Kung ako si DARNA
Dear Mouse,
Kung ako si Darna, may mga tao akong gustong bigwasan.
Kaliwa, kanan, kaliwa, gitna...sapul
WhoooElly V. Pamatong. Kapal ng mukha niya.Pagkatapos ipagmalaki na susunugin ang mga paaralan hanggang magresign si Gloria Arroyo, ngayon may mukha siyang parang tupang ikinakaila na siya ang utak ng nagkalat ng mga pako. Sabi pa niya. TANUNGIN NINYO ANG DIYOS. Susme, pati Diyos sigurong gigil na sa mga panlolokong ginawa niya rito sa Estet ay gagawin pa niyang sinungaling.
Iniimbitahan ni Rodil Rodis ang mga naging biktima ni Pamatong sa kaso nila sa immigration upang magsampa ng kaso sa “international lawyer?” na ito.
Jaworkski
Nang tinanong siya kung bakit may tama ng bala ang sasakyan ng mga YAP, ang sagot niya , Ewan ko, mayaman sila, sila, siguro binaril nila.
Sana nang tinanong din ang mga YAP kung bakit may tama ang anak ni Jaworski,ang sagot sana nila ay, Ewan ko, baka binaril niya ang sarili niya.
Babaeng dala ang kaniyang sanggol sa demonstrasyon
Napanood ko ang rally ng mga supporters ni FPJ. Nagpulasan ang mga tao dahil sa tear gas at sa tubig. Tumatakbo ang babaeng kipkip ang sanggol habang umiiyak. Tinulungan siya ng isang mama na punasan ng tubig ang mukha ng bata. Kung ibig lang niyang matanggap yong limampung pisoses at libreng meryenda para lumahok sa rally, sana man lamang ay iniwan niya ang isang kamag-anak ang sanggol na iyon. Nasaan ang utak niya na kahit walang tear gas o tubig, alam niyang mapanganib ang magsama ng bata lalo na ang sanggol dahil sa karaniwan na ay nauuwi sa batuhan,habulan at balyahan ang mga ganitong klaseng pagpapahayag ng kanilang karapatan.
Kung ito ay isang stratehiya
upang umakit ng pansin at awa kagaya ng
Babies for Hire ng mga sindikato, puwede
ba, tatawagin ko si Dong.
Sinong Dong?
Eh di pinsan ni Ding na ayon kay XP ay ang makakalimuting side kick ni Darna.
O sige Batjay, kunin mo na ang costume mong BAT na walang appendix. Pakisama mo na tuloy yong frog. Baka sakaling maging prinsipe ay maghop hoppily ever after kami. ribitt ribbitt
The Ca t

Para sa malaking image. Click
Wala silang preparasyon sa kasal. Kailangang
mapakasal sa loob ng 90 days at maayos lahat ang
papeles.Wala rin akong tulog;hindi dahil sa abala ako sa
paghanda. Isang buwan lang ang baby at maligalig.
Kagaya ng naging karanasan ni Bikoy, hindi namin
alam kung paano patatahanin ang pag-iyak ng baby.
Yong pala kabag din. Para rin akong may baby,kasi
pag-iyak, nagdudusa din ako--sa ingay. Noong dinala
namin siya sa doctor, inalo ang baby ng doctor na huwag
daw niyang bigyan ng eyebag ang kaniyang auntie
(ako pala yong tinutukoy niya. Yong eyebag ko kasi
sa walang tulog ay puwede ko nang ipagbili ng
por kilo). salbaheng doktor. urhmp.
Balik sa kasalan. Matanda na yong judge. Yon na lang
yata ang kaniyang gawa. Pagkatapos niyang pangaralan
ang bagong asawa, inutusan niya akong kumuha ng
pictures. Sus, ginoo, ninang na ako--photographer,
yaya kung minsan---at linebre ko pa sila sa isang
burger house parang yong ang kanilang handa. Pasen
siya sila, yon lang ang malapit sa City Hall at
kailangang maiuwi na namin ang baby'ng nagpapalahaw
na ng iyak.
