Dear mouse,
Ako ang Cat in the Coffee Shop that does
not go to the coffee shop but when I do,
I am an eavesdropper.
Guy1: What’s that for?
Guy2: just checking if I can drop a digit in
my coffe, so I can sue and make money.
Lady 1. Funneee, that lady was already arrested.
Shame, planting evidence so she can sue.
Pinag-uusapan nila yong babae dito sa Estet
na inaresto na dahil nalaman sa imbestigasyon
na walang putol na daliri sa staff ng Wendy’s
fastfood sa San Jose, California at may history
siya na madalas magdemanda para magkapera.
Parang gusto kong magjoyn at sabihing WalaYAn sa
LOLOKO.
Patay na ho ang lolo ko pero ito ang kuwento.
Minsan daw kumain sa Ongpin
ang aking lolo at may nakuha siyang sahog sa
kaniyang mami.
The cat: Lolo, sabi ni mama, madalas daw kayo
sa Ongpin?
Lolo: Mama mo masakit ang ngipin?
Uhhhhm kailangan nito golpe de gulat.
The cat: LOLOOOOOO,MADALAS DAW KAYONG
KUMAIN SA ONGPIN.
Lolo: Eh bakit ka ba sumisigaw? hindi naman ako
bingi. (talaga hong hindi siya bingi)Oo masarap
ang mami at siopao doon.
The cat: Meron daw kayong nakuhang daliri sa sabaw?
Lolo: Ano, yong tubig umaapaw?
Akala ninyo kukuha ako ng bullhorn para marinig
ako ng lolo ko.Hindi.
The cat: 'Lo (pabulong)sabi ni Marya, yong
katulong sa kabila, nood daw kayong sine.
Lolo: Anong oras daw?
Sabi ko sainyo, hindi siya bingi.Nagbibingihan,
para hindi namin kinukulit sa kuwento ng mga apo.
The cat:memya raw alas dos. Balik tayo sa tanong ko.
May nakuha ba kayong daliri sa mami ninyo ?
Lolo: Oo, apo. (ngiti ni lolo, hanggang tenga,
iniimagine na ang kaniyang date).
The cat: Anong ginawa ninyo ? Tinawag ba ninyo
ang may-ari at nagreklamo kayo?
Lolo: Ano nabubuang. (Diyan ko minana yong
expression ko na ano nababaliw?)
Eh kung bawiin sa akin ang daliri noong naglagay doon ?
The cat: Lolo naman, sino ba ang naglagay? Huwag
ninyong sabihing kasama kayo sa sindikato
ng mga naglalagay ng bubog, ipis, at anu-ao pa sa
pagkain para lang makakuha ng pera.
Lo, cheap ninyo ha. magsisindikato lang kayo
small time pa.(kala ninyo pagagalitan ko siya? nwejjeje).
Lolo: Naku apo, hindi ako kakutsaba. Nilagay
noong lalaking biglang pumasok sa restawran.
Hinahabol ng pulis.
The cat: Bakit naman nagkainteres kayo sa
daliri ? Buti sana kong nakamanicure.
Lolo: OO, naman, may kyuteks pa ngang pula.
Lolo ko, me sira rin. mewhehe.
The cat: 'Lo, seryoso ako ?
Lolo: Eh ako man apo eh. Kasi may nakasuot na
singsing na may brilyante.
The cat: Saan galing yong daliri?
Lolo: Pinutol yata doon sa babaing mayaman
na nakalawit yong kamay doon sa bintana ng kotse.
Tapos tumakbo sa restawran. Hinulog sa mangkok ko
yong daliri at tumakbo, palabas sa likuran.
The cat: Sinuli ninyo sa pulis yong daliri?
Lolo: Bakit ko isasauli.Maikakabit ba nila ?
(Yan lolo ko, pilosopo. Kasalanan lang ho ang
mambatok ng lolo).
The cat: Pero ' Lo, hindi sainyo yong singsing.
Lolo: Alam ko, pero hindi mo ba naisip
na baka mapagbintangan akong kakutsaba ng magnanakaw.
Ganiyan kasi ang modus operandi nila
Yong pinapasa ang ninakaw.
The cat: Eh ‘Lo, nasaan na yong singsing ?
Lolo: aling singsing. Siyanga pala, anong araw
na ba ngayon ? Sino ka ba?
Huwag ko kayong maniwalang ulyanin ang Lolo ko.
Strategy ho niya yan pag ayaw na niyang makulit.
The cat