Dear mouse,
Kinausap ako ng mga hayup sa kagubatan.
Nagsimula sa OWL. Siya yong tumawag. Inulit
niya ang pinag-usapan namin.
Pinaghintay niya ako. Kakausapin daw ako
ng LEON. (President/CEO).
Habang naghihinyay ay kinuha ko ang Annual
Report na nakabuyangyang sa coffee table.
Uhmmmm babae ang Leon. so hindi ang
aking pagkababae abg dahilan dahil
pati ang Director sa Sales ay babae.
Uhmmm, my hyphen ang kaniyang last name.
Interesting. May dahilan kaya ito na may
hyphen, sa isip ko. Pati iyong isang exec na
babae, pareho ng middle name niya.
Basa ulit. Uhhhhmmm, Chairman of the
Board, pareho ng middle name ng LEON.
Ang pag-akyat sa corp. ladder ng babae
ay minsan dahil sa pagpapakasal sa tamang
lalaki o kaya pagkakapanganak sa tamang
pamilya.
Puwera si C.Fiona ng
HP.
Minsan may nabasa akong article tungkol
sa isang successful na lady exec. kung
paano siya naging successful. Nagtataka
ako wala naman siyang masyadong achievements.
Kamala-mala ko, may nakapagbulong sa akin
na kabit pala siya ng maimpluwensiyang
heneral. Sa Pilipinas po ito.
Teka, hilahin ko muna ang sarili ko.
Nawawala na naman ako.
Tatay niya siguro si Tserman kaya
"nahirapan" siyang umusad siya
sa corporate hierarchy of power.
*naughty grin*.
Nice pearls.
Bati niya sa
akin.
Tenk yu.sabi ko. Marunong
siyang tumingin ng maganda.ahahay.
Bla,blah,blah.
Pinagamit muna sa akin ang lamesa na malapit
sa daanan ng mga diyoses.Lamesa yon ng
isang babaeng exec na kapangalan
ng Leon kaya marahil pumasok siya
kung gusto niya,kung ayaw ay maglakbay
siya. Sarap ng buhay ng may kutsara
na pilak.
Ang mga diyoses ay may sari-sariling
lungga, samantalang ang mga
karaniwang mortal ay nakukulong naman
sa kani-kanilang mga sariling bakod
na pinaghati-hati para hindi sila
magkita-kita habang nagtatrabaho.
Aha ang kapihan,microwave at ref ay
nasa isang sulok. Hindi puwedeng magbaon
ng tinapa at iinit sa micro o kaya ng
daeng. Pag hindi nagpulasan ang mga
tao doon.
May internet lounge. hhehehe.
Doon puwedeng maglunch. May libreng
kape, tea at may I-MAc.
Hmmmmm, ang aol nila ay version
pa nang kasalakuyang namamayagpag
pa si Steve.(dating CEO ang AOL).
Puwedeng macheck ang aking
e-mail,blogsite.
Naupo na ako sa desk. Binuksan na
ng Controller yong system gamit
ang password niya.
Sus ginoo, nasaan ba sila
nang pinagduduldulan ni Gates ang
Durungawan na 2000,ME at XP.
Patawarin, sila ay nasa 98 pa.
Tagal pa magload. Parang gusto ko
munang magshopping sa GAP na malapit
lang sa amin para mapunuan ko yong
gaps sa paghintay ng pagbukas ng
'pyuter.
Pero, nakangiti pa rin ako.
Policy kasi raw doon ang maging
friendly at palaging nakasmile.
Iniisip kom lagyan ng lock(parang
si Sandra Bullock) ang aking ngiti
para hindi mapawi.
Nabuksan rin.ngayon yong property
management system naman nila.
Ekkk,jurassic pa.
Yon yong
dos-based pa na mahirap magpalipat-lipat
sa iba-ibang libro na hindi ka
magiging fugitive kasi panay ang hit
mo ng ESC button. Samantalang ang huling
ginamit ko na sistema ay yong inimplement
namin nang ako ay bago sa huling opisinang
pinagtrabahuhan ko na
dinusta-dusta ko rin ang sistema nilang
matanda pa kay Mohamed.
Windows-based siya at puwede akong magpa
deport ng data sa Excel o kaya mag-import
pabalik sa system ng hindi na ako kailangang
lumabas na may passport ehe password pala.
Kung minsan kasi ang mga boss sa kuwentahan
ay matatanda na kaya takot silang gumamit
ng makabagong sistema,kaya hindi sila nagrerekomenda
ng upgrade o kaya magpalit ng ibang sytem
ng pagkuwenta ng kinita ng kumpanya.
Ang kanilang printer ay dotmatrix.Ahhhhhhhhhh.
Ang ingay niya ay parang rap. Pag nag-aberya, sira
ang buong print-out mo. Sa katagalan pa puwede ka
munang magkape ng kalahating dosena habang
sinasabayan mong indak ang ingay ng printer.
Ang printer ko sa bahay ay copier na,scanner
pa at digicam chip developer pa. Doon sa dating
opisina naman ay laser. Segundo lang ay may
print -out ka na.
Kaya naman pala ang backlog nila ay November
pa.
Hmmm, katapat ng aking desk ay ang lungga ni Pedro.
Sunod siya kay Leon. Tangkad. Guwapo, m're. Palaging
bati kay Cath. Hmmmm, hinhin ka lang, Day. Alalahanin
mo ikaw lang ang nay-pi sa malaking organisasyon na yon
na isa raw sa criteria ng pagkuha ay kailangang
maganda ka. O di naloka kayo.
Kaya lang bakit, ganoon ang imbay ng kaniyang
balakang. Magaya nga. Kaya lang baka kurutin ako.
Tanungin ko kaya kung ano ang beauty secret niya.
Wala bang macho dito. Halos lahat yata ay kafatid ko
sa federasyon.
Pati yong Owl, mader din ang dating. Siyanga
pala, sabi niya sa akin, bawal ang maong kahit
na kasing ganda ng maong na suot ko. Kailangan
ay business suit ang suot, palagi.
OO,
kahit akong Consultant lang.
Aha magagamit ko na naman ang aking mga
steam-pressed na pantalon. Doon kasi
sa huli kong pinagtrabahuhan ay casual
dressing lang.Casual as in shorts pag
summer na sleeveless pa ang shirt ng mga
Puti at Itim na mga empleyado. Inis ako.
Noong una, hindi ko magawa, kasi galing
din ako sa financial district noon na
ang dress code ay talagang pangbusiness.
Pero noong tumagal, kesehodang pumasok ako
nang nakatsinelas at nakaoversized shirt
sa puruntong.Feeling ko mamalengke lang
ako sa Divi.
Hanggang ipinatawag ako ng lady boss namin
noon na ako raw ang ginawa niyang role model
sa pananamit yon pala ako ang nahawa sa kanila.
Sala sa lamig,salasa init.
Anyway , hiningi ko na ang chart of
accounts. Ipiprint daw.Sabi ko hokey,
I will take a break. Sa totoo lang
sa tagal siguro kung may malapit lang
na cinema,puwede pa akong magdouble.
Palagay ko tama na ang kumita ng sapat
na pambili ng manok na madidildil kung
sakasakali.
The Ca t