ano, alin o sino ang mapipiling bobo.

Panata ---- dasal na nakatataba ng tuhod.

Regla ----- masungit na panahon ng pagkababae.

Sabon ----- mabangong bagay na ipinapahid sa mabahong katawan.

Sakristan - utusan ng pari.

Sampal ---- haplos na nakatitigas ng mukha.

Ta -------- ikli ng 'tita' o lalaking may bra.

Tamad ----- taong hindi napapagod sa pahinga.

The Ca t

Ang Luffit ni GOD

Dear Mouse,

I like to credit Apol for the word luffit and for Father Paras for this e-mail.

Once upon a time in the kingdom of Heaven, God was missing for six days.Eventually, Michael the Archangel found him, resting on the seventh day. He inquired of God, "Where have you been?"

God sighed a deep sigh of satisfaction and proudly pointed downwards through the clouds, "Look, Michael. Look what I've made."

Archangel Michael looked puzzled and said, "What is it?".

"It's a planet," replied God, "and I've put Life on it. I'm going to call it Earth and it's going to be a great place of balance."

"Balance?" inquired Michael, still confused.

God explained, pointing to different parts of earth. "For example, northern Europe will be a place of great opportunity and wealth, but cold and harsh while southern Europe is going to be poor but sunny and pleasant."

"I have made some lands abundant in water and other lands parched deserts."

"This one will be extremely hot, while this one will be very cold and covered in ice."

The Archangel, impressed by God's work, then pointed to a group of islands and said, "What are those?"

"Ah," said God. "That's the Philippines, the most glorious place on earth.

There are beautiful beaches, rivers, mountains and forests. The people from the Philippines are going to be handsome, modest, intelligent and humorous and they are going to be found traveling the world. They will be extremely sociable, hardworking and high achieving, and they will be known throughout the world as carriers of peace and love."

Michael gasped in wonder and admiration but then proclaimed, "What about balance, God? You said there would be balance."

God replied wisely, "Wait until you see the IDIOTS I put in the government."

EHEEKKK

The Ca t

Thursday, October 14, 2004

Photo-op2

Dear Mouse,

Ang ganda-gandang tingnan ang dalawang isdang lalangoy-langoy na ipamumodmod sa mahihirap ng "shadow government" ni Erap.

Parang ganoon lang kadali. Kung buhay ay ang aking mader, masesermonan kung sino man ang nagmunukala ng proyektong ito.

Sa likod ng aming bahay sa Quezon City ay may isang hukay na sementado ang paligid. Oo,Birhinya,sinubukan ng aking mader na mag-alaga ng tilapia. Hindi lang dalawang pirasong tilapia ang pinalangoy sa ginawang maliit na isdaan.

Nagbilang siya ng ilang linggo at naging buwan. Lumaki man ang mga isda ay mga bansot naman. Hindi pa nanganak na tila ba lahat ay lalaki ang mga lintek. Nagastusan si mader sa feeds. Ang mga pusakal na tumutulay sa aming mataas na bakod ay nakikipangisda rin. Ang tubig ay kailangang palitan dahil magiging lason ang tubig na hindi umaagos. Ilang galon ding tubig ang nagamit.Gastos din sa kuryente dahil may sarili kaming water pump.

Ilang buwan ay tuyo na ang isdaan. Nagkaroon kami ng tilapia festival. Piniritong tilapia,inihaw na tilapia at sinigang sa miso na tilapia.

Pagkatapos noon,bawal na ang tilapia sa bahay. Kung gustong kumain ng isda,magbukas ng Ligo. Tipid pa sabi ni mader.

Nagtanim din siya ng upo. Daming bunga. Dahil ito ay gumagapang, nakarating pa ito sa kapitbahay. Pati bunga ay nakikikapitbahay. Ilang linggo rin kaming napurga ng upo. Palagay ko kung tumagal pa iyon ay palagi na akong mauupo.(Korni ko). Ang mga bisita namin ay pinababaunan ng upo.Isang bungahan lang yon, tapos namamatay na ang tanim. Hindi tumubo ang mga buto na galing doon. Kailangang bumili na naman ng buto.

Pero tsamba lang pala yon. Wala siyang berdeng daliri. Tinanim niya ang ampalaya, nakalbo namin ang dahon, isang bunga lang ang sumipot.

Nagtanim siya ng kamatis, maputla pa sa taong natakot sa multo ang kulay.

Balik palengke ulit siya.

Gusto ninyong malaman yong proyekto niyang itik ?

The Ca t

Photo-op 1

Dear mouse,

Pakikalmot ako. Hindi ko maisip kung bakit ang Cabinet Secretary na graduate sa isa sa pinakamagaling na unibersidad sa Estet at sinasabing nagtrabaho sa pinakakamagaling na mga financial institutions ay siyang kailangang magpadlock ng mga gasolinahang nahuhuli na lumalabag sa batas.

Kaya mas mataas ang sahod ng manager kahit wala siyang masyadong ginagawa ay dahil ang galaw ng utak niya ang binabayaran. Ang karaniwang empleyado ay maliit lamang dahil sila ay tagasunod o tagagawa lamang ng mga magandang ideya ng manager.

Sa kaso ng Cabinet secretary, palagay ko hindi natin siya kinuha, para magpadlock ng mga gasolinahan. Isa pa ang pagpadlock ng gasolinahan ay napakaliit na lunas sa suliranin ng oil crises ng bansa. Para siyang naglagay ng maliit na band-aid sa bakukang.

Papogi ba ?

Pakikalmot nga ako uli.

The Ca t

Breathe Right

Dear Mouse,

Masakit pa ang aking kamay. Dinalirot noong kumuha ng dugo sa akin. Muntik nang magutay- gutay ang aking balat.

Sabi ko sa kaniya, sa kaliwa kung wala sa kanan. Nakuha niya. Nang makatapos siya, para akong nakipaglaban ng kalmutan--dahil sa plaster ko sa dalawang kamay.

Sarap mangtusok ng tao.

Huwag tanungin ang aking kalagayan. Lalo lang akong naiinis pag nakikita ko ang isang heneral na nahihirapan daw ng paghinga pero wala naman akong nakikitang nakalagay sa ilong niya para matulungang lumuwag ang daanan ng kaniyang paghinga. Dito breathe right lang ang nilalagay. Ang IV naman ay di kahulugang, malala ang maysakit.

Kung ayaw tumayo,gayahin ito.

The Ca t

Si Pinay nagdrive sa Streets of San Francisco

Dear Mouse,

Tapang ng loob. Basahin si Pinay kung paano siya nagdrive sa SF.

The Ca t

THINKING POINTS FOR JOEY ARCILLA

Dear Mouse,

But to say that it's not a "true blog," that INQ7.net has no right to use blogging as a tool because we're the mainstream media (the establishment as opposed to the bloggers who are the alternative media).

A.Distinguish mainstream from alternative media.

An alternative can not be a part of the mainstream because its purpose is what the word connotes, a substitute for the latter.

Because mainstream media are parts of the power structure in a country, controlled by big advertisers and powerful patrons, media omissions, distortions, inaccuracies and biases are the very same reasons why blogs are the alternative media in order to obtain open and objective views of the isssues that may be of interest to many who do not want their opinions dictated by some journalists- scholars in the agenda-setting mains- tream media.

Your very much admired Andrew Sullivan wrote about the murder of a homosexual teenager-a story that would never be printed in the mainstream media because it is not politically correct.

His blog was the alternative media where people came to know the truth.

Now tell me, can your weblog publish whatever Inquirer refuses to print because it might offend some powerful patrons ?

First you totally ignored the real meaning of blog and now you missed the real meaning of alternative media.

As Soloflite has mentioned in his blog, he can bastardize the government and no one can make him shut up. Can you do the same in your THINKING ermm TALKING POINTS?

BTW, Solo,that is the reason, I cannot be shut up too.

The leftists claimed that theirs is an alternative government for those who are disappointedwith the legitimate. Once these leftists surrender and agree to be a part of the legitimate,they cease to be alternative.

B.Know the criteria why it is called a blog.

Joey Arcilla wrote:

As the gods who determine what blogging is and who and how it should be used?

We did not determine what blogging is. The nature and uses of blogs have been defined. It is up for one to choose which type he will use. The common denominator is the control of the blogger over what he writes.

Yours do not fall in the criteria. Why not use another term.

C. Know the difference between bloggers and commenters.

Joey Arcilla wrote:

What I think would be useful is building a community of bloggers who can post reactions to the stories.

You do not need Bloggers,kid,you just need COMMENTERS.

Bloggers can be commenters but commenters may not necessarily be bloggers.

The Ca t

Wednesday, October 13, 2004

Talking Points a weblog? ho ho ho

Dear Mouse,

Sassy wrote:

If you are a Filipino blogger and you think some action should be taken relative to the Inquirer‘s “Talking Points” maiden issue, I am inviting you to post your thoughts on the subject at midnight tonight and to retain your entry at the top of your index page for the next twelve hours.

Talking Points a blog or a weblog ? Shoe ermm or sue me.

As per blogger’s definition,a blog is a personal diary. A daily pulpit. A collaborative space. A political soapbox. A breaking-news outlet. A collection of links. Your own private thoughts. Memos to the world. There are millions of them, in all shapes and sizes, and there are no real rules.

  • 1. Talking Points is a personal diary –NO
  • Blogs in Pinoyblog-yes
  • 2. Talking Points is a daily pulpit-NO
  • Blogs in Pinoyblog-yes
  • 3. Talking Points -A collaborative space- of what? Of commenters?
  • Pinoyblog-yes
  • 4. Talking Points -A breaking news outlet – Ha ha ha
  • Pinoyblog-yes
  • 5. Talking Points -A collection of links ? where ?
  • Pinoyblog-yes
  • What I read is more of a moderated message board where issues are raised and readers are invited to make comments. Blogs are personal opinions of the bloggers.Readers may or may express opinion on the blogger’s opinion.

    In Talking Points, who are the bloggers? Commenters are not necessarily bloggers. Their comments are not blogs. So why call it a weblog. It hardly even resembles the weblog of Andrew Sullivan, the blogger they chose to give credit for the idea than our very own Sassy and MigzParas.

    So Why call it a banana when it isn't one ?

    ANO KAYO HILO ? o ayaw lang ninyong masabihang naunahan kayo ng pinoyblog.<p/>

    The Ca t

  • Tuesday, October 12, 2004

    Si Pinay Sa Dept.of Motor Vehicles

    Dear Mouse,

    Basahin kung paano bumagsak at pumasa si Pinay sa driving test.

    The Ca t

    Rebolusyon-ani Randy David, MLQ at TF

    Dear Mouse,

    Bukambibig ngayon ang sinasabing posibilidad na may pag-aalsa.

    Kagabi, nanonood ako ng The Correspondents. Sabi ng isang matandang babae na ininterview: "Mali ang paalisin kaming nakatira dito sa aming tinitirhan. Paano ang mga bata. Paano kami. Pagginawa ito nang gobyerno, mag-aalsa ang mahihirap."

    Ito ang opinyon mula sa masa. Lahat ng hindi ikabubuti sa kanila ay dapat ipag-alsa. Para bang ganoon lang kadali. Ganoon lang kababaw na ang buong mamamayang naghihirap ay mag-aalsa dahil sa sila ay malalayo sa gusto nilang tirahan ng libre.

    Ang opinion naman ng mga intellectual ay kung may rebolusyon,saan manggagaling, sa kaliwa,sa kanan o sa taas?

    Sa opinion ni Randy David, hindi imposible ang magkaroon muli ng PP kung magpapatuloy ang pamahalaan sa tila walang pagbabagong pamamalakad.Napapansin niya na ang pagkawalang pag-asa ay nanggaling sa mga may pinag-aralan; may nauunawaan sa takbo ng pulitika.

    Sa opinion ni Manuel Quezon III, wala na ang mga grupo ng Filipinong inaasahang mag-aalsang katulad nang nangyari sa mga nakaraang People Power. Sila ay nasa Amerika, Europa at iba’t iba pang bahagi ng Mundo.Hindi niya inaasahan kailan man ang mga masa upang magpasimuno. Napatunayan na ang mga masa ay nagagamit ng mga may kapangyarihan, ng mayayaman ng mga pulitiko.

    Sa Opinion ni Torn and Frayed, kung ang panahon ay dumating at ang mga Pinoy ay wala nang makuhang trabaho at sila ay mapilitang mananatili na sa Pinas, marahil ay magkakaroon ng unti-unting paglakas ng makakanan at ang lumalalang peace and order situation ang maaring magtulak sa mga Pilipino upang ihalal ang mga katulad ni Ping at Bayani Fernando.

    Hindi man karapat-dapat ay ibig magpahayag ng opinion si Pusa.

    Sa opinyong handa na sa rebolusyon ang mga Pilipino,sumangsang-ayon si Pusa sa opinyon ni MLQ.Hindi naniniwala si Pusa na ito ay nasa utak ng mga Pilipino.

    Bukambibig-oo.

    Kaya masasabi ko na nagiging panakot na lang ito. Parang matandang tigreng hanggang growl lang Nguni’t wala ng ngipin para kumagat.

    Sa mga intellectual na kagaya ni Randy David, hindi kaya ang nakukuha niyang opinion ay sa desperasyon lang ng grupong kaniyang kasalasalamuha.Minsan ay hanggang gayak lang at walang gustong sumama?

    Kay Torn and Frayed-matagal nang nagkaroon ng mass lay-offs sa West. Hindi dahil lamang sa ekonomiya kung hindi dahil sa pag-outsourced ng mga trabaho sa iba’t ibang bansa kung saan mas mura ang suweldo. Marami na ang nadala sa Pinas.Marami na ang nakakuha ng trabaho na dati ay makukuha lamang sa labas ng bansa.

    Ang mga umaalis ay ang mga skilled workers (brawn) na ang political consciousness Ay hanggang sa balita lamang na nababasa nila. Ang corruption na alam nila ay ang epekto lamang ng mga maliliit na dang pisong kotong ng mga pulis at hindi ang milyong-milyong ninakaw ng mga heneral, mga overpricing ng mga congressmen para mapasasaan ang pork barrel at ang mga nakakahiyang malalaking sweldo ng mga GOCCS na ang pera ay galing pa rin sa kaban ng bayan.

    Kailan man ay hindi magiging katanggap-tanggap sa Pinoy si Ping. Ang kaso niya ay laging parang anino sa kaniyang likod na katatakutan ng mamamayan.

    Si Bayani Fernando , kailan man ay hindi rin magiging epektibong lider ng Bansa. Sa isang maliit na pamayanan maari ang kaniyang management style. Sa bansa na ang naghahari sa bawa’t rehiyon ay mga political dynasty,walang susunod sa kaniya kahit ito ay ikakabuti ng marami.

    So ano ang masasabi ng Pusa?

    Patuloy ang pag-inog ng mundo. Ang mga balita sa corruption ay susulpot sa media hanggang panibagong iskandalo na naman ang lumabas. Ang mga nasangkot sa iskandalo ay hindi rin mapaparusahan at pagdating ng panahon ay patatawarin pa rin.

    Ang mga mahihirap ay patuloy tatakutin ang pamahalaan.Ang mga matatalino ay patuloy na gagawing dahilan nag kahirapan at pagkagutom upang makakuha sila ng pera sa mga sponsoring agencies. Ang mga military ay patuloy na sasabihing ang peace and order situation ay lumalala. Hindi ba dito nagkamal ng salapi si Marcos at ngayon ay ang mga heneral na mga ipot pa ng kaniyang administrasyon ? Patuloy ang pagdaloy ng pera upang gamitin sa mga paglaban sa masamang elemento.

    Hindi po crystal ball ni Madam Auring ang tinitingnan ko kung hindi ang takip ng lata ng biscuit kung saan makakita rin ng repleksiyon.

    Ang mga ibang kagaya kong nasa ibang bansa ay ayaw nang makapagbasa nang mga ganitong balita. Hindi dahil ayaw nilang tumulong kung hindi dahil sa Attitude na: " What’s new?".

    Ang Pusa ay dapat ganoon din ang attitude lalo na’t nababawasan ang mga nagbabasa sa kaniya pag pulitika ang pinag-uusapan.

    Pero ang Pusa ay may sakit na pagkamasokista. Mahilig niyang saktan ang sarili sa pagbabasa ng mga balitang hindi magaganda.

    Sandali lang.

    !@#$%^&*()!@#$%^&*

    Ayan, napatay ko na yong naligaw na insekto.

    Nextbadnewsplease.

    The Ca t

    Photo-op

    Dear Mouse,

    Malaking gawaan ng shabu sa Paranaque ang ni-raid ng PDEA.

    Unang mga larawan ng raid ay nagpakita nang pagpasok ng mga asong nakakasinghot ng bawal na gamot at ang mga nakaupong kalalakihan na parang may hinihintay.

    Ikalawang labas ng mga larawan ay ang pagdating ni Pangulong Arroyo at pag-inspect niya sa bahay kung saan nahuli ang nagmamay-ari na isang Insik.

    Hindi ko alam kung ako ay matutuwa o maiinis.

    Pakikurot nga ninyo ako.

    The Ca t

    Monday, October 11, 2004

    Beyond the Grave

    Dear Mouse,

    Another choice cut from choicecat.

    On that commencement exercise, a vacant seat was reserved to a candidate. When his name was called, the graduating class stood up and gave him a round of applause.

    This is a true story. I knew Tomas.

    The Ca t

    Si Pinaysaamerika muntik nang makipagsabunutan

    Dear Mouse,

    Tuloy ang misadbentyurs ni Pinay.

    The Ca t

    Paghihilik, Hika at Cholesterol?

    Dear Mouse,

    Si Carlos F.Garcia ang heneral na nagpayaman sa puwesto ay hindi nakarating sa Senate investigation dahil siya ay may sakit na paghihilik(Sleeping Apnea Syndrome), hika (COPD OR COLD) at cholesterol.

    Meron na akong research tungkol sa mga medical terminologies na ito pero pakikiusapan ko na lang si Doc Emer para ipaliwanag ang sangka-tutak na sakit daw ni Garcia kaya hindi nakarating sa imbestigasyon. Susunod niyan, magpapadala na rin yan sa US para check-up dahil hindi makahinga.

    Sarap manakal ng tao, neh po?

    The Ca t

    Even Superman has to die

    Dear Mouse,

    This is just for the record. I know by now, several readers have gotten wind of the news about the demise of Christopher Reeve, otherwise known as Superman.

    Just like our Rio Diaz, Reeve used up his borrowed days to live in the Planet Earth.

    This time, he will never return.

    The Ca t

    Sunday, October 10, 2004

    Bugtungan Tayo

    Dear Mouse,

    Marami sa atin ang hindi nakakaalala ng isa sa yaman ng kultura,ang BUGTONG.

    Ang mga susunod po ay mga bugtong. Dalawa po ang sagot. Piliin ang angkop sa tanong.

    1.Isda ko sa may sapa, Suson, suson ang taba.

    Sagot: Saha ng saging

    Sagot ni Ca t:Carlos F.Garcia

    Di ba suson, suson ang kaniyang pera itinakbo na naman sa Estados Unidos?

    Dapat diyan ibanana cue.

    2.Pinakain ka ng pinakain Pagkatapos ay ibinitin.

    Sagot:Bingwit

    Sagot ni Ca t:Tatlo ang sagot ni Ca t

    a. Keana Reeves-pagkatapos ipagladlaran ang kaniyang dibdib at ang mga sikreto kuno na marami siyang mga naging kustomer na politicians,bigla siyang natamimi.Bitin.

    b.Isa pang escort girl na nagsaad na isang senador at kongresista ang madalas na maging customer ng mga escort girls.Handa raw siyang banggitin ang mga pangalan.Hanggang ngayon ay wala ang mga pangalan. BITIN.

    k.Rex Robles-Binanggit na dalawang cabinet member ang inimembestigahan tungkol sa money laundering. Tumangging sabihin ang pangalan ng dalawa dahil nakaseal pa raw. MAy nakapagbulong lang daw sa kaniya. BITIN.

    The Ca t